Kabanata 5

10.6K 228 24
                                    

Kabanata 5
Nakeisha

----------
"Salamat, Robert."

"Sigurado kang hindi na kita ihahatid hanggang sa inyo?" aniya habang nasa loob kami ng kanyang pick up truck at nakahinto iyon sa harapan ng lupang kinatitirikan ng bahay namin.

"Oo, nandito na nga tayo e, hindi mo na ako kailangang ihatid pa hanggang sa pintuan ng bahay namin no."

Nagkibit balikat siya. "Ikaw ang bahala."

"O siya, ingat nalang sa pag-uwi mo." Bababa na sana ako sa sasakyan niya ng hawakan niya ako sa braso para pigilan. Napakunot naman ang noo ko at nagtataka siyang nilingon. "Bakit?"

"Wag ka muna bababa. Dyan ka lang." Nakangiti niyang sabi at saka niya tinanggal ang seatbelt niya at bumaba siya ng kanyang sasakyan. Umikot siya papunta sa harap ng pintuan ng passenger seat kung saan ako nakaupo at binuksan niya ang pintuan dito. Walang lumabas na salita sa kanyang bibig pero nakangiti niyang inabot sa akin ang kamay niya.

I get it. Gusto niya akong pagbuksan ng pintuan at alalayan sa pagbaba.

Napailing-iling nalang ako at napapangiti ng abutin ko ang kamay niya.

"Minsan ka lang magpakababae kaya nilulubos-lubos ko na." Tumatawang sabi ni Robert.

"Sapakin kaya kita dyan?"

Tumawa ulit siya at saka siya napatitig sa akin. "Ang ganda mo talaga ngayon, Persis."

Tinapik ko ang balikat niya. "Oo na. Ngayon lang to." At saka ako nagsimula ng tahakin ang makitid na daang malupa papunta sa amin. Mabuti nalang at hindi umulan ngayon dahil siguradong mapuputikan ang laylayan nitong mahaba kong gown at mahihirapan pa akong maglaba.

Pakatok palang ako sa pintuan ng bahay namin ay agad ng bumukas iyon. Si itay Noel ang nagbukas ng pinto at pinasadahan niya ako ng tingin. "Remedios! Nandito na si Persis." Sigaw ni itay at kumakaripas namang lumapit si inay at pinasadahan din ako ng tingin na puno ng paghanga.




"Sabi ko na nga ba at ikaw ang mananalong prom queen. Ang ganda-ganda mo naman kasi talaga anak!" Puri sa akin ni nanay habang tinatanggal ko na ang sash at kurona ko. Kinuha naman ni inay ang bouquet ng bulaklak na inilapag ko sa mesa at inamoy-amoy niya iyon.

"Kasing gaganda ka ng mga bulaklak na'to, Persis."

Naipaikot ko nalang ang mga eyeballs ko sa pinagsasabi ni inay.

"Mag kwento ka, anak. Ilan ba ang nagsayaw sayo?"

"Nay, pwede po bang magpalit muna ako ng damit? Nangangati na po ako sa gown na'to." Reklamo ko habang kinakamot-kamot ko ang balikat ko.

"O siya sige magbihis ka na. Basta magkwento ka pagkatapos."





Pagkatapos kong magbihis ay hindi na nga ako nakaiwas na magkwento kay inay at itay habang kumakain kami ng pandesal at may tig-iisang baso kami ng gatas, animo nag-aalmusal lang kami.

"Noong kabataan ko, ang daming nagsayaw sa akin nung JS Prom namin at dalawang beses pa akong naging prom queen." Pagmamalaki ni inay habng ginagatungan naman siya ng pamumuri ni itay.

Hindi naman kataka-taka ang sinasabi niya. Maganda talaga siya, sa totoo lang ay proud nga ako na anak niya ako dahil marami ang pumupuri sa ganda ni inay. Ang sabi ng marami ay sa kanya ko raw nakuha ang magaganda kong ngiti. Sana nga'y namana ko nalang din kay inay ang pagiging morena niya. Hindi ko alam kung nagsawa na ba ako sa kaputian ko o talagang hindi ko ito gusto, mabilis kasi akong mamula sa araw at kapag natagalan ay humahapdi ang balat ko na para bang nalalaplos ang balat ko, tila ba binabalatan ako ng buhay. Siguro dahil manipis ang balat ko kaya ganoon. Nakakainggit tuloy ang may mga morenang balat.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now