Kabanata 41

6.7K 135 2
                                    

Kabanata 41
Umiiwas

-------------

Tuwang-tuwa si inay ng dumating si Philip sa bahay. Inalok niya pa'to ng kung anu-ano.

"Hindi na po. Sinundo ko lang po si Persis at Rufa. Ihahatid ko nalang din po sila pauwi, mamaya." Magalang na paalam ni Philip kay inay.

"Ingatan mo ang pamangkin at anak ko." Bilin naman ni itay kay Noel kay Philip.



Mabilis kaming nakarating sa mansyon ng mga Bergancia sakay ng kotse nila Philip. Katulad na katulad ng reaksyon ko noong unang punta ko rito ang reaksyon ni Rufa. Nasa labas palang kami ng mansyon ay halos malaglag na ang panga ng pinsan ko sa pagkamangha, ni hindi nga rin kumukurap ang mga mata niya.

"Sayang at hindi pinayagan si Yza. Siguradong maiinggit yon kapag ikinuwento ko 'to sa kanya." wika ng pinsan ko.

"Ladies first." Iminuwestra pa ni Philip ang kamay niya sa amin ni Rufa, papasok ng mansyon nila.

Pagpasok namin sa loob ay nagkakasiyahan na ang ilang bisita ni Philip. Tuwang-tuwa sa paglalaro ng video game sa magarbong sala nila Philip ang tatlong lalaking kaklase ko noon na alam kong malapit kay Philip.

"Guys, si Persis at si Rufa pinsan niya." ani Philip na kumuha sa atensyon ng tatlo.

Nilingon kami ng mga ito at binati at saka muling nagpatuloy sa paglalaro nila.

"Nasa pool area ang iba." ani Philip na iminuwestrang muli ang kamay niya sa amin papunta sa pool area.

Pagdating namin noon ay nakakabinging tugtog ang bumulaga sa amin. May apat na babaeng nasa pool din at naghaharutan doon. Kung di pa ako mas lumapit ay hindi ko makikilala ang mga ito. Grupo pala ni Carla ang mga yon.

"We have another company." ani Philip.

Napatingin sa amin ang grupo nila Carla at kitang-kita ko ang pagkawala ng ngiti nila, bumalik man yon ay halatang hilaw na'yon.

"Hi, Persis. Nice to see you there."

Talaga lang huh?

"Philip, maligo narin kayo. Ayain niyo na ang Sacred Crown." ani Carla.

"I'll join you guys later."

Nanghaba ang nguso ni Carla at mukhang nadismaya ito sa sinabi ni Philip.


Sa pool side naman sa dulo ay may tatlong lalaking naka-shorts at may mga hawak na beer in can ang mga ito.

"Sino yung mga yon, Philip?" Tanong ko sa kanya.

"Follow me, ipakikilala ko kayo sa kanila."

Sumunod kami ni Rufa kay Philip para lapitan yung tatlong lalaking nakatambay sa pool side.

"Hey guys," nakipag high-five si Philip sa mga lalaki paglapit namin. "I would like you to meet, Persis Buentrostro and Rufa Faustino."

Nakita kong nanlaki ang mga mata ng isa sa mga lalaki. "Oh, siya pala si Persis. You know what, my cousin always talks about you." Nakangisi nitong sabi.

"Oh shut up." Iyon nalang ang nasabi ni Philip, habang pinagtatawanan siya ng mga lalaking kaharap namin ngayon.

"Persis, Rufa. Mga pinsan ko nga pala. Si Merl, Wendel at Danilo. Mga college student na ang mga yan, sa Ashralka Polytechnic College sila nag-aaral, ayaw iwan ang Ashralka e."

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now