Kabanata 23

7.9K 213 18
                                    

Kabanata 23
Gusto

-----------
Lumipas ang mga araw. Nakikita kong sumisigla na si aling Narcisa, unti-unti ng nagkakabuhay ulit ang kanyang mga mata at mamula-mula narin ang balat niya, pero napapansin ko ang unti-unting pagkaubos ng mga alaga nila. Wala na ang kanilang mga bibe na parating nag o-over the bakod sa amin, wala narin akong naririnig na mga manok na dapat ay ginigising ako ng kanilang mga tilaok, at ngayon ay nakikita kong pinagtutulungang buhatin ng tatlong lalaki ang tatlong baboy nila.

Tahimik lang na nakatingin si aling Narcisa at Nakeisha sa tapat ng bahay nila habang inilalayo sa kanila ang kanilang mga alagang baboy. Bakas sa mukha nilang mag-ina ang lungkot na mawalay sila sa mga alaga nilang baboy, panay nga ang ungol ng mga baboy nila na tila ba sinasabi ng mga ito na ayaw nilang sumama sa mga lalaking pilit silang kinukuha.



"Persis, pagkaluto ko nitong ginataang mais ay maghatid ka nito sa mansyon at farmhouse!" pasigaw na utos ni inay na abala sa pagluluto ng ginataan sa may likod ng bahay namin.

Hindi nagtinda sa palengke si inay ngayon dahil hindi pa nakakauwi si itay Noel mula sa pangingisda. Inaasahang bukas pa nga ng madaling araw darating si itay kasama ang mga kasamahan nitong mangingisda.

Naglakad ako papunta sa likod ng bahay namin.

"Anong meron, inay? Bakit nagluto kayo ng ginataan?"

"Wala lang. Ang dami kasi nating malagkit dyan kaya naisip kong gumawa nalang ng ginataang mais."


Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay naihanda narin ni inay ang dalawang malaki at parihabang plastic container na may nakalagay ng ginataang mais, para kanila donya Alena daw ang isa at ang isa ay para sa mga magsasaka sa farmhouse.

"Ibigay mo muna ito kanila Narcisa." utos pa ni inay ng iabot niya sa akin ang isang mangkok ng ginataang mais para kay aling Narcisa at Nakeisha.

Agad kong ibinigay ito sa mag-ina at saka ako tumawag ng tricycle at nagpahatid sa hacienda.


Nang mapadaan kami sa niyogan ay pinahinto ko muna ang tricycle para ibigay ang isang plastic container na may lamang ginataang mais, para kay Code at sa mga kapwa niya nangongopra. Walang alam si inay na tatlong plastic container ng ginataan ang dinala ko. Sa mansyon at farmhouse lang kasi niya gustong magbigay ng ginataan, naalala ko naman si Code at ang mga nangongopra niyang kasamahan, kaya pinaglaanan ko rin sila.

"Magandang hapon po, kamusta?" Bati ko sa mga ito. Napalingon silang lahat sa akin at nakangiti akong binati rin.

"O, Persis. Naparito ka? Wala si Nicodemus dito ngayon." ani kuya Matias.

"Nasaan po siya?"

"Nasa farm. Nagpapaturong mangabayo sa kanya si senyorito Philip. Hindi mo ba sila natanaw?"

"Hindi ko po sila napansin. Sige, pupunta naman po ako sa farmhouse e, naparito lang po ako para bigyan kayo nito." Inabot ko kay kuya Matias ang plastic container na hawak ko.

"Nag-abala ka pa. Ano ba ito?"

"Nagluto po kasi ng ginataang mais si inay."

"Salamat dito, Persis. Siya nga pala, nakita kita nung sagala. Bagay na bagay sayo ang pagiging reyna Elena, bagay kayo ng senyorito.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Salamat, kuya Matias. Kayo talaga, kung anu-anong napapansin niyo. Sige po, alis na'ko. Pupunta pa po ako ng mansyon."

"Ah...sige, salamat ulit dito."

"Tirahan niyo po si Code."

"Oo naman. Galing sayo 'to e."


Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon