Kabanata 15

8K 196 15
                                    

Kabanata 15
Ilog

----------
Naglalaba ako ng mga damit ko ng makarinig ako ang malakas na kalabog sa bahay nila Code. Narinig ko rin ang sunud-sunod na pag-ubo ni aling Narcisa at saka bumulahaw ang paiyak na sigaw ni Nakeisha. 

Sumibol ang kaba sa dibdib ko kaya kaya nagmamadali akong kumatok sa bahay nila.


"Aling Narcisa, ano pong nangyayari sa inyo? Buksan niyo po ito!"

Bumukas ang pinto nila at bumungad sa akin ang umiiyak na si Nakeisha.


"Ate, Persis. Si nanay po, tulungan mo po si nanay." sumbong niya habang umiiyak.


Pumasok ako sa bahay nila at naabutan ko si aling Narcisa na walang malay at nakabulagta sa malamig at palatadong sahig nila. Humahapis akong lumapit sa kanya at sinalo ng palad ko ang ulo niya at dahan-dahan itong ipinatong sa hita ko.

"Aling Narcisa!" paulit-ulit kong tinapik ang kanyang pisngi at dahan-dahan naman niyang idinilat ang kanyang mga mata.

"Nakeisha, pakikuha mo nga ako ng tubig."

Agad akong sinunod nito ng tumakbo itong nagtungo sa kusina nila.


Muling umubo si aling Narcisa. Itinakip niya ang palad niya sa kanyang bibig at nagulat ako ng tanggalin niya yon ay may dugo na sa kanyang palad.

"Diyos ko! Aling Narcisa, kaya niyo po ba ang sarili niyo? Tara na po at ihahatid ko kayo sa pagamutang bayan."

Umiling-iling siya. "Wag na, Persis. Ayos lang ako."

Dumating na si Nakeisha dala ang isang basong tubig na agad kong kinuha sa kanya at ibinigay kay aling Narcisa. Inalalayan ko naman ang nanay ni Code na bumangon.


"Ayos? Sa nakikita ko po ay hindi ayos ang kalayan niyo. Aling Narcisa, magpatingin po tayo sa bayan, sasamahan ko naman po kayo e."

Inubos muna niya ang tubig na laman ng kanyang baso at saka niya ako tila nagmamakaawang tinignan. Naramdaman ko rin ang paghawak niya sa isa kong kamay at marahan niyang pinisil ito.


"Pakiusap. Wag mong sasabihin kay Nicodemus ang tungkol dito, Persis. Pakiusap."

"P-Pero kailangan niya pong malaman 'to."

Kung hindi ko 'to sasabihin kay Code ay hindi mapapanatag ang kalooban ko. Ayokong maging sikreto ito, paano kung may mangyaring mas masama kay Aling Narcisa? Siguradong hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Ipangako mo sa'kin, Persis na hindi malalaman ng anak ko ang tungkol dito. Ayokong mag-alala na naman siya sa akin."

"Pero kung hindi ko po sasabihin sa kanya ay baka po lalong lumala ang sakit niyo dahil ayaw niyo naman pong magpadala sa pagamutang bayan, 'tsaka aling Narcisa...natural lang po na mag-alala sa inyo ang anak niyo."

Humikbi siya. "Wala na kaming Pera, Persis. Yung mga baboy, bibe at manok namin, malapit ng kunin yan sa amin dahil naipagbenta ko na. Ang bahay at lupa namin, nakasangla narin. Puspusan ang pagkayod ni Nicodemus para makaipon at matubos ang bahay at lupa namin, dagdag pa ang pang-araw-araw na gastusin namin, ang kuryente at ang gamot ko. Hindi na nga ako umaasa na matutubos pa namin 'tong bahay at lupa." Nakaramdam ako ng awa ng makita ko ang mga mata ni aling Narcisa na may mga nangingilid na luha.

"Naaawa na ako sa anak ko. Umuuwi siya dito sa bahay na pagod na pagod. Kakain tapos makakatulog nalang kung saan. Masakit makitang nahihirapan ang anak mo at wala kang magawa, Persis. Hindi dapat ito ang buhay na tinatamasa niya ngayon kung...kung sana."

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now