Kabanata 59

11.7K 243 11
                                    

Kabanata 59
Nicodemus POV

Kabanata 59Nicodemus POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---------

"Pogs,"

Napalingon ako kay Robert na papalapit sa kinaroroonan ko. Paglapit niya sa akin ay tinapik niya ang balikat ko at yumuko siya,

Nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin. Lumiyad naman ako para lumayo.

"Uy, ano bang ginagawa mo?"

Umangat ang sulok ng labi ni Robert at binatukan niya ko. "Gago! Ano bang iniisip mo? Gusto kang makausap ni Persis, nandoon siya sa loob, sa may sala."

Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya.

"Gusto niya akong makausap?"

"Oo."

Bahagya akong napangiti.

Mag-uusap kami ni Persis at ito na ang pagkakataon na makapag-ayos kami. Hindi ko palalampasin ang pagkakataon na'to.

Ang hirap kasi na nag-iiwasan kami, hindi pinapansin ang isat-isa. Lumaki kaming magkasama ni Persis and not talking and avoiding her makes me feel like there's a part of my life that is missing.

"I'll go."

Tinapik ko sa balikat si Robert at tumayo ako sa kinauupuan ko.

"Goodluck." aniya.

Tikom at tipid ko siyang nginitian bago ako naglakad ng mabilis papasok sa loob ng mansyon.

Habang papalayo ako sa pwesto namin ay narinig kong tinawag ako ni Felix at ng ilan ko pang kasama, pero hindi na ako nag-abala pang lingunin sila, nagbingi-bingian ako sa pagtawag nilang hindi naman nagtagal.

Pagpasok ko sa loob ng mansyon ay patakbo akong nagpunta sa sala, pero pagdating ko doon ay wala akong nakita.

"Persis?" iniligid ko ang paningin ko pero hindi ko talaga siya makita.

"Nicodemus, anong ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni Arthur.

"Nakita mo si Persis?"

"Kasama siya ni señorito Philip sa kwarto niya."

"Huh?"

"Baka kinukumbinse na ni binibining Persis ang señorito na matulog. Pinagtulungan kasi namin siyang ihatid sa silid niya kanina dahil sa kalasingan. Ang kaso, nangungulit kay Persis, gusto pa raw makipag kwentuhan kaya nagpaiwan muna si Persis sa kwarto niya."

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now