Kabanata 18

7.5K 173 25
                                    

Kabanata 18
Pride

----------

"Thanks for your time, Persis. I really had so much fun, this is an amazing day." ani Philip pagbaba ko sa motorsiklo niya. Kitang-kita sa mga mata at ngiti niya na masaya nga siya.

Isang tipid na ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya at saka ko tinapik ang balikat niya. "Walang anuman. Masaya rin ako na pinapasok at inilibot mo 'ko sa mansyon niyo, salamat sa masarap na pananghalian at pagpapakilala mo sa'kin kay don Leonardo at donya Alena, 'tsaka nag-enjoy rin naman akong mamasyal at makipagkwentuhan kasama ka. Sa totoo lang, hindi ko makakalimutan ang araw na'to, Philip."

"Really?"

"Uhm." kasabay ng pagtango ko.

"It's good to hear that you had fun with me."


"Tara! Dito ka na maghapunan." pang-aaya ko sa kanya.

"Hindi na. Kailangan ko ng umuwi. Kita nalang tayo sa sabado. Ipasusundo nalang kita kay Richard, doon ka kasi sa mansyon aayusan dahil gusto ni mommy na tumulong sa pag-aayos sayo, remember that's her real motive." Natatawa niyang sabi.

"Okay sige. Sigurado kang ayaw mong kumain dito?"

"Maybe next time. I really have to go."

"Sige. Ingat ka nalang sa pag-uwi."


Hinintay ko muna na makaalis si Philip at ng hindi na siya mahagip ng paningin ko ay 'tsaka lang ako naglakad sa makitid na daan papunta sa bahay namin. Habang papasok ako sa bakuran namin ay napakunot ang noo ko ng makita kong madilim ang bakuran nila Code. Walang kailaw-ilaw doon.

Hindi ko alam kung pundido lang ba ang ilaw nila o talagang walang tao sa kanila ngayon.

Pero kung wala mang tao sa kanila...saan sila pumunta?






"Inay, wala po bang tao kanila aling Narcisa? Ang dilim po kasi sa ba---"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng pagkarating ko sa kusina namin ay nakita ko si Nakeisha na kasabay ni inay at itay Noel na kumakain. Kinutuban na agad ako ng masama ng makita ko si Nakeisha na narito sa amin.

Sigurado akong masamang balita ang maririnig ko.

"Kain na po ate Persis." Alok sa akin ni Nakeisha na maraming kanin-kanin sa gilid ng bibig at ganado siyang kumakain ng pritong manok.


"B-Bakit po nandito si Nakeisha?"

Napansin ko agad sa ekspresyon ng mukha ni inay na may hindi talaga magandang nangyari. Hindi pa siya sumasagot ay ang lakas na agad ng kabang nararamdaman ko.


"Isinugod kani-kanina lang si Narcisa sa ospital. Mabuti na nga lang at nakauwi na si Nicodemus at nagpunta si Robert sa kanila. Sila ang naghatid kay Narcisa sa ospital. Mahirap kung may nangyari kay Narcisa na halos wala siyang ibang kasama kung di itong si Nakeisha."


Kaya pala nakita ko kanina si Robert sa bayan na kausap yung isa sa mga traffic enforcer ay dahil nakasakay sa pick up niya si Code at aling Narcisa. Ang akala ko kanina ay may nalabag siyang batas trapiko, yun pala'y binuksan ng traffic enforcer ang wang-wang ng motorsiklo nito para eskortan ang sasakyan ni Robert.


"Kawawa naman po si aling Narcisa. Akala ko pa naman po ay gumagaling na talaga siya dahil ang sigla niya na po nung pumunta kami ng madlum river."

"Tapos na po ako, nanay Medios!" Napalingon kami ni nanay kay Nakeisha na hawak-hawak ang kanyang plastic na plato at simot na simot ang laman 'non. Remedios ang tunay na pangalan ni inay pero dahil bata pa si Nakeisha at hindi pa ganoon katatas mag salita. Medios lang ang nababanggit niya sa pangalan ni inay.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon