Kabanata 52

7.3K 197 21
                                    

Kabanata 52
The sound of my feelings

------------
Dahil sa naging pag-uusap namin ni Code kagabi. Akala ko, susuko na ko. Akala ko titigil na ko. Pero hindi ko pala kaya, siguro nga sobrang nasaktan ako sa mga sinabi niya, pero dahil doon ay mas lalo akong naging pursigido na kuhanin ulit ang loob niya. Hindi pa ako nakakapagpaliwanag sa kanya at hindi ako titigil hanggat hindi ko nasasabi sa kanya ang totoo at nalilinis ang pagkatao ko.

"Sa pelikulang aking mundo."

Isang malakas na palakpak ang narinig ko mula kay itay Noel, matapos kong mag gitara at kumanta.

Nagsisibak siya ng punong kahoy na panggatong namin.

Napabuntong-hininga naman ako. Sa wakas ay nakaraos din. Natapos ko na ang arrangement ng isinulat kong kanta na ipe-perform ko, hindi ko alam kung saan o kailan pero nasa usapan na namin yon ni Ms. Say Lorenzales, siya rin yung babaeng nag-interview sa akin, isa siya sa mga production staff na nakatoka para asikasuhin kaming mga lucky date ng Downtown.

Bukas ay kasabay ko rin na luluwas ng maynila ang Downtown. Hindi ko lang alam kung kasama namin sila sa sasakyan or separated kami.

"Ilang araw ka nga ulit sa maynila, Persis?" tanong ni itay Noel.

"Tatlong araw daw po."

"Nakapag empake ka na ba ng dadalhin mo?" tanong naman ni inay na lumabas ng bahay dala ang dalawang tasang kape na itinimpla niya.

Ibinigay ni inay kay itay ang isang tasang hawak niya at tumabi siya sa kinauupuan ko.

"Mag-iingat ka roon sa maynila. Maraming loko doon. Saan daw ba kayo tutuloy?"

"Sa hotel daw po, nay."

"Basta pag nagka-problema ay tumawag o makitext ka. Balitaan mo kami." paalala pa ni inay.



Dumating ang araw ng pag-alis ko sa Ashralka. Alas-quatro palang ng madaling araw ay sinundo na ako ng itim shuttle van kung saan nakasakay din dito si Olivia, yung iba naming kasama ay nasa maynila na kasi mga manileña naman ang mga yon.

Sa shuttle ay kasama namin ang ilang staff na masayang nakipag kwentuhan sa amin.

"I'm excited to hear your song, Persis. Halatang pinaghanda mo talaga at dinala mo pa ang gitara mo." ani Ms. Lorenzales na inginuso ang gitara kong nasa likod.

"Ayoko po kasing mapahiya.

Dahil limang oras ang layo ng maynila sa Ashralka. Nakatulog kami habang bumabyahe. Nagising nga akong nasa balikat ko ang ulo ni Olivia at mahina pa siyang himihilik.

"Girls, wake up! We're here."

Pukaw ni Ms. Lorenzales habang tinatapik-tapik niya sa pisngi si Olivia na hindi parin nagigising mula sa mahimbing niyang pagtulog.

Sumilip naman ako sa bintana at namangha ng makita ko ang mataas na building na nakatayo sa tapat mismo ng sinasakyan namin.

Sofitel Philippine Plaza

Iyon ang nababasa kong pangalan ng building.

Pagpasok namin sa mataas na gusaling yon ay mas namangha ako sa loob. Halos mabali ang leeg ko sa katitingala ng mga naglalakihang chandelier sa mataas na kisame ng hotel, napaka-elegante nito. Feeling ko tuloy ay ang yaman-yaman ko at nakapasok ako rito.

"Girls, sumunod kayo sa'kin." pagtawag sa amin ni Ms. Lorenzales na may kasama pang kasamang isang staff ng hotel base sa uniform na suot nito.

Pagpasok namin ni Olivia sa hotel room namin ay manghang-mangha kami agad dito sa simple at elegante nitong ayos.

"Wow! Persis, tara dito bilis. Ang ganda ng view dito!" ani Olivia na nasa balcony at panay na ang kuha ng litrato gamit ang maganda niyang cellphone.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now