Kabanata 3

10.3K 251 21
                                    

Kabanata 3
Prom

-----------

"Nak, alis na kami ng itay Noel mo. I-lock mo ang pinto, magsaing ka ng tanghalian mamaya ha." Bilin sa akin ni inay na ramdam ko ang presensya mula sa kaliwang bahagi ng tinutulugan kong papag.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha niya.

"Anong oras na po?" Tanong ko habang kinukusot ang mga mata ko, humikab pa nga ako.

"Alas-singko palang. May agahan ka na sa ibabaw ng mesa kung nagugutom ka na, basta wag mong kakalimutan ang bilin ko."

"Magluluto narin po ba ako ng ulam, inay?"

"Wag na. Bibili nalang kami ng lutong ulam pag-uwi namin mamayang tanghali, basta wag mong kalimutang magsaing. Wala na yata tayong panggatong, manghingi ka nalang muna kanila Nicodemus."

Mabigat akong napatango kay inay at muling napapikit ang mabibigat kong mga mata.

"O, wag ka munang matulag ulit. I-lock mo muna ang pintuan."

Paglabas ni inay at itay Noel papuntang palengke para magbenta ng isdang nahuli ni itay. Agad ko namang sinarado ang pintuan at muling bumalik sa pagtulog.









Alas-osto na ng nagising ako. Habang kumakain ako ng pandesal na may palamang itlog ay pumwesto ako sa harap ng malaki naming bintana na itinukod ko para bumukas.

Kinuha ko rin ang gitara ko at inistrum iyon. Habang tinutugtog ko ang isa sa mga kanta ni Aiza Seguerra ay nahagip naman ng paningin ko si Code na wala na namang pang-itaas at tanging ang suot niya lang ay ang kupas niyang pantalon na maraming punit, nakikita ko pa nga ang waistband ng kanyang suot na panloob.

Abala siya sa pagpoposo kaya hindi niya ako mapansin kahit na hindi naman siya kalayuan sa akin.

Napatigil ako sa pag i-istrum ng gitara ko dahil tila nagulo ang sistema ko at kaibuturan ng diwa ko dahil sa nakaka distract na katawan ni Code. Naliligo na naman sa pawis ang balat niyang pantay na nasunog sa araw. Kumikinang na naman siya na tila isang dyamanteng gusto kong hawakan at kunin.

Eto na naman ang malandi kong pag-iisip. Hindi ko talaga maiwasang mag-isip ng kapilyahan sa tuwing makikita ko ang magandang hubog ng katawan ni Code. Sa bawat galaw niya ay mas lalong nade-depina ang mga patag na bukol sa kanyang tyan na tignan mo palang ay alam mo ng matigas, pati ang mga muscles niya sa braso, ang kanyang dibdib at malapad na balikat na nag pe-flex sa tuwing kikilos siya.

Mabuti nalang talaga at kami lang ang kapitbahay nila dito. Walang ibang nagpapakasasa sa palihim na pagpasada ng tingin sa perpekto at nakakaakit niyang katawan na tila nagdadagdag din ng init sa mainit na panahon ngayon.

Pero kung siya ang sanhi ng tumitinding init dito sa Ashralka, handa akong magliyab at masunog mahawakan ko lang siya.

Napailing-iling ako at kinaltukan ko ang sarili ko para magbalik ako sa inosente kong pagkatao na nilalamon ngayon ng pilyang ako.

Napakagat nalang ako ng labi ko ng matapos punuin ni Code ang dalawang itim na container ay binuhat niya ang mga iyon. Bakas sa mukha niya ang bigat ng kanyang bitbit ng mag-igting ang kanyang mga panga at bahagya siyang napangiwi.

Diyos ko! Sana lahat nalang ng lalaki sa mundo, katulad ni Code. Siya ang tipo ng lalaking responsable, maaasahan at marunong magbanat ng buto. Bonus na ang kagwapuhan niyang magpapalaglag panty at panga sa mga babae at kabadingan. Siguradong tutulo rin ang laway mo sa kanyang kakisigan. Tignan ka pa nga lang niya, pakiramdam mo. Sirang-sira na ang pagkababae mo.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon