Kabanata 32

7.4K 186 10
                                    

Kabanata 32
Sinusubukan lang kita

-----------
"Wag mo'kong hahawakan!" tinabig ng tita ni Philip ang kamay ni donya Alena at binigyan nito ng matalim na tingin ang donya. "Kahit kailan, hinding-hindi kita magugustuhan, Alena." anito habang nag-iigting ang panga nito at saka pasuray-suray na naglakad palayo sa donya. Agad namang nagsihawi sa daraanan nito ang mga bisitang nakaharang. Marahil natakot na mapagsungitan nito.

Ang ganda ni Ms. Leticia, pero nakakatakot pala siyang magalit. Bakas sa mukha niya ang lalim ng kanyang pinanghuhugutang galit.

"Anong nangyayari dito?"

Napalingon kami sa kapapasok palang dito sa loob na si don Leonardo. Umalingawngaw ang matapang at malaking boses niya sa buong mansyon. Huminto naman sa paglalakad si Ms. Leticia at nilingon ang kinaroroonan ni don Leonardo. Kitang-kita ang mapait na ngiti nito sa don ng lumingon ito.

"Don't worry kuya, tapos na ang palabas." Malamig nitong sabi at saka muling naglakad ito hanggang sa makatungtong sa grand staircase at dahan-dahang pumanhik doon.


Pag-akyat ni Ms. Leticia ay nanghingi ng paumanhin si donya Alena at don Leonardo sa inasal nito. Ganoon daw kasi ito kapag napaparami ng inom, inaaway ang kahit na sino.

Pero palagay ko, may personal talagang alitan itong si donya Alena at Ms. Leticia.


Matapos ang ilang minuto. Tuluyang nabura ang tensyon at muling nagbalik ang sigla ng pagdiriwang sa kaarawan ni donya Alena. Tumugtog muli ang classic band sa gilid at may ilan na namang nagsayawan sa gitna. Ang iba ay panay naman ang tawanan at kwentuhan.

"Persis." Pukaw sa akin ni Philip na nagpabalik sa aking sarili.

"Uhm?"

"Pwede bang maiwan muna kita? Check ko lang si mommy." aniya na halata sa mukha ang pag-aalala sa kanyang ina.

"Sige lang."

"Wag kang aalis dyan ha? Babalikan kita."

Nginitian at tinanguan ko nalang siya bilang tugon at saka siya nagmamadaling magtungo sa living room nila habang ako ay narito sa isang tabi. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ng may dumaang waiter na may dalang tray na may tatlong basong laman ay kumuha ako roon.

Medyo green ang laman ng baso at may isang slice ng lemon sa gilid nito, inamoy ko ito. Amoy apple ito at humahalo ang amoy nito sa lemon. Mukhang masarap.

"Hep, hep, hep! Gusto mong malasing?" ani Robert na biglang hinawakan ang braso ko para pigilan ako sa pagtikim sa laman ng basong hawak ko.

"May halong alak yan, Persis. Bawal pa sayo." Hindi ako nakapalag ng kunin niya ang basong hawak ko.

"Paano mo nasabing may halong alak yan?"

"Tinikman ko kanina. Akala ko juice lang e."

Mabuti nalang pala hindi ko pa natitikman, ang sarap sanang inumin dahil mabango.

"Ano nga palang nangyari dito kanina, Persis?" Tanong naman sa akin ni Felix na bakas sa mukha ang pagkainteresado.

Humilig ako ng kaunti sa kanya. "May kaunting tensyon lang kanina, yung tita Leticia ni Philip at saka si donya Alena."

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Felix. "Bakit?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko, masyado daw kasing naparami ang inom ni Ms. Leticia."

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now