Kabanata 46

6.7K 164 11
                                    

Kabanata 46
Tanga

-----------

"Mga suki bili-bili na. Sariwang-sariwa ang mga isda ko."

"Oh really?"

Napalingon ako sa nagsalitang yon at nagulat ng makita ko si Robert, Felix, Joe at Tyron.

Si Robert ang nasa pinakaunahan at nakapamulsa sa suot niyang cargo shorts na kulay brown.

"Uy! Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanila habang nginingitian sila.

Si Robert at Felix ay isang buwan ko na yatang hindi nakikita. Masyado kasi silang abala sa pag-aaral, si Joe at Tyron naman ay dalawang taon na ng huli kong makita. Sa Maynila kasi sila nag-aral at ngayong bakasyon lang ulit naparito.

"Ano pa nga ba, e di bibili." sagot ni Felix habang nakangisi siya sa akin.

"At syempre...kinakamusta ka." Dagdag naman ni Joe. "How have you been, huh? I haven't seen you for two years."

"Eto, tindera na ng isda ngayon."

Hilaw ko silang tinawanan. Kahit sa totoo lang ay may kaunting hiya akong naramdaman ng sabihin ko yon, pero hindi naman ibig sabihin non ay kinahihiya ko ang ginagawa ko. Wala naman kasing nakakahiya sa pagtitinda ng isda. Marangal namang kabuhayan ito.

Nahihiya ako kasi yung pangarap kong maging arkitekto, nauwi lang sa ganito. Habang sila at yung karamihan sa mga kaeskela namin ay nag-aaral. Kinukuha ang kurso na gusto nila.

"Tatlong kilong bangus, pogs. Yung sariwa ha." ani Robert.

"Lahat naman ng tinda ko sariwa."

"Apatin mo na." sabi naman ni Joe.

Mabilis na lumingon si Robert kay Joe. "Ikaw na magbabayad nung isang kilo, huh?" aniya.

"Oo na."

"Sige, Persis. Gawin mo ng apat na kilo. May tawad ba yan?"

"Dahil mabait ako. Oo malaki ang discount niyo."

"Ang bait talaga ng kaibigan namin." Tila nambobola namang sabi ni Felix.

"Sama ka nga pala sa amin bukas, Persis. Pupunta kami sa dodiongan. Namiss ko ng maligo don." anyaya sa'kin ni Tyron.

"Hindi ko lang alam. Walang makakasama si itay Noel dito sa pagtitinda si inay. Pwede bang sa linggo nalang?"

Nakita kong siniko ni Felix si Joe.

"Oo nga, linggo nalang. Akyat muna tayo sa groto bukas." Suhestyon ni Felix kay Joe.

"O sige. Siya nga pala...alam mo na ba yung balita, Persis?"

Napakunot ang noo ko sa tanong ni Joe.

"Anong balita?"

"Tungkol kay Code."

Parang gong na biglang pinatunog ang dibdib ko pagkarinig ko sa pangalan ni Code.

"Hindi ka ba nanonood ng TV?" Tanong pa sa'kin ni Joe.

"H-Hindi na masyado."

Alam kong sikat na si Code ngayon. Myembro siya ng pinakakilalang banda ngayon dito sa Pilipinas at gumagawa narin ng ingay ang banda nila sa buong mundo.

Noong una. Nainis ako ng mabalitaan kong may bago na siyang banda. Nainis ako kasi pakiramdam ko, tinalikuran niya ang Sacred Crown at sumali sa ibang banda para sumikat. Natupad nga yung pangarap niyang sumikat sa larangan ng musika, pero paano naman yung mga kaibigan niyang isinama niya sa pangarap niyang yon? Pakiramdam ko. Nagtraydor siya sa kanila ni Robert na naghintay na babalik siya.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now