Kabanata 45

6.5K 155 9
                                    

Kabanata 45
Dati

-------------
Sa pag-alis ni Code. Pakiramdam ko nagbago ang lahat. Para bang ang hirap ng maging masaya, pakiramdam ko laging may kulang.

Kumalat sa buong school na wala na nga sa Ashralka si Code. Naging usap-usapan siya ng marami, marami ang nalungkot at nag-alala para kay Code. Ang ilan, tinatanong ako tungkol kay Code, pero wala naman akong masagot sa kanila.

Nawala man si Code ay hindi naman nawala ang Sacred Crown. Si Robert ang naging pansamantalang bokalista ng banda. Tumutugtog parin sila tuwing may celebration sa school.

Marunong din naman talagang kumanta si Robert, sa tuwing tutugtog sila ni Code ay maririnig kong humahalili ang boses niya, sinasabayan niya si Code, pero hindi iyon gaanong naririnig. Ganoon pa man, iba parin talaga kapag si Code ang kumakanta. Kasi kapag siya, ramdam na ramdam mo talaga sa kanya yung gustong iparamdam ng kanta sa mga nakikinig nito. Nakakamangha ang stage presence niya na ngayon ay hinahanap-hanap ng marami nilang tagahanga.


"Ano kaya kung magpa-audition tayo for new vocalist?" Ani Robert habang naririto kami sa gilid ng quadrangle at nakaupo sa concrete bench na narito.

"No need." Sabi naman ni Joe.

Ako, si Robert at Tyron ang magkakatabi sa mahabang bench, sa katapat na bench naman namin nakaupo si Felix at Joe. Sa gitna namin ay may concrete table kung saan nakapatong ang softdrink at tsitsiryang kinakain namin.

"Kaya nga. Okey ka namang substitute vocalist, Robert. At saka, paano kung dumating si Code? Paano yung kukuhanin ninyong vocalist? Iiitsapwera niyo nalang?" sabi ko naman sabay dakot ko sa chips na hawak ni Tyron.

"Do you still believe that he'll be back?"

Bumaling ako kay Felix at sinamaan ko siya ng tingin ng marinig ko ang mapanuya pa niyang pagtawa habang kinakalabit niya ang strings ng kanyang gitara.

"Oo. Naniniwala akong babalik pa siya. Kayo ba?" matigas kong tanong.

"Ayoko ng umasa, Persis. Malapit na ang graduation. Pag hindi pa siya bumalik before graduation. I guess it's time for us to disband." ani Felix.

"Hindi! Hindi niyo pwedeng gawin yan!" Protesta ko. "Diba sabi niyo, gusto niyo maging sikat na banda? Bakit kayo mag di-disband?"

"Persis, kasama namin si Code na bumuo ng pangarap na'yon. Kung wala siya, there's nothing for us to continue it." mahinahon at seryosong paliwanag ni Robert.

"Isa pa," napalingon naman ako kay Tyron.

"Sa maynila na ako magkokolehiyo. Hindi narin ako makakatugtog."

"Ako din." ani Joe.

"Ganoon nalang ba yon? Dahil wala na si Code. Hindi niyo na ipagpapatuloy ang pangarap niyo? Susuko nalang kayo agad?"

"Hindi naman sa sumusuko kami, pogs." Inakbayan ako ni Robert. "Gusto kasi namin na matupad yung pangarap namin na magkakasama kami, na kumpleto. Kung wala si Code. Hindi namin ipagpapatuloy 'yon. Siya ang naging utak namin para mabuo ang pangarap na 'yon. At first, hindi naman namin talaga pinapangarap na maging sikat at pinakamagaling na banda, before...playing musical instrument is just a hobby. Hanggang sa maisip ni Code na gumawa kami ng banda. I-enhance yung skills namin sa pagtugtog. Ang maging sikat na banda, that's our greatest dream as one, because the fact is...we also have a separated and different dreams." Paliwanag pa ni Robert.

"Paano pagbumalik si Code?"

Ngumiti si Robert at tinapik-tapik ng mahina ang ibabaw ng ulo ko. "Tuloy ang pangarap." aniya.



Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now