Kabanata 38

7K 156 8
                                    

Kabanata 38
Lupa sa lupa

-------------
Nababahala na'ko dahil hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil ang malakas na ulan, di tulad sa mga nakalipas na araw. Mas mabagsik ang ulan ngayon dahil sa kasama nitong malakas na hangin na animo tatangayin ka, delikado kung susuungin namin ni Code ito ngayon, lalo't matarik ang daan pababa rito sa kweba.

"Baby, kung inaantok ka na. Pwede namang dito na tayo matulog." ani Code ng lapitan niya ako at yakapin mula sa aking likuran. Naramdaman ko pa ang paghalik-halik niya sa leeg ko.

"Hindi pwedeng hindi ako umuwi, Code. Malalaman ni inay na hindi naman talaga si Philip ang kasama ko."

"Ano?" Bakas ang pagkabigla sa boses ni Code dahil sa sinabi ko. Oo nga pala at hindi ko pa nasasabi sa kanya na si Philip ang idinahilan ko kay inay kaya ako nakasama sa kanya ngayon.

Bumitaw si Code sa pagkakayakap sa akin. Umigting ang kanyang panga at kumunot ang kanyang noo.

"Anong ibig mong sabihin? Ang alam ni aling Remedios ay si Philip ang kasama mo?" Kunot noo niyang tanong sa akin.

Nanghaba ang aking nguso at dahan-dahan akong tumango.

"Bakit? Bakit iyon ang sinabi mo?"

"Code, nag-iingat lang naman ako na mabuko tayo ni inay. Magtataka yon kapag sinabi kong aalis ako kasama ka. Wala rin naman akong ibang maidahilan."

"Bakit kapag kay Philip, pwede?" Taas ang isang kilay na tanong niya pa.

Praktikal na tao si inay. Alam ko at ramdam ko na gustong-gusto niya si Philip para sa akin, kanina nga bago ako umalis ay pakiramdam ko...pinagtutulakan niya talaga ako sa heredero ng mga Bergancia.

Sa kaso naman ni Code, siguradong hinding-hindi matatanggap ni inay kapag nalaman niyang boyfriend ko siya, kasi hindi mayaman si Code. Katulad lang din namin sila na mahirap.

"Okay lang pala sa inay mo na makakasama mo si Philip, tapos ako hindi?" Nasa himig ni Code ang pagtatampo. Nakaramdam tuloy ako ng pagkaawa sa kanya.

Umiling-iling siya, isinuklay ang kanyang mga daliri sa kanyang magulong buhok at naglakad siya palayo sa akin. Naupo siya sa upuang nasa tabi ng mesa, sinundan ko naman siya agad at mula sa likuran niya ay ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanyang leeg.

"Code, sana maintindihan mo kung bakit ko ginawa yon."

"Nauunawaan ko na. Nauunawaan ko ng hindi kami kasing yaman nila Philip."

"Pero kahit wala kang yamang maipagmamalaki sa akin. Mahal na mahal kita, Code."

Hinawakan ko ang baba niya at hinarap ko ang mukha niya sa akin. Nagtagpo ang mga mata namin at pinakatitigan ko siya.

"Mahal na mahal rin kita, Persis. Mahal na mahal." aniya. Umangat pa ang sulok ng kanyang labi at napatili ako ng bigla niya akong kabigin at paupuin sa kanyang hita.

Niyakap ko ang hubad niyang katawan. Wala siyang pang-itaas dahil suot-suot ko ito.

Ang init ng katawan ni Code. Napapikit ako dahil sa sarap ng pakiramdam ko ngayon at napapikit ako ng banayad niyang haplusin ang buhok ko at hinalikan niya ang ulo ko.


Hindi ko alam kung anong oras na ng magpasya kami ni Code na lumabas ng kweba. Iniwanan nalang muna namin ang mga gamit niya roon, pati ang mga ibinigay niya sa akin para hindi mabasa ng ulan. Tanging ang kwintas lang na ibinigay ni Code na nakapaloob sa bestida ko ang tanging regalong ibinigay niya, na mauuwi ko ngayon.

Lakad takbo ang ginawa namin ni Code habang tinatahak namin ang daan pauwi.

Masarap talagang magtatakbo habang umuulan. Noong mga bata pa kami nila Code, tuwang-tuwa rin kaming naliligo sa ulan, pero sa mga sandaling ito. Hindi lang kami basta masaya ni Code, ramdam din namin ang pagmamahal ng bawat isa sa amin. Lalo na ng higpitan pang lalo ni Code ang paghawak sa kamay ko habang mabilis kaming tumatakbo sa palayan.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now