Kabanata 19

8.2K 195 12
                                    

Kabanata 19
Preparation

-----------
Sa wakas ay nakauwi na si aling Narcisa sa kanila. Dalawang araw din siyang namalagi sa hospital at dalawang araw narin buhat ng magpalista kami nila Code sa contest na magaganap sa linggo, kaya nagpa-practice narin ako ng kakantahin ko at gigitarahin ko. Hindi pa man ay kinakabahan na nga ako, mas kinakabahan pa ako sa magiging performance ko, kaysa sa pag re-reyna Elena, siguro dahil kailangan ko talagang galingan ang performance ko kasi may premyo yon at para kay aling Narcisa ang pera kung sakaling mananalo ako. Hindi ko pa nga rin nasasabi sa mga kaibigan ko na kasali ako sa sagala at ako pa ang mag re-reyna Elena, mabuti narin siguro na wag nalang nilang malaman kasi siguradong bubuyuin ako ng mga yon.

Imagine, yung titibo-tibo nilang kaibigan ang mag re-reyna Elena. Pagtatawanan ako ng mga yon. Sana nga wag silang manood ng sagala sa sabado para hindi nila ako makita. Ayoko talagang makita nila ako, pakiramdam ko nakakahiyang makita ako ng mga kaibigan ko.





Dumating ang araw ng sagala. Dalawang araw ipinagdiriwang ang piesta rito sa La Solimatra, Ashralka kaya ito ang unang araw ng piesta at dahil piesta ay minabuti ng mga magulang ko na wag ng magtinda ng isda sa palengke ngayon, wala narin kasing halos pahinga si inay at itay.

Pahinga rin ng mga nagtatrabaho sa hacienda ngayon kaya nasa bahay lang nila si Code. Sa katunayan ay palihim ko siyang sinisilip sa binatana namin habang pinanonood ko siyang pikit matang naggigitara sa harap ng bahay nila. Wala siyang pang-itaas at nakasuot ng kupas at punit-punit na pantalon, may kapiraso at itim na tela na namang nakatali sa noo niya kaya aakalain mong naka-spike ang buhok niya sa may tuktok dahil nakataas iyon at aaminin kong bagay na sa kanya yon kasi ang astig-astig niya sa paningin ko.


Maya-maya'y dumating naman ang mayordomo ng mga Bergancia na si Richard at sinusundo na niya ako. Pinapasok ko muna siya sa bahay namin dahil hindi pa ako nakakapagbihis.


Habang nagbibihis ako sa kwarto namin ay naririnig ko si inay at itay na inaasikaso si Richard sa may sala namin.

Nagsuot lang ako ng isang simpleng t-shirt na puti na medyo maluwang sa akin at pantalon na kulay itim, saglit kong sinuklay ang tuwid at mahaba kong buhok bago ako lumabas ng kwarto.

"Tara na po." Pang-aaya ko kay Richard na agad tumayo mula sa matigas na upuang kahoy namin.

"Ang sabi ni donya Alena ay isama din daw natin ang mga magulang mo, binibining Persis. May kaunting salo-salo kasi sa bahay."

Napalingon ako kay inay at itay na nakaawang ang bibig at tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Richard.

"Inay, itay. Sumama daw po kayo."

"S-Sa mansyon?" Nauutal na tanong ni inay na nakangiting tinanguan naman ni Richard.

"Ay s-sandali lang magbibihis na kami. Bilisan mo Noel, magbihis na tayo!"

Napatawa ako ng mahina ng nagmamadaling hilain ni inay si itay papasok ng kwarto namin.


"May salo-salo po sa mansyon? Ang ibig sabihin ay may mga bisita?" Tanong ko kay Richard habang hinihintay namin na makapagbihis ang mga magulang ko.

"Ikaw at ang pamilya mo, binibining Persis...ang bisita nila. At saka yung mga ipinatawag ng donya na mag-aayos sayo at kay senyorito Philip."

"Kami lang ang bisita?"

"Oo. Magaan ang loob sayo ng pamilya, Bergancia. Lalo na ni senyorito Philip kaya kung ano man ang ioffer nila sayo, tanggapin mo nalang. Maswerte ka dahil mukhang malakas ang tama sayo ni senyorito." nakangising sabi ni Richard na para bang tinutukso niya ako kay Philip.


Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now