Kabanata 58

9.1K 194 31
                                    

Kabanata 58
Gabi sa kamalig

Babala: SPG!

-------------
Pagbukas ni Code sa sliding door papunta sa pool area.

May dalawang nakatalikod na black pool lounge chair at nakikita ko ang ulo ni ma'am Leticia sa isa sa mga yon.

"Tita."

"Oh my God! Nicodemus?"

Nagmamadaling tumayo si ma'am Leticia sa kinauupuan niya.

Pagharap niya sa amin ay nakasuot lang siya ng pulang two piece, bakangiti niyang tinanggal ang suot niyang sunglass at tumakbo siya palapit sa amin.

"I miss you!" Mahigpit na niyakap ni ma'am Leticia si Code. "Ang daya mo!" at bigla niyang hinampas si Code sa braso nito pagkatapos nilang magyakap.

"Pumunta ka pala rito pagdating mo, tapos hindi ka man lang nagpakita sa'kin, hindi mo rin sinasabi sa'kin kapag tumatawag ako sayo at magka-text tayo."

Namaywang ito. "Wala akong kaalam-alam na nandito ka pala ulit. Kung di pa nadulas si kuya na nagpunta ka nga raw dito, hindi ko pa malalaman yon." nanghahaba na ang nguso ni ma'am Leticia habang pinaniningkitan niya ng mga mata niya si Code.

Ang cute niya kahit na may edad na siya. Siya yung tipo ng babae na sasabihin mong walang kakupas-kupas.

"Sorry. I just want to surprise you. And by the way,"

Muli akong binalot ng kaba ko ng ipulupot ni Code ang braso niya sa baywang ko at kinabig niya ako para mas dumikit sa kanya.

"This is Persis Buenrostro, my girlfriend."

"Girlfriend?"

Pinakatitigan ako ni ma'am Leticia. Nailang naman ako sa kanya at na-conscious ako sa itsura ko.

"Diba ikaw yung kaibigan ni Philip na nagtitinda rin ng isda sa palengke?"

"O-Opo."

"Tita, siya yung ikinukwento ko sayo noon."

"Oh! It's her?" Gulat na tanong ni ma'am Leticia, pero unti-unting gumuguhit ang ngiti sa labi niya.

"I think, we have alot to talk about, Persis." itinaas-taas pa ni ma'am Leticia ang kilay niya habang may nakakaloko siyang ngiti sa akin.

"Nasaan nga pala si daddy?" tanong naman ni Code sa tita niya.

Para bang umiiwas siyang mabuyo nito dahil sa mga tingin at ngiting nakakaloko ni ma'am Leticia, para bang nagsisimula na siyang asarin si Code.

"In his office. Alam mo naman yon, kahit nasa bahay, panay parin ang trabaho."

"Puntahan muna namin siya."

"Okay, pagbaba niyo ayain niyo narin si kuya, para sabay na tayong makapag-lunch."

"Okay."

Magkahawak kamay kami ni Code habang umaakyat kami sa grand staircase ng mansyon. Royal blue na ang carpet 'non na dati ay kulay pula.

Pag-akyat namin ay sumalubong ang malaking portrait ni Code na nakasabit sa mapusyaw at kulay bughaw na pader. Napatigil ako sa paglalakad at saglit na pinagmasdan ito.

Malaki ang portrait at sa unang tingin ay aakalain mong picture iyon na kinunan sa camera, pero hindi. Isa iyong painting.

Ipininta na animo'y totoo. Sa pinakaibaba ay may pangalang nakasulat doon.

Magnolia L. Fontanilla

Nakasulat iyon ng dikit-dikit at maliit.

"Magnolia Fontanilla. Parang narinig ko na ang pangalang 'to."

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now