Kabanata 30

9.2K 176 11
                                    

Kabanata 30
Pagtatago

------------

"Persis? baby, tulala ka na dyan." malambing na pukaw sa akin ni Code ng magbalik ako sa sarili ko matapos niya akong halikan.



Napahawak ako sa labi ko at kinakabahan kong pinasadahan ng tingin ang paligid namin.








Nang wala naman akong makitang tao sa paligid ay muli kong nilingon si Code, pero nahiya akong pantayan ang mga tingin niya.


"Pumasok ka na sa bahay niyo, maaga pa tayo bukas." aniya habang nakangiti siya sa akin, inilagay niya pa ang kamay niya sa ulo ko at saka ginulo ang buhok ko.

"Code naman e!" napanguso ako at hinawi ang kamay. Marahan naman niya akong tinawanan.


"Goodnight." aniya kasunod ng pagkagat niya ng ibaba niyang labi, ipinamulsa niya pa ang kanyang mga kamay.

Eto na naman ang nagliligalig kong puso. 

Ramdam ko na masaya si Code, nakikita ko kasi yon sa kislap at ningning ng mga mata niya. Ang sarap sa pakiramdam na sumasaya si Code dahil sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na napapasaya ko yung taong mahal ko.


"Matulog ka na rin." sabi ko naman sa kanya habang naglalakad ako paatras. Tumango siya at saka namin tinalikuran ang isat-isa, pero hindi ko mapigilang lingunin siya at nakakatuwa dahil nahuhuli ko rin siyang lumilingon sa akin. 



Sa pagsapit ng umaga. Ang sigla-sigla ng pakiramdam ko habang sumasayaw ako sa harap ng salamin at sinusuklay ko ang buhok kong basang-basa pa, may mga butil pa nga ng tubig ang tumutulo sa dulo nito. 


Pakiramdam ko ay punung-puno na naman ako ng energy ngayon. Ang sarap naman kasi ng tulog ko kagabi.


Pagkatapos kong magsuklay ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay namin.


"Good morning." Bati ko kay Code na tinatanggal ang tali ni Bagwis na nakapulupot sa puno ng bayabas. Nilingon niya ako at tila kasing ganda ng sikat ng araw ang sumilay na ngiti sa labi niya. 


"Good morning, baby." mahinahon at tila nakakaakit niyang bati sa akin na nagpainit ng pisngi ko. Mabilis ko rin inilagay ang hintuturo ko sa tapat ng labi ko para sabihin sa kanyang wag siyang maingay.


"Code, hindi mo'ko pwedeng tawagin n'yan kapag may iba tayong kasama, huh?"


Dumiretso siya ng tayo niya. Itinaas niya ang isa niyang kilay at humalukipkip at saka siya dahan-dahang lumapit sa akin. Paglapit niya ay hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumakip sa mukha ko at inilagay niya iyon sa likod ng tenga ko.

"Hindi ko maipapangako, Persis." aniya habang seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Code." pagbabanta ko sa kanya.

Umangat naman ang sulok ng kanyang labi at pinisil ang ilong ko. "Opo, nangangako po ako."

"Mabuti. Tara na." pang-aaya ko sa kanya.









"Sa likod mo'ko." ani Code habang inaalalayan niya akong umakyat kay Bagwis.


Pag-akyat ko ay sumunod siya sa akin. Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa baywang ko, habang inaayos niya ang upo niya, paminsan-minsan ay nararamdaman ko pa nga na dumidikit sa likod ko ang katawan niya. Pakiramdam ko tuloy ay tumatayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nang patakbuhin niya na si Bagwis ay naramdaman kong pumupulupot na sa tyan ko ang isang braso ni Code.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora