Kabanata 39

6.4K 147 13
                                    

Kabanata 39
Masakit

------------
"Persis, pwede ba tayong mag-usap?"

Hindi ako lumingon kay Code na para bang hindi ko siya narinig.

"Persis, please. Mag-usap tayo."

Pilit kong tinibayan ang loob ko ng dahan-dahan kong ipinilig ang ulo ko at hinarap si Code na nakaupo na sa upuang nasa tabi ko. Pinasadahan ko muna ng tingin ang paligid namin, abala sa pagkukwentuhan ang mga kaklase kong narito rin sa classroom, malayo sila sa amin at paminsan-minsan ay lumilingon sila dito sa pwesto namin.

"Hindi mo ba naiintindihan ang mga nangyayari ngayon, Code?" ani ko na siya lang ang makakarinig.

"Hindi ko maiintindihan ang lahat hanggat hindi mo ipinapaliwanag sa akin." aniya habang tiim bagang niya akong pinapakatitigan.

"Code, hindi na tayo pwede."

Napasinghap ako at kinagat ang ibaba kong labi para pigilan ang damdamin kong tila gusto ng bumuhos mula sa mga mata ko. Muli nalang akong humarap sa bintana at ipinikit ko ang mga mata ko kasabay ng paghagod ko ng dibdib kong unti-unting naninikip.

"Bakit hindi na tayo pwede? Persis, kung ano man yung mga nangyari-"

"Kalimutan mo na ang mga nangyari. Kalimutan na natin ang lahat. Ituon nalang natin sa pag-aaral ang isip natin, Code."

"Yun naman ang ginagawa natin diba? Hindi naman natin pinababayaan ang pag-aaral natin. At kung ano man ang mangyari, handa naman kitang panindigan."

"Ayoko na, Code." Madiin kong sabi ng muli ko siyang harapin. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob na sabihin yon. Ang hirap, ang sakit.

"A-Anong ayaw mo na?"

"Ayoko ng makipag relasyon pa sayo. Kagabi, narealized ko na bata pa nga ako, bata pa tayo. Hindi dapat natin ginawa yon."

"Nagsisisi ka?"

Wala akong pinagsisisihan. Buong puso kong ibinigay ang sarili ko kay Code. Ginusto ko yon. Kaya lang, hindi talaga pwedeng ipagpatuloy namin ang relasyon namin.

Pag-aaral ko ang nakasalaylay dito. Mahal ko si Code, pero ngayon. Hindi ko kayang itaya ang pangarap kong makatapos at mabigyan ng kinabukasan ang pamilya ko, para sa pag-ibig. Kung kami talaga ni Code, darating din ang araw na tadhana na ang magtatakda non.

Masakit. Pero may mga bagay na kailangang isuko.

"Oo. Nagsisisi ako. Pinagsisisihan ko ang mga nangyari sa'tin. At ipinagdarasal ko nalang na walang maging bunga yon." Pigil ko ang aking hininga ng sabihin ko yon.

Umiling-iling si Code, nag-igting na naman ang kanyang mga panga at nakita ko ang bahagya niyang paghikbi.

"Utos yan ng inay mo diba? Persis, kagabi. Ramdam ko kung gaano kalaki ang pagmamahal mo sa'kin. Ramdam ko kung gaano ka kasaya kasama ko."

"Sabi ko nga, bata pa ko. Padalos-dalos sa mga bagay na ginagawa ko. Magulo rin ang takbo ng isip ko. Pabago-bago. Sarili kong desisyon 'to, Code. Kaya sana unawain mo."

Umiling-iling ulit siya at hinilamos ang mga palad niya.

"Mahal mo pa ba ko?" Puno ng pagsusumamong tanong niya sa akin.

Umiling at napayuko ako at saka ko siya sinagot. "Sorry."

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumayo si Code sa kinauupuan niya at tahimik siyang naglakad palabas ng classroom namin. Bago siya makalabas ng classroom ay muli siyang nilapitan ng mga kaklase kong babae, may sinasabi ang mga ito sa kanya pero hindi ko na iyon narinig.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now