Kabanata 49

7K 188 14
                                    

Kabanata 49
Nervous

----------
Pagkatapos kaming kantahan ng Downtown ay kasabay din namin silang umalis sa stage kaya lang ay agad kaming hiniwalay sa kanila.

Dinala kami ng staff sa isang puting tent. Pinaupo kami sa nakahilerang itim na monoblock chair sa gilid.

"Okay, girls. We'll be having a short interview. We need to know some details about you."

Paliwanag sa amin ng babaeng staff na mukhang artista. Maganda kasi ito, maputi at makinis, maganda rin ang hubog ng katawan nito.

"Are you guys ready?"

Sabay-sabay kaming tumango.

Nagtaas naman ng isa niyang kamay ang isa sa mga kasama namin. "Uhm, pwede po magtanong?"

"Go on, miss."

"Kailan po ba magaganap ang date namin with Downtown?"

"Hmm...Maybe three days after this concert. Kailangan din kasi ng banda na magpahinga, ang iba ay gustong pumasyal muna dito sa Ashralka."

"Hindi po sila, magtatagal dito?" tanong ko naman.

"Oh yes, miss. We have to go back to manila as soon as possible kaya for sure sa manila magaganap ang date."

"Sa maynila?"

"Yes, miss. Don't worry about the expenses kasi nasa concert production yon. All you have to do is enjoy the moment with Downtown."

Kinakabahan ako sa maaaring maging plano ng production team sa magaganap na date namin with Downtown, pero umaasa akong magkakausap at magkakaayos kami ni Code doon. Iyon lang naman ang gusto kong mangyari kaya ko pinasok 'to.

Isa-isa na kaming ininterview ng isa sa mga staff. Tinanong ang full contact address at number ko, nahihiya pa nga ako ng i-introduce ko ang sarili ko.

"You write a song? Hmm, that's quite interesting, pwede ka bang maghanda ng original song mo?"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito.

"Po? H-Hindi naman po ako magaling magsulat ng kanta. Hindi ko po alam kung magugustuhan niyo yon."

Nginitian ako nito at tinapik sa hita. "Ano ka ba, Miss Buenrostro. Paano naman namin masasabing hindi namin gusto yung sinulat mong kanta kung hindi mo iparirinig sa amin? Kaya dapat iparinig mo sa amin yan." aniya.

"Pero ma'am--"

"We'll call you."

Tumayo na ito sa kinauupuan niya at tinapik ang balikat ko.

"Let's go, last performance na ng Downtown. The five of you also have a chance to take a picture with them after the concert. You have a vip access now. Ang swerte niyo."

Lalong bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi nito. Magpapapicture ako kasama si Code?



"Akalain mo nga naman, magkikita tayo ulit, dito pa sa concert. How are you, Persis?" tanong sa akin ni Olivia.

Narito kami ngayon sa gilid ng photobooth at hinihintay ang Downtown, kasama rin namin dito ang ilang press.

"O-Okay lang." hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa tanong ni Olivia kaya iyon nalang ang naitugon ko.

"Ikaw, kailan ka pa nakauwi dito?" tanong ko naman sa kanya.

Matamis na ngumiti naman si Olivia.

"Kahapon lang. Ang ganda nga ng timing ko kasi concert pa ng Downtown. Sobrang namiss ko rin kasi talaga si Code."

"K-Kayo na u-ulit?"

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now