Kabanata 27

7.9K 192 6
                                    

Kabanata 27
First day of school

----------
"Gusto kita, Persis."

Halos magwala ang sistema ko sa narinig ko mula kay Code. Nananaginip ba ako o nagkakamali lang ako ng dinig?

"Gusto kong mainis sa sarili ko kung bakit ngayon ko lang 'to napagtanto, siguro nga ganun talaga, kapag naramdaman mong nate-threaten ka na, 'tsaka mo lang napag-iisipang lumaban."

Nate-threaten siya? Dahil ba yon kay Philip?

Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ni Code sa akin hanggang sa maramdaman kong wala ng mga brasong nakapulupot sa akin.

"Gusto kita, Persis. Hindi ko kailangan ng tugon mo. Gusto ko lang malaman mo kung ano ang nararamdaman ko sayo." saglit na huminto sa pagsasalita si Code at narinig ko ang pag buntong-hininga niya. "Ayoko ng itago 'to, ayoko ng magkunwaring hindi ako nagseselos kapag magkasama kayo ni Philip. Ayoko ng lokohin ang sarili ko. Sana...sana hindi magbago ang pakikitungo mo sa'kin ngayong nalaman mo na ang nararamdaman ko sayo."

Gusto kong tumalon sa tuwa, gusto kong magtitili, pero hindi pwede. Kailangan kong kumalma, umaktong wala lang sa'kin ang pagtatapat niya.

"P-Paano? K-Kailan?" nauutal kong tanong.

Hindi talaga ako makapaniwala na nagtatapat siya sa akin ngayon, yung lalaking ang tagal ko ng pinapangarap, ngayon kasama ko at sinasabi sa akin na gusto niya ako.

"Nung hinalikan kita noong nasa kamalig tayo, doon ako natauhan. Nagising ako sa katotohanang...hindi na basta lang kaibigan ang tingin ko sayo. Gusto kita bilang isang babae, gusto kita kasi ikaw ang laman ng puso at isip ko."

Parang isang musikang gusto kong ulit-ulitin sa pandinig ko ang mga sinabi ni Code. Sobrang nakakagalak 'yon, ang sarap sa pandinig.

"S-Sige, m-maiwan na kita Code. K-Kailangan ko na talagang pumasok ng bahay."

Huminga ako ng malalim at lakas loob ko siyang nilingon bago ko siya iwan. Sa pagtatagpo ng mga mata naming dalawa, para bang kinausap ako ng mga yon, para bang tumatagos hanggang sa kaluluwa ko ang mga yon at hinahaplos ang munti kong puso na nagwawala dito sa dibdib ko.

"Pwede ba kitang isabay bukas?" aniya.

"S-Sabay? S-Sige ba."

Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. "Hihintayin kita bukas."

Nginitian ko siya. "Uhm!" Kasunod ng pagtango ko.

"O, dahan-dahan sa pagbaba." Hinawakan ni Code ang dulo ng hagdan na nakadikit sa bubungan habang dahan-dahan akong bumababa.

"Hihintayin kita bukas." Sigaw niya pagbaba ko.

Nag-thumbs up ako sa kanya at saka kumaway bago ako pumasok sa loob ng bahay namin.

Pagpasok ko sa amin ay napapakanta ako ng gitara na kaninang kinakanta ni Code. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko na para bang lumulutang ako. Ganito pala kasarap sa pakiramdam yung malaman mong may gusto sayo yung taong mahal mo.

"Noel, hindi ka pa ba matutulog? Maaga pa tayo bukas." ani inay.

"Tatapusin ko lang 'tong pinanonood ko." Tugon naman ni itay na tutok na tutok sa pinanonood na basketball sa TV.

Lumapit ako sa kinauupuan ni itay at minamasahe ko ang kanyang mga balikat niya. Sumulyap din ako sa pinanonood niyang PBA kung saan naglalaban ang kanyang paboritong basketball team na purefoods, laban sa ginebra.

"Uhm...sige lang anak, ipagpatuloy mo yan." ani itay na dinig sa boses niyang nasasarapan siya sa pangmamasahe ko sa kanyang balikat.

"Anong pumasok sa isip mo at minamasahe mo'ko ngayon? Wala ka namang kailangan sa'kin, diba?"

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now