Kabanata 56

8.1K 207 19
                                    

Kabanata 56
Walang hihigit sayo

------------

"Nadulas ako." dipensa ko agad sa mga kaibigan naming sigurado ay madudumi na naman ang isip.

Nakita lang na nakadagan ako kay Code, kung maka-ngisi ang mga loko ay parang may nawitness silang kung ano.

"Alright, sabi mo e." ani Felix na malapad ang ngisi habang hawak ang isang malaking rattan picnic basket.

"Bilis niyong nakarating, sinadya mo ba, Code? Para makapag moment kayong dalawa dito, huh?" pambubuyo naman ni Tyron na may ngising nakakaloko.

"Puro kalokohan yang nasa isip niyo. Mabilis lang talaga si Bagwis." ani Code.

"Ows?" napatingin kami kay Olivia na hindi ko inaasahang kasama nila.

"Naalala ko nung tayo pa, tapos pumunta tayo dito. Ang sabi mo, unahan natin ang mga kaibigan mo para magkaroon tayo ng time together. Nicodemus, kailan ka pa bumait, huh?" ipinag-krus ni Olivia ang mga braso niya at taas ang isang kilay habang nakangiti siya kay Code.

Nilingon ko naman si Code at sinamaan ng tingin.

Kumamot siya ng ulo niya at ipinamaywang ang isa niyang kamay, dahan-dahan pa nga siyang napayuko para iwasan ang ipinupukol na tingin sa kanya ni Olivia at naming lahat sa kanya.

"That was long time ago, Olivia."

"I know. Siguro nga lumilipas ang panahon, pero ang kapilyuhan niyong mga lalaki, hindi nawawala, kasi lalong lumalala."

"Woah!"

Napapapalakpak na sa tuwa sina Felix, habang si Rufa at Susan naman ay napapatango nalang sa mga sinabi ni Olivia.

"But don't worry, Persis. I told you, hindi naka-score sa akin yan."

Nagtawanan pang lalo ang mga kaibigan ko sa mga sinabi ni Olivia, maging siya nga ay natatawa narin sa mga sinasabi niya. Nakita kong nag high five pa sila ni Robert.

Halos bumaon na yata si Code sa kinatatayuan niya dahil sa pambubuking sa kanya ni Olivia.

Nanigas naman ako bigla sa kinatatayuan ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla ay akbayan ako ni Code sa harap ng mga kasama namin.

"Alright, alright. Suko na'ko. That's exactly my intention, because I badly want to be with her,"

Nagtayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan ng maramdaman ko ang hininga ni Code sa batok ko.
"Alone." bulong niya sa akin.

Muling kaming kinantyawan ng mga kaibigan namin.

Sobrang nahihiya ako at pakiramdam ko ay pulang-pula na naman ang mukha ko.

"Teka, saan ba tayo pupwesto?"

Natigil ang mga kasama namin sa pang-aasar sa amin ni Code, dahil sa tanong ni Robert.

"Doon kaya? Malilim pa." ani Felix na tumuro sa ibaba.

Dahil nasa taas kaming lahat ay dahan-dahan kaming bumaba papunta doon sa nakitang pwesto ni Felix.

Nasa gilid ng lagoon iyon. Tuyo at malilim.

Habang pababa kami ay todo ang alalay ni Code sa akin kaya hindi naman matigil sa pang-aasar ang ilan sa mga kaibigan namin.

"Ang daya niyo! Kung di pa sinabi ni Robert sa amin ang tungkol sa misunderstanding niyong umabot ng ilang taon. Siguro hanggang ngayon wala parin kaming alam na inlove kayo sa isat-isa." ani Tyron na nasa likod ko.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now