Kabanata 36

7.9K 163 3
                                    

A/N: I dedicate this chapter to Arianne Lapuz because it's her birthday today. Happy birthday gorgeous. 

Kabanata 36

Bugso ng ulan

-----------
Inilagay naming lahat ang mga upuan namin sa apat na sulok ng classroom.

Handang-handa na kami para sa kanya-kanya naming nakahandang performance. Ang iba ay magagarbo ang costumes, nakabase sa kung anong klaseng sayaw ang ipe-perform nila. Ako naman ay isang simpleng red dress lang na walang manggas ang suot, tinalian naman ako ng isa sa mga kaklase kong babae na malapit sa akin, ipinaikot niya ang buhok ko para daw hindi ito sumunod ng sumunod sa pagsayaw ko mamaya. Si Code ay puting longsleeve naman ang isinuot at itim na pants, itiniklop niya ang manggas ng kanyang longsleeve hanggang siko at hinayaan niyang nakabukas ang dalawang butones nito sa may itaas, lumilitaw tuloy ang kanyang makinis at malapad na dibdib.


"Listen, everyone. Nasa bowl na'to ang pangalan ng bawat pair at kung sino man ang mabunot ko, sila ang magpe-perform sa harapan." ani ma'am Abad. Ipinakilala rin niya ang dalawa pang teacher na makakasama niya sa pagja-judge sa amin.


Ilang saglit lang ay nagsimula na siyang bumunot ng papel sa bowl na hawak niya. Napalingon naman ako sa katabi kong si Code na ipinagsalikop ang kamay naming dalawa habang nakapatong ito sa desk ko. Nakatingin siya sa harapan at halos hindi kumukurap, ramdam ko pa nga ang lamig ng kanyang kamay. Hindi siya mukhang kinakabahan, pero sa paraan ng pagkakahawak niya sa kamay ko at sa lamig nito, masasabi kong kinakabahan din siya.

Napukaw muli ang atensyon ko sa harap ng tinawag na ni ma'am Abad ang dalawang pangalang nakasulat sa nakabilot na papel na hawak niya. Hindi ang pangalan namin ni Code ang narinig ko kaya napabuga ako ng malalim na hininga. Nabawasan ng kaunti ang kaba ko.

Pero sa totoo lang, mas gusto ko pang mag perform na ngayon para mawala na 'tong kaba na nararamdaman ko, baka kasi mamaya mahimatay nalang ako bigla dito dahil sa matinding kaba.



Apat na pares na ang nakakapag-perform ng ianunsyo ni ma'am Abad na tatlo o dalawa nalang ang natitirang pair na makakapag perform ngayong araw, hindi kasi kakayanin ng thirty minutes namin na makapag perform lahat.


"Sana mabunot na tayo, gusto mo na rin mag-perform diba?"

Napalingon ako kay Code dahil sa sinabi niya.

"Uhm!" Iyon lang ang naitugon ko sa kanya, may kasama pa nga itong ngiti.





Nang oras na para bunutin ang huling pair na magpeperform ngayon. Pigil ang hininga ko at hindi kumukurap habang nakatutok ang paningin ko sa kamay ni ma'am Abad na tila nagso-slow mo sa pagkuha ng kapirasong papel na nakabilot sa fishbowl.

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni ma'am Abad ng buklatin niya ang binilot na papel na nabunot niya at saka siya nag-angat ng tingin at iniligid ang paningin niya sa aming lahat. Hindi ko tuloy mahulaan kung sino ang nabunot niya.

"Eto ang huling pair na magpeperform ngayon." Nakangiting sabi ni ma'am Abad. Parang mga bubuyog namang naghuhulaan ang lahat kung sino ang susunod na magpeperform.


"Give us your best, Nicodemus Jeriah Realonda and Persis Neshamah Buenrostro."


Nagtinginan ang lahat sa amin ni Code at nagkatingin din kaming dalawa ng tawagin ang pangalan namin. Napapikit naman ako ng mariin at napahinga ng malalim. Nag sign of the cross pa'ko.

"Shall we?" Inabot sa akin ni Code ang kamay niya at sabay kaming tumayo sa kinauupuan namin.

"Goodluck." ani Philip na katabi ang partner niya at nakaupo di kalayuan sa pwesto namin ni Code.


Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang