Kabanata 12

8.5K 209 28
                                    

Kabanata 12
Coconut plantation

----------
Dalawang araw na ng magsimula ang bakasyon. Mas gusto ko pa na may pasok dahil kapag bakasyon ay nagiging taong bahay lang ako buong araw. Wala akong ibang magawa kung di ang mag gitara at magsulat ng kanta. Nakakaboring.

Gustuhin ko man maligo sa dagat ay wala naman akong kasama. Ayokong nagpupunta sa dagat ng wala akong kasama.


Katatapos ko lang magluto ng sinigang na baboy. Maaga akong nakapagsaing kaya maaga din akong nakapagluto ng ulam. Isang oras mahigit pa naman ang dating ni inay at itay napaaga lang talaga ako ng pagluluto dahil sa sobrang pagkaburyo ko dito sa bahay.

Ito ang unang beses na nakapagluto ako ng sinigang na baboy kaya naisip kong bigyan si aling Narcisa ng makahigop naman siya ng mainit na sabaw.

Dala ang isang mangkok na nakapatong sa platito. Naglakad ako palabas ng bahay namin. Pumasok na ako sa bakod ng mga Realonda at kumatok.


"Aling Narcisa."

Nakailang katok pa ako bago ako pinagbuksan ng pinto ng ina ni Code na napakalalim at pungay ng mga mata. Agad akong nag-alala sa kalagayan niya.

"Aling Narcisa may dala po akong ulam para sa inyo."

"Salamat, Persis." Nginitian niya ako at sa ngiti niyang yon ay tila nakita ko si Code. Kuhang-kuha ni Code ang ngiti ng kanyang nanay.

Iaabot ko na sana kay aling Narcisa ang dala kong mangkok pero bigla siyang umubo ng sunud-sunod na para bang hindi na siya makahinga.

"Nako, aling Narcisa. Ipapasok ko na po ito."


Nagmamadali akong pumasok sa loob ng bahay nila Code.

"Ate Persis!" tuwang-tuwang pagtawag naman sa akin ni Nakeisha na naglalaro ng lutu-lutuan niya sa sala nila.

Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ko kay Nakeisha dahil nagmamadali ko ng inilapag ang mangkok na dala ko sa ibabaw ng kanilang mesa at tinakpan iyon.

Panay parin ang ubo ni aling Narcisa habang natataranta akong lumukuha ng tubig.


Paglapit ko sanya ay nasa tabi na niya si Nakeisha at mukhang nag-aalala din ito pero hindi alam ang gagawin.

"Aling Narcisa uminom po kayo." alok ko sa kanya ng tubig. Nagmamadaling ininom niya iyon at ipinakuha niya sa akin yung gamot niya na nasa mesa lang din daw.

Bumalik ako sa kusina nila at kinuha yung gamot niya at saka bumalik sa kanya.


Pagkainom ni Aling Narcisa ng gamot niya ay pinaupo ko siya sa kawayan nilang upuan. Tinabihan naman siya ni Nakeisha at niyakap.

Napapikit si Aling Narcisa ng makasandal siya sa upuan. Hawak niya ang kanyang dibdib ng huminga siya ng malalim at saka muling idinilat ang mga mata niya.


"Salamat, Persis." Nanghihina niyang ngiti sa akin.

"Wala po yon. Tamang-tama lang po pala na dinalhan ko kayo ng ulam dito, kung hindi po ako pumunta dito baka kung ano na po ang nangyari sa inyo, mag-aalala na naman po n'yan si Code."

"Nay, bakit araw-araw ka pong may sakit?" tanong naman ni Nakeisha na bakas parin sa mukha na nag-aalala ito sa kanyang nanay.

"Walang sakit si nanay, inubo lang." sagot naman ni aling Narcisa habang hinahaplos ang buhok ni Nakeisha.

"Siya nga pala, maghahatid pa ako ng pananghalian kay Nicodemus."

Akmang tatayo na si aling Narcisa pero pinigilan ko siya.


Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now