Kabanata 10

7.9K 187 7
                                    

Kabanata 10
Foundation Day

----------
Pagpasok ko palang sa gate ng school namin ay bumungad na sa akin ang malaking banner na may nakasulat na Happy 21st Foundation Day La Solimatra National Highschool.

Maraming mga nakakalat na booth sa gilid ng quadrangle. Malakas at nakakaindak na tugtog pa nga ang maririnig dito.


"Persis!" Pagtawag sa akin ng dati kong classmate na si Magda. "Persis, bili ka naman ng muron. Masarap ang pagkakagawa namin. May free taste kami, tara subukan mo." Hindi na ako nakatanggi sa kanya ng hilain niya ako papunta sa booth nila.

Pagdating namin sa booth nila ay agad niya akong pinagtusok ng muron na hiniwa nila sa maliliit na slice. "O, Persis. Tikman mo." ani Magda na inaabot sa akin ang isang toothpick na may nakatusok na maliit na slice ng muron.

Kinuha ko ang ibinigay niya at dahan-dahan ko itong sinubo at nginuya. Malasa ang muron nila. Naghahalo ang keso, chocolate at mani na nasa loob nito.

"Ano? Masarap ba?"

Napatango ako sa kanya.

"Bili ka na. Sampung piso isa."

Wala naman akong balak bumili pero nahihiya talaga akong tumanggi kay Magda kaya bumili narin ako.


"Thank you, Persis." Abot tenga ang ngiti ni Magda ng siya pa mismo ang mag-abot sa akin ng isang pirasong muron na binili ko. Hilaw ko naman siyang nginitian at sinimulang kainin ang binili ko.

Malagkit na pagkain ang muron. Para itong suman pero mas mabusisi ang paggawa nito dahil kailangan mo itong lagyan sa loob ng chocolate, keso at mani.


Dahil foundation day naman ngayon ay sigurado akong tatamarin ang mga teacher na magturo ngayon. Usually nga ay hindi na sila nagkaklase, nag a-assigned lang sila ng magchi-check ng attendance at automatically, may plus points ang mga mapapasama sa attendance.

Naisip kong maglibot-libot nalang muna dito sa quadrangle at tignan ang iba pang booth na narito. Mas maraming booth ngayon kaysa noon. Photo booth, dedication booth, marriage booth, Jail Booth ang mga nakita kong hindi nawawalang booths every foundation day, may mga booth din na nagbebenta ng mga handicrafts like key chains, bracelets at kung anu-ano pa, karamihan sa mga booth na narito ay mga nagtitinda ng pagkain at inumin. 



"Huli ka!" Nagulat ako ng may biglang mag posas sa kaliwang kamay ko.

"Ano 'to? Alisin mo 'to!" Protesta ko sa schoolmate kong lalaki na bigla nalang akong pinosasan.

"Hindi ko aalisin 'to hanggat walang nagpapalaya sayo. Pasensyahan nalang tayo miss." nakangisi nitong sabi.

Wala na naman akong nagawa kung di ang sumunod dito hanggang sa maipasok niya na ako sa jail booth nila. Dalawang lalaki at dalawang babae na ang naabutan kong nakakulong doon. Mga walang kaibigan pa yata ang mga ito dahil base sa nakikita kong itsura nila, sila yung mga tipo ng estudyante dito na madalas i-bully ng mga gago kong schoolmates.

Kailangan kong makahanap ng kahit sinong kakilala ko para makalabas ako dito.


Habang iginagala ko ang paningin ko. Natanaw ko sa photobooth si Code kasama ang iba pang Sacred Crown at pinagkakaguluhan sila ng mga babaeng schoolmates namin. Halos hindi na nga sila magkasya sa background dahil ang daming nagpupumilit na sumama sa pictures kasama sila.


"Code! Robert! Felix! Joe! Tyron! Ilabas niyo ko dito!" Sigaw ko pero malabong marinig yata nila ako dahil ang lakas na nga ng tugtog ay napakaingay pa ng paligid at ang layo nila sa akin.


Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon