Kabanata 44

6.3K 156 16
                                    

Kabanata 44
Hihintayin

-------------
Mahigit isang linggo rin na ibinurol si aling Narcisa at Nakeisha. Hindi pa nga sana maililibing ang mag-ina dahil gipit na gipit si Code. Mabuti nalang at sinagot ng mga Bergancia ang pagpapalibing, nabalitaan kasi ng mga ito ang nangyari.

Sa huling lamay ni aling Narcisa at Nakeisha. Dumating si donya Alena kasama si Philip. Hindi ko pinapansin si Philip, ang donya lang ang parati kong kausap. Hindi rin naman sila nagtagal at matapos ang kalahating oras ay nagpaalam narin sila.

Parating nasa loob ng bahay nila si Code at nagmumukmok sa kwarto nito, kaya sa akin nakipag-usap si donya Alena na sasagutin nga raw nito ang pagpapalibing. Hindi naman ako tumanggi at agad ko siyang pinasalamatan. Malaking tulong narin kasi iyon para kay Code kaya tatanggihan ko pa ba?

Pagkatapos naming makapag-usap ni donya Alena ay agad ko namang ibinalita kay Robert ang mga napag-usapan namin ng donya. Maging siya ay natuwa sa sinabi ko.

"Wag kang mag-alala ako na ang magsasabi kay Code. Bait talaga ng mga Bergancia no?" ani Robert.

"Tama ka. Pero hindi lahat ng Bergancia...mabubuting tao."

Nawala ang ngiti ko ng muli kong maalala ang mga ginawa ni Philip. Sariwa parin iyon sa ala-ala ko. Hindi ko akalain na gagawin niya yon. Siya na isang Bergancia.

"Paano mo naman nasabi yan, aber?" Nakangising humalukipkip si Robert at hinihintay ang isasagot ko.

"W-Wala lang. Feeling ko lang, diba sa isang pamilya. May tinatawag na blacksheep? Kung sino man yon. Siya ang tinutukoy ko."

Humaba ang nguso ni Robert at napataas ang kanyang kilay, inilagay niya rin ang kamay niya sa kanyang baba at hinimas-himas ito. "Kung sabagay."

Mabuti nalang at kinagat niya ang palusot ko.

Pagtalikod niya sa akin ay napabuga nalang ako ng isang malalim na buntong-hinga.


Marami ang nakipaglibing. Mga kaibigan ni Aling Narcisa at mga kaeskwela namin.

Tahimik lang si Code habang dinadasalan ang nanay at kapatid niya. Namumugto ang kanyang mga mata habang kagat niya ang ibaba niyang labi at nakatingin sa magkatabing kabaong ni aling Narcisa at Nakeisha.

Halos lahat hindi mapigilang mapaiyak habang ipinapasok ang mga kabaong sa sementadong lalagyan nito. Hinagis namin ang hawak naming bulaklak, bago tuluyang tinakpan ng lapida ang lalagyan nito.

Narinig ko ang impit na pag-iyak ni Code na pakiramdam ko pumipiga na naman sa puso ko.

Niyakap siya ni Robert at mahigpit din siyang yumakap dito.

Ang sakit-sakit na nakikita ko siyang umiiyak at wala akong magawa kung di sabayan nalang din siya sa pag-iyak.



Nagdaan ang mga araw at nabalitaan ko kanila Robert na hindi raw nagpapapasok si Code. Masyado raw nitong isinusubsob ang sarili sa pagtatrabaho. Siguro, para makalimutan niya ang problema niya. Pero paano naman ang pag-aaral niya? Nag-aalala rin ako para sa kanya.

"Nauunawaan ko si Code. Nabigla siya sa mga nangyari. All of a sudden, yung dalawang pinaka importanteng tao sa buhay niya...mawawala. Sobrang sakit 'non. And it takes time for him to recover, tapos wala parin makitang ebidensya o witness ang mga pulis sa pagkamatay ng pamilya niya. Sobrang bagsak si Code ngayon at sigurado na kahit pumasok siya, hindi rin siya makakapag focus." Kwento ni Robert habang narito kami sa tambayan namin, sa likod ng faculty room.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon