Kabanata 29

8.2K 186 19
                                    

Kabanata 29
Akin ka na

----------
Kumakanta ako at naggigitara naman si Code ng marinig namin ang malakas na tunog ng school bell. Hudyat iyon ng pagtatapos ng recess namin.

Magbuti nalang at naligpit na namin ang pinagkainan namin kaya diretso alis na kami sa kinaroroonan namin para bumalik ng classroom. Kaya lang ay dumaan pa kami sa music room para ibalik ang hiniram na gitara ni Code, pinauuna na nga niya ako pero hinintay ko parin siya.

Para kaming bata ni Code na nagtatatakbo sa malapad at madulas na hallway ng building kung saan naroon ang classroom namin. Maraming estudyanteng nakaharang sa hallway pero hindi alintana yon para bitawan ni Code ang isa kong kamay, mas lalo pa ngang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko habang tumatakbo kami.

"Mr. Realonda! Ms. Buenrostro! Bakit kayo tumatakbo sa hallway?!" Pasigaw na tanong sa amin ng isa sa mga dati naming teacher.

Tinawanan lang namin siya na para bang hindi namin siya narinig, ni hindi nga kami huminto sa pagtakbo. Nagmamadali na kaya kami, kaya syempre.... tatakbo kami. May nagmamadali bang naglalakad lang?

Kung minsan talaga, wala sa sitwasyon ang mga school rules.





Pagdating namin sa classroom, nakahinga ako ng maluwag ng maabutan naming nagkakagulo pa ang mga classmates namin. Nagtatawanan, nagkukwentuhan at naghaharutan pa ang mga ito. Kami naman ni Code ay pagod na naupo at napasandal sa upuang nasa unahan na kasalukuyang walang nakaupo.

"Akala ko masesermunan na tayo ng teacher natin." Sabi ko sa kanya habang habol ko ang aking hininga at hawak ko ang tagiliran kong sumakit dahil sa pagtakbo namin.

"Akala ko din." Nakangiti namang sabi ni Code.


"Uy, kayong dalawa!" Sabay kaming nag-angat ng tingin sa isa naming kaklaseng lalaki na kapapasok lang dito sa classroom. "San kayo galing? Hinahanap kayo nila Robert." anito.

"Nasaan na sila?" Tanong naman ni Code dito.

"Paakyat na rin siguro. Nasa canteen sila kanina, tapos tinanong ako kung nakita ko daw ba kayo. Saan ba kasi kayo nagsususuot, para namang pagkalaki-laki nitong LSNHS at di kayo magkakitaan." Tatawa-tawa nitong sabi.

Tumayo si Code sa inuupuan niya at tinapik-tapik niya ito sa balikat at saka siya lumingon sa akin.

"Labas lang muna ko, Persis. May sasabihin lang ako sa mga yon." Paalam sa akin ni Code.

"Baka dumating na ang teacher natin."

"Aabangan ko lang naman sila dyan sa tapat ng classroom." Nakangiti niyang sabi at saka siya lumabas na ng classroom namin.





"Is that your sit? Tabi nga!" Napalingon ako kay Carla na mataray akong pinaaalis sa upuan niya.

Napangiwi ako ng mapagtanto ko na nasa upuan niya pala ako naupo kaya agad akong umalis dito.

Pag-alis ko sa upuan niya ay nakita kong binuhusan niya ng alcohol ang upuan niya na inupuan ko at pinunasan niya iyon ng tissue.


Napakunot nalang ang noo ko sa kaartehan niya. Anong akala niya sa akin? May virus? Sana kung may kumalat mang virus dito sa pinas, yung mga OC na tulad niya ang unang dapuan, napaka-ano kasi.


Pagbalik ko sa kinauupuan ko ay 'tsaka ko lang naalala si Philip.

Bakit wala parin siya? Siguro kasama niya ang iba kong kaibigan? Ano na kayang nangyari sa binili niyang pagkain para sa akin kanina?

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now