Kabanata 28

8K 201 19
                                    

Kabanata 28
Ating dalawa

-----------
Pagkatapos ng flag ceremony at di kahabaang program ay pinabalik na kami sa mga classroom namin.

Ngayon ay kasalukuyan naming hinihintay ang magiging adviser namin. Kanina ko parin napapansin ang paninitig sa akin ni Code habang kakwentuhan ko ang isa sa mga kaklase naming lalaki.

Sa totoo lang ay naiilang ako sa ginagawang paninitig ni Code. Pansin na pansin ko 'yon at para bang wala siyang pakialam sa ginagawa niya. Magkatabi ang upuan namin, nakatagilid siya paharap sa akin. Nakatukod ang siko niya sa tuktok ng sandalan sa inuupuan niya at sapo ng palad niya ang kanyang ulo.

Tahimik lang siyang nakatingin sa akin habang nakikipagkwentuhan ako, pero ng hindi na ako makatiis sa paninitig niya ay tumigil ako sa pagsasalita at nilingon ko siya. Pinagtaasan ko siya ng isa kong kilay pero hindi parin siya natinag. Nakita ko pa ngang umangat ang isang sulok ng kanyang labi.

"Alam mo, kung nakakatunaw lang ang tingin mo, tunaw na'ko kanina pa." Pabiro kong sabi sa kanya.

Marahan naman siyang tumawa at saka inilapit niya ang mukha niya sa akin, napaliyad naman ako para lumayo sa kanya.

"Hindi ko kasi maalis ang mga mata ko sayo. Gustong-gusto ka nilang pagmasdan." aniya na nagpabilis naman ng tibok ng puso ko.

"Uyy....Code, iba na yan ha." Pambubuyo ng kaklase naming kakwentuhan ko kanina.

Ngumisi si Code at saka niya dahan-dahang inilayo ang mukha niya sa akin, pero hindi niya parin inaalis ang tingin niya sa akin.

"Magandang umaga!"

Mabilis kaming nagsipag-ayos ng upo pagdating ng teacher namin. Napabuntong-hininga ako ng sa wakas ay nawala na ang nakakailang na tingin ni Code sa akin at natuon na ng pumasok naming teacher ang kanyang atensyon.

"Ako si Mrs. Charidelle Roque." Pakilala sa amin ng teacher naming mukhang nasa late twenties or thirties na. Nakasuot siya ng salamin at naka-tight bun ang kanyang buhok.

Mabilis niyang isinusulat ang pangalan niya sa black board at saka siya muling humarap sa amin, itinukod niya ang kanyang mga kamay sa ibabaw ng desk at seryosong pinagmasdan kaming lahat.

Ang mga madadaldal at maiingay kong kaklase ngayon ay animo mga maamong tupa. Mukha kasing terror teacher ang kaharap namin ngayon. Sana hindi naman, sana nasa mukha lang niya.

"Ako ang inyong Filipino teacher at magiging adviser niyo. Inaasahan kong magpapakatino kayong lahat, dahil sa oras na makarinig ako ng hindi maganda sa section na'to, hindi ako magdadalawang isip na parusahan kayo. Kahit isa lang sa inyo ang maglalabas ng sungay dito, lahat kayo madadamay." Madiin at puno ng awtoridad na sabi ni Mrs. Roque na hindi lang mukhang terror, kung di...terror talaga.

Paano na'to? Magiging memorable pa kaya ang last year ko bilang highschool?

"Diba, marami na sa inyo ang magkakakilala rito?"

Sabay-sabay kaming napatango sa tanong ni ma'am.

"Sino ba sa inyo ang may mga kakilala na rito?"

Halos lahat kami ay nagtaas ng kamay.

"Well, mukhang lahat naman sa inyo ay may mga kilala na rito, kaya...gusto kong ipakilala sa inyo ang kaklase niyong sigurado ay ngayon niyo pa lang makikilala kasi taga manila siya, Mr. Bergancia. Come in."

Bergancia? Nagulat ako ng makita ko si Philip na pumasok ng classroom namin. Naka-complete uniform na siya at bagong tabas ang buhok niya, naka-spike pa nga ang tuktok non. Tila nahihiya pa nga siya ng lumapit siya kay ma'am Roque.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now