Kabanata 16

8.2K 209 17
                                    

Kabanata 16
Bisita

---------
Nakalusong ang lahat sa tubig maliban sa akin at kay aling Narcisa.

Mabilis talaga akong ginawin kaya umahon muna ako at pinanood nalang ang mga kaibigan kong masayang nagpapakitaang gilas sa pag ti-tricks sa tubig, nag-aasaran din sila at naghaharutan. Panoorin ko lang sila ay nag-eenjoy na ako.

Hanggang sa mapatingin ako kay Code na nakahawak sa salbabida ni Nakeisha. Ang saya-saya niya pero hindi ko alam, kung alam na ba talaga niya na umalis na si Olivia dito sa Ashralka kaya wala akong nakitang pagkabigla sa mukha niya kanina o dahil magaling lang siyang magpanggap. Pagkatapos niya kasing magpaalam kanina na iihi lang daw siya, halos inabot siya ng sampung minuto bago siya bumalik. Kilala ko si Code at ramdam ko sa kanya na malungkot siya na wala na dito si Olivia sa Ashralka. Hindi makakapagsinungaling sa akin ang mga mata niya. Hinding-hindi. 

Siguro kaya niyang magpanggap na okay siya dahil sa mga ngiti niya, pero hindi kayang itago ng mga mata niya yon, his eyes tells everything, even his soul. 


"Persis." 

Nawala ako sa malalim na pag-iisip at napalingon kay aling Narcisa.

"Po?"

"Gwapo ba ang anak ko?"

Opo. Sobrang gwapo po ng anak niyo at ang macho pa, kapag napapatingin nga ako sa abs niya para bang bigla nalang akong aapuyin ng lagnat. Minsan nga po hindi ko pa mapigilang pagnasahan ang anak niyo at higit sa lahat...mahal na mahal ko po ang anak niyo. Kaso ang manhid niya e.

Iyan ang sagot ng isip ko na hindi mabigkas ng labi ko.


"Sabi po nila. Gwapo daw siya."

Narinig ko ang marahan niyang pagtawa. "Ikaw ang  tinatanong ko, Persis."

Hilaw akong ngumiti sa kanya habang kinakabahan ako. Bakit hindi ako kakabahan e nanay ni Code ang nagtatanong sa akin. "Ah...O-Opo, p-pwede na."

"Gusto kita para sa anak ko, Persis. Sa totoo lang, noon palang ikaw na ang babaeng pangarap ko sa kanya." 

Nagulat ako sa sinabi ni Aling Narcisa. Para akong nananaginip na marinig sa kanyang gusto niya ako para sa anak niya. Ang sarap nun sa pakiramdam. 


"Kahit kailan ba, hindi ka nagka-crush man lang sa kanya?"

"P-Po?"

Diyos ko! Ano ba 'tong mga tanong ni aling Narcisa, pakiramdam ko nasa hotseat ako ngayon.

"K-Kaibigan po ang turing ko kay Code."

Gusto kong umamin kay aling Narcisa pero hindi ko kaya. Sobrang nahihiya ako. 


"Sana...ikaw nalang ang babaeng mamahalin ng anak ko. Kasi alam ko, sa piling mo magiging masaya ang anak ko. Kasi mapagmahal ka at maalaga."

Ang sarap sa pakiramdam ng mga sinasabi ni aling Narcisa. Kaya lang, na'kay Code naman kung magiging masaya nga ba talaga siya sa piling ko, kung mamahalin niya nga ba ako. Kasi kung sa akin lang, kung handa si Code na papasukin ako sa puso niya. Handa akong ibigay lahat-lahat sa kanya. 

Pero bakit nga ba sa tagal na naming magkaibigan, hindi na lumalim pa ang pagtingin niya sa akin? Bakit hindi man lang siya nahulog sa akin? Lagi kong nararamdaman na kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. Siguro nga hanggang kaibigan lang kami, hanggang kaibigan lang ang parte ko sa kanya, sa buhay niya.


"Kung sino man po ang babaeng para kay, Code. Sigurado ako na magiging masaya sa kanya ang anak niyo."

"Sana magkaroon siya ng masayang pamilya. Sana hindi matulad ang buhay niya...nang buhay namin ngayon."

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora