Kabanata 8

8.6K 214 8
                                    

Kabanata 8
Problema

---------

Katatapos ko lang maligo at hinihintay ko nalang na maluto ang sinaing ko. Darating narin kasi si inay at itay. Balak ko sanang kunin ang gitara ko ng marinig ko ang boses ng isang babaeng panay ang tawag kay Code.

Sa paraan nito ng pagtawag ay para bang may hatid itong masamang balita. Bunga ng kuryosidad ay nagmamadali akong sumilip sa bintana namin.

Nakita kong kunot ang noo ni Code ng lumabas siya ng bahay nila, nagmamadali pa nga siyang naglakad palapit sa babaeng tumatawag sa kanya, na sa pagkakaalam ko ay isa ring tindera ng gulay.


"Bakit po, aling Perla?"

"Nicodemus, ang nanay mo dinala sa ospital. Bigla nalang kasi siyang nahimatay. Ang taas ng lagnat niya."

Hindi lang si Code ang nagulat ng marinig ang masamang balitang 'yon, kung di pati ako. Tila hindi nga agad iyon nag sync-in sa utak niya dahil ilang segundo siyang natulala lang at nakaawang ang bibig.

"Nicodemus, halika na't puntahan na natin ang nanay mo sa ospital."

Hindi na ako nakatiis at lumabas narin ako ng bahay namin.

"Code." Napalingon siya sa akin. "Ako ng bahala kay Nakeisha."

Tumango siya sa akin at saka sila nagmamadali ng sumakay ng tricycle.





"Kain lang ng kain, Nakeisha." Nakangiti kong ipinatong ang palad ko sa tuktok ng ulo niya at masuyo kong hinaplos ang kanyang buhok. Bata pa si Nakeisha kaya para bang wala lang sa kanya na nasa ospital ngayon ang nanay niya, hindi niya pa kasi gaanong naiintindihan ang mga nangyayari sa paligid.

"Ano na kayang nangyari kay Narcisa? Sana ayos lang siya." Ani inay habang kumakain kami, bakas sa mukha ni nanay na nag-aalala rin siya. Syempre ay magkaibigang matalik sila ni Aling Narcisa.

"Nakeisha. Eto pa, kumain ka ng kumain." Ani itay Noel na nilagyan pa ng ulam ang pinggan ni Nakeisha na ganadong-ganado sa pagkain. Kaya pala malaman at siksik ang katawan ni Nakeisha dahil malakas itong kumain. Hindi naman siya mataba, ayos lang ang katawan niya pero kung pipisiin mo ang braso niya ay siksik na siksik iyon.

"Ate Persis, matagal pa po ba sila nanay at kuya sa ospital?" Tanong nito sa akin habang nginunguya ang kinakain niya.

"Baka mamaya uuwi na sila."

"Ang sabi po ni kuya mamamasyal kami e. Sasakay daw po kami kay Bagwis. Di na po ba matutuloy yon?"

"Hindi ko alam, Nakeisha. Kung makakauwi agad si kuya at nanay mo, makakapamasyal pa kayo, pero pag ginabi na sila. Siguro may next time pa naman."

"Sana makauwi po sila agad." Nakangiti nitong sabi at saka siya nagpatuloy ulit sa pagkain.






Pagkatapos naming mananghalian ay bumalik na sa palengke si inay at itay. Naiwan kami ni Nakeisha sa bahay. Nagsusulat ako ng kanta habang naggigitara, siya naman ay hinayaan ko lang na maglaro ng kanyang luto-lutuan at ng kanyang barbie doll. Napapangiti pa nga ako kapag naririnig ko siyang nagsasalita.

Lumaki ako sa mga pisikal na laro, ni minsan ay hindi ako nakahawak ng barbie doll kaya nga hindi ko alam kung paano maglaro nun.





Mabilis na lumipas ang mga oras. Naghihingalo na ang liwanag ng araw na nilalamon ng dilim dahil sa paparating na gabi. Wala parin si Code at si Nakeisha naman ay mahimbing na natutulog sa kwarto.


Nasa bintana ako at naggigitara ng marinig ko ang tunog ng motor. Agad akong lumingon at napangiti ng sa wakas ay natanaw ko na si Code na akay-akay si aling Narcisa habang bumababa sila ng tricycle.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now