Kabanata 34

7.7K 158 2
                                    

Kabanata 34
Practice

------------

"Interpretive dance nalang ang gawin niyo. Yung kayo yung gagawa ng sarili niyong step, para walang masabi si ma'am Abad kung mali yung steps niyo, kasi kayo mismo ang gagawa."

"Nice one, Felix. That's a great idea." Puri ni Robert na ngingiti-ngiting tinapik sa balikat si Felix.

"Anong magandang i-interpret na kanta?" Tanong naman ni Code habang nginunguya niya ang kanyang tuna sandwich.

Wala talaga akong hilig sa pagsayaw kaya pinauubuya ko nalang kay Code at sa mga kaibigan namin kung ano mang mapagdidisisyunan nila.

"Brown eyes." ani Robert na pumitik pa sa hangin.

Napataas naman ang isa kong kilay sa suhestyon niya. "Anong brown eyes?"

"Hindi mo alam yung kanta ng destiny's child na brown eyes? Buti pa ko, kahit alternative rock ang genre ko, alam ko yun." anas naman ni Tyron.

"RNB yon diba?" Tanong naman ni Joe kay Tyron.

Nagkibit balikat naman si Tyron. "Ewan ko ba, narinig ko lang yon. Pwede ring pop."

"Basta ako, nakita ko lang na may nagsayaw na ganoon ang tugtog." sabi naman ni Felix.

"Bagay na bagay yun sa inyong dalawa."

Isang matalim na tingin ang binigay ko sa tatawa-tawang si Robert. Halatang may pinupunto siya ng sabihin niya 'yon. Mabuti nalang at hindi pinansin ng iba naming kaibigan.

"Sayang at hindi namin makikita ang performance niyo. Imagine, sasayaw si Code Realonda para i-interpret ang isang kanta. Isn't it interesting?" Sabi naman ni Joe na ipinapalo sa batong mesa ang kanyang dalawang drum stick. Narito kasi kami ngayon sa tambayan namin dito sa likod ng faculty room.

"Paano kayo makakapag practice n'yan? Eh, diba diretso ka agad sa niyogan pag-uwi niyo?" Tanong naman ni Robert kay Code.

"Pupunta nalang ako dun." Mabilis kong sagot.

Nilingon naman ako ni Code habang taas ang isa niyang kilay.

"Wag na. Pag-uwi ko nalang tayo mag practice."

"Gabi na'yon, Code. Pagod na ang mga katawan natin kung pag-uwi mo pa tayo magpapractice. Ako nalang ang pupunta sayo, pupuntahan kita kapag break niyo."

Kumunot ang kanyang noo. "Sigurado ka?"

Nginitian ko naman siya at saka ako tumango.

"Okay, sige."



"Anong plano niyo ni Nicodemus? Alam mo kanina, namiss agad kita." Ani Philip ng makabalik na kami ni Code sa classroom namin.

Wala pa kaming teacher ngayon pero malapit narin matapos ang recess kaya nagpalipas nalang ako ng oras sa upuan ko, samantalang si Code naman ay nakikipag-kwentuhan sa mga kaklase naming lalaki at kung minsan ay nahuhuli ko siyang napapatingin sa akin.

"Balak naming mag perform ng isang modern dance. Interpretive dance to be exact."

"Oh! Ayan din ang suggestion ko kay Carmina kaso hindi kami nagkasundo ang we ended to dance waltz."

"Marunong kayo pareho mag waltz?"

"Me? A little bit. Kukuha naman kami ng choreographer."

"Good luck sa inyo."

Buti pa sila afford na kumuha ng magtuturo sa kanila. Anak mayaman nga naman.

"Sa inyo rin. We'll gonna be busy this week."

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon