Kabanata 50

7.1K 169 18
                                    

Kabanata 50
The crown of responsibility

-------------

Itinukod ko ang mga kamay ko sa dibdib ni Code para ilayo siya sa akin. Para ngang nakuryente ako ng madama ko ang matipuno at matigas niyang dibdib.

"Code, sasapakin talaga kita sinasabi ko sayo!"

Hindi na'ko nakatiis kaya nagbanta na ako sa kanya. Baka kasi pag di ko siya pinigilan at kung ano ang gawin niya ay bigla nalang akong mahimatay dito.

"Hoy! Sapak gusto mo?" inambahan ko siya ng tila hindi niya narinig ang sinabi ko.

"Sige nga, sapakin mo?"

Aba, hinahamon niya ako? Feeling niya ba hindi ko siya sasapakin? Well, kung yun nga ang feeling niya. Tama siya, hindi ko naman talaga siya kayang sapakin. Binabantaan ko lang.

"Go on, punch me if you can."

Gahibla nalang ang layo ng mukha namin at halos hindi na ako huminga sa bigat ng pakiramdam ko. Naaamoy ko na nga rin ang mabango niyang hininga at nararamdaman ang init nito.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko ng makita kong padikit na ang labi ni Code sa labi ko.

Matitikman ko na ba ulit ang labi niya? Am I going to like it? Masarap parin kaya yon?

Habang naghihintay ako na maramdaman ang labi ni Code sa akin. Isang malakas na halakhak ang narinig ko mula sa kanya.

Idinilat ko ang mga mata ko at mabilis kong itinulak si Code ng makita ko siyang panay ang tawa.

"Bwisit!" Lumayo ako sa kanya at inirapan siya.

"Hindi ka parin nagbabago. Ang tapang-tapang mo parin magbanta." aniya habang hawak niya ang tiyan niya.

Inambahan ko siyang susuntukin ng nakakuyom kong kamao dahil sa inis ko, pero agad na humupa ang inis ko habang nakikita kong tumatawa siya.

Tumatawa siya dahil sa akin and it feels so good that for a long time, napatawa ko siya.

Kinagat ko ang ibaba kong labi ng maramdaman kong nag-iinit ang gilid ng mga mata ko, parang gustong tumulo ng luha ko.

Nang mapansin ni Code na naiiyak ako ay tumigil naman siya sa pagtawa.

"Tumawa ka."

"Huh? I have emotion, natural na tumatawa ako." dipensa niya.

"I mean, tumawa ka dahil sa'kin."

Tumaas ang isa niyang kilay.

"Tumawa ako kasi nakakatawa ka."

"Kahit ano pang dahilan kung bakit ka tumawa. The fact is...it's because me."

Humalukipkip siya at bumuntong hininga. "Fine. It's because of you. If that makes you happy." hilaw niya akong nginitian at saka niya muling itinalukbong sa ulo niya ang hood ng kanyang jacket at muli rin niyang tinakpan ng mask ang bibig niya.

"Thanks for helping me on this mess." aniya at saka siya naglakad palayo sa akin.

"Code, sandali lang."

Tumigil siya sa paglakad at nilingon niya ako.

Nginitian ko siya. "Miss na miss kita."

Napayuko ako ng maramdaman kong malalaglag na ang luha ko.

"I'll see you again."

Iyon ang huling salitang sinabi niya bago siya tuluyang naglakad palayo sa akin.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon