Kabanata 25

7.9K 191 10
                                    

Kabanata 25
Tapilok

----------
"Umahon na kayo at magsikain na rito." Pagtawag sa amin ni Richard na kanina pa nag-iihaw ng kakainin namin.

"Tara, gutom narin ako." anyaya sa amin ni Felix na nagmamadaling umahon sa tubig.

Tinawag ko narin at inaya ang iba pa. Hinawakan pa nga ni Philip ang kamay ko habang sabay kaming naglalakad sa mabatong bahagi rito.





Paglapit namin kay Richard ay maraming pagkaing nakalatag sa banig na nilatag niya dito sa may patag na bahagi, sa gilid ng dodiongan falls. Inihaw na baboy, barbecue, rellenong bangus, may malalaking hipon pa nga at alimasag ang nakalatag na mga pagkain sa harap namin. Nanunubig na naman ang bagang ko.





"Talaga! Dito ka na mag-aaral? Sana maging ka-klase ka namin, diba last year mo narin?" ani Felix na tinanungaan naman ni Philip, naikwento kasi niya sa mga kaibigan ko na dito na siya mag-aaral.


"Bakit, ayaw mo na bang bumalik sa maynila?" Tanong naman ni Joe.

"Hindi naman sa ayaw, gusto ko lang subukan din ang mamuhay dito sa Ashralka. Sa mga kwento kasi ni Persis, naeengganyo akong magtagal rito."

"Baka naman kasi...may ayaw kang iwan dito?"

Napataas ang isang kilay ko kay Felix dahil sa tila may pakahulugang sabi niya habang nakangisi siya at nagpapapalit-palit ang tingin sa amin ni Philip.

Tinirikan ko siya ng mga mata at saka muling sumubo ng hipon na kinakain ko.

"Siguro nga." narinig ko namang sambit ni Philip na nagpaangat ng tingin ko sa kanya, at ng mapatingin ako sa kanya ay nagtama ang mga mata naming dalawa.

"Uyy..." pambubuyo ni Joe at Felix sa amin.

Ipinilig ko ulo ko sa kanila at binigyan sila ng nagbabantang tingin.


"Gusto mo ba ang kaibigan namin, Philip?"

"Tumigil ka nga dyan, Felix! Kung anu-anong tinatanong mo!" Saway ko sa kanya habang binibigyan ko siya ng masamang tingin.

Tinawanan niya ako at lumayo siya sa akin na para bang umiiwas na siya sa susunod kong gagawin sa kanya. 

"I was just asking, Philip. So, ano nga Philip. Do you like, Persis?"

"Si Persis na malakas manuntok, laging buhaghag ang buhok, mahilig magsuot ng malalaking t-shirt at shorts, at mabigat..kasi matakaw." nakangising sabi ni Code.

Sinamaan ko rin siya ng tingin. Iniinsulto niya ba ako?

"Oo. Gusto ko siya. Gustong-gusto ko si Persis."

Nakita kong nawala ang ngiti sa mga labi ni Code at umigting ang kanyang mga panga. Ang iba ko namang kaibigan ay binubuyo si Philip sa akin. Ang iingay nila dahil humihiyaw pa sila at nagpapalakpakan.

"Mabait 'tong kaibigan naming 'to. Napakatalented pa." ani Robert habang nakangising tinatapik-tapik niya ang balikat ko.

"Alam ko. Kaya nga lalo ko siyang nagugustuhan."

Muli kaming binuyo ng mga kaibigan ko. Nakakairita ang kaingayan nila. Ang sarap nilang pagsusuntukin. Pasalamat sila at nakakapagpigil ako ngayon.

Kung sana ba ay si Code ang binubuyo nila sa akin, baka natuwa pa ako.


"Bakit mo nagustuhan si Persis? Baka naman trip mo lang ang kaibigan ko?" ani Code na tinututukan ng matalim na mga tingin si Philip. Napatingin pa nga ang lahat sa kanya.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon