Kabanata 22

7.3K 172 18
                                    

Kabanata 22
Tropeyo

----------
Pag-akyat ko ng stage. Pinalapit ako ng isang staff sa may gilid at may kung anong isinuksok na kurdon sa gitara ko. Inutusan akong i-strum ito at narinig ko ang malakas na tunog non na umalpas sa apat na malalaking speakers na narito.

Naglakad na ako papunta sa gitna ng stage. Pagdating ko sa gitna ay nakahanda roon ang isang mikropono na nakalagay sa mahabang stand,

Saglit ko itong inayos at ipinantay sa tapat ng bibig ko, inalok ako ng host ng upuan pero tumanggi ako.

Pinasadahan ko ng tingin ang maraming tao. Nakita ko sa unahan ang mga magulang ko, kasama nila si aling Narcisa at Nakeisha, nginitian ko sila habang kinakawayan nila ako.

Napatingin din ako sa mga judges, lalong-lalo na kay donya Alena at Philip na nakatingin sa akin. Hindi ko parin nakakalimutan ang tila pang-iinsulto ni Philip kay Code kagabi kaya nawala ang ngiti ko ng magtama ang mga mata naming dalawa at hinagilap nalang ng paningin ko ang Sacred Crown.

Muli akong napangiti ng makita ko sila. Kumakaway sila sa akin, narinig ko pa ang pagsigaw ni Felix sa pangalan ko. Tila lumabo naman ang lahat sa paningin ko ng mapako ang tingin ko kay Code, nakangiti siya at nababasa ko pa ngang inilalabi niya na 'Kaya mo yan'

Kaya ko talaga 'to. Para kay aling Narcisa ang performance kung 'to, pero para kay Code ang kantang kakantahin ko.

Nagsimula na akong mag-strum.

"What is that sad look in your eyes why are you crying, tell me now, tell me now,
tell me why you're feelin' this way, I hate to see you so down, oh baby... Is it your heart
Oh...that's breakin' all in pieces, makin' you cry, makin' you feel blue, is there anything that I can do?"

Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Code. Baka kasi kapag inalis ko ang tingin ko sa kanya ay kabahan na naman ako, kapag nandyan kasi si Code habang nag pe-perform ako, pakiramdam ko...gumiginhawa ang pakiramdam ko. Ang tignan siya ang nagpapagaan ng kalooban ko, nagpapalakas ng loob ko.

Isa nga talaga siyang bitamina.

"Where are all those tears coming from why are they falling, somebody, somebody, somebody left your heart in the cold, you just need somebody to hold on, baby... Give me a chance to put back all the pieces
take your broken heart, make it just like new, there's so many things that I can do"

Pagkatapos ng performance ko ay nagpalakpakan naman ang marami. Ang mga judges, ang mga magulang ko at sina Code na muling hinihiyaw ang pangalan ko.

"Kaibigan ko yan! Woohh!" Sigaw pa ni Felix.


Pagbaba ko ng stage ay sinalubong ako ng Sacred Crown. Nagtatalon naman ako sa tuwa at mahigpit akong napayakap kay Code.

"Ang galing mo, Persis. Hindi malabong isa ka sa mga mananalo. Napakalamig ng boses mo." Puri niya sa akin habang yakap-yakap ko siya at ramdam ko rin ang mainit niyang pagyakap sa akin.

"Oo nga, Persis. Ang lamig ng boses mo. Pero kamusta ang yakapan niyo? Mainit no?" Nakangising tanong ni Robert habang itinataas-taas niya pa ang isa niyang kilay at may mga nakakaloko siyang ngiti sa amin.

Namilog ang mga mata ko ng tila matauhan ako at mabilis akong kumalas sa pagkakayakap ko kay Code. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa hiya.

"Pinahahanga na talaga 'ko nitong si Persis e," kasunod ng pag-akbay sa akin ni Felix. "Last night, we almost drop our jaws when we saw you. Damn girl, ang ganda mo. Walang halong biro. Peksman, pogs!" Itinaas pa ni Felix ang isa niyang kamay habang seryoso siyang nakatingin sa akin.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now