Kabanata 24

7.9K 202 28
                                    

Kabanata 24
Pilyo

----------
Narinig ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa tanong ni Code. Tila sumisigaw ito ng 'Oo' pero hindi mabigkas ng mga labi ko, ramdam ko rin ang panginginig ng buo kong katawan at ang pag-akyat ng dugo ko.

"Persis." Nakakakiliti sa pandinig ang malambing na pagkakabigkas niya ng pangalan ko at ng dahan-dahan kong ipinilig ang ulo ko para tignan siya. Napapigil ako sa paghinga ng magtagpo ang aming mga mata.

Inangat ni Code ang isa niyang braso at pakiramdam ko ay tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan ng haplusin niya ang pisngi ko. Napakasarap sa pakiramdam ng kanyang mainit na palad.

Dahan-dahan niyang inangat mula sa pagkakahilig sa balikat ko ang kanyang ulo, hindi naghihiwalay ang mga tingin namin, tila ayaw pakawalan ng mga mata namin ang isat-isa.

Napalunok ako ng dahan-dahang inilalapit ni Code ang mukha niya sa akin. Nakakabingi ang pintig ng puso ko sa kaba. Kinakabahan ako sa binabalak niya, pero hindi ko rin maiwasang manabik.

Inilapat pa ni Code ang kamay isa niyang kamay sa pisngi ko. Dalawang kamay na ni Code ang nasa mukha ko ngayon at pinapakatitigan niya ako, hanggang sa walang sabi-sabing inilapat niya ang labi niya sa akin.

Dilat na dilat ang mga mata ko sa pagkagulat, si Code naman ay pikit ang mga mata.

First kiss. Unang halik mula sa lalaking mahal ko. Unang halik mula kay Code Realonda.

Hindi kami. Wala rin naman siyang sinasabing gusto niya ako. Hindi dapat namin ginagawa ito. Pero hindi kayang magsinungaling ng damdamin ko na gusto ko 'to. Gusto ko 'to kaya kahit na sinisigawan na ako ng isip ko at sinasabing pigilan ko si Code. Hindi ko magawa. Hindi ko kayang pigilan ang bagay na gustong-gusto ng damdamin ko.

Hindi ko alam kung paano humalik pero tila may sariling pag-iisip ang mga labi ko ng gumalaw ang mga ito at tumugon sa mainit na halik ni Code. Ipinikit ko rin ang mga mata ko at dinama ang malalambot at mapupula niyang labi na banayad na gumagalaw sa labi ko.

Pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga sa bawat galaw ng labi naming dalawa. Ganito pala ang halik, paliramdam ko lumulutang ako sa saya, pero may bahagi rin ng damdamin ko ang tila nalulunod. Nalulunod sa ligaya.

Sabay kaming napadilat ni Code at kapwa habol namin ang aming hininga ng maghiwalay ang labi naming dalawa.

"Sorry" aniya at saka siya dahan-dahang tumayo at hindi makatingin sa akin, para bang natauhan siya sa ginawa niya.

Nabalot ng ilangan ang buong paligid namin dahil sa nangyari. Hinalikan niya ako. Tinugon ko ang halik niya. Naghalikan kami.

"Wala ng ulan. Ihahatid na kita, Persis." Ani Code na para bang walang nangyari o baka sinusubukan lang niyang alisin ang pagkailang sa aming dalawa.

Inabot niya ang kamay niya sa akin para itayo ako at kinuha ko naman ang kamay niya.

Lumabas kami ng kamalig kasama si Bagwis. Bilang ang mga salitang lumalabas sa bibig namin at habang tinatahak namin ang daan papunta sa gate ng hacienda Bergancia, halos walang nagsasalita sa amin. Walang imikan.


Pag-uwi ko ng bahay ay paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala ko ang mga nangyari.

"Persis, ano ba? Tinatanong kita."

Nilingon ko si inay na nasa sala at nananahi.

"Po?"

"Tinatanong kita kung anong sabi ng don at donya sa ginataan ko?"

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now