Kabanata 43

6.1K 150 9
                                    

Kabanata 43
Awa

-------------
"Hoy! Robert, ihatid mo yang pinsan ko sa kanila, huh?!" Bilin ko pagkababa ko sa pick up truck ni Robert. Binigyan ko pa siya ng matalim na tingin na puno ng pagbababala.

"Eto naman parang walang tiwala sa'kin---"

"Hindi ka naman kasi katiwa-tiwala." Tumatawang sabi naman ni Tyron.

"Tulong!!!"

Natahimik kaming lahat ng marinig namin ang sigaw ni inay. Agad na sumibol ang kaba sa dibdib ko kaya agad akong napatakbo.

"Persis, sandali. Hintayin mo kami" ani Rufa.

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya at nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.

"Nay!" Hindi ako magkanda-ugaga sa pagtakbo papunta sa amin.

Ngunit papalapit palang ako sa bahay namin ay natanaw ko na si inay na nasa bakuran ng mga Realonda. Silang dalawa ni itay Noel.

"Tumawag na tayo ng tulong. Magmadali ka, Noel. Magmadali ka!" Humahagulgol na sabi ni inay.

"A-Ano pong nangyari?"

Natakot akong magtanong sa kanila dahil ramdam kong may hindi magandang nangyari. Sa iyak palang ni inay ay nakasisigurado na akong mabigat ang mga malalaman ko.

Napalingon silang dalawa sa akin at patakbong niyakap ako ni inay.

"Persis, umuwi na muna kayo ng inay mo. Tatawag lang ako ng tulong." Bilin ni itay Noel na nagmamadaling tumakbo palayo sa amin.

"Nay, ano po bang nangyari?"

Hindi ako sinagot ni inay. Panay lang hagulgol niya.

Natuon ang pansin ko sa nakabukas na pintuan nila Code. Sa gilid ng pintuan ay nakasilip ang isang kamay na nasa sahig.

Naalarma ako sa nakita ko at mas lalong bumundol ang kaba sa dibdib ko.

"Nay, ano yun? B-Bakit bukas ang bahay nila aling Narcisa?"

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ni inay sa tanong ko.

"Nay, sandali lang po. Titignan ko lang sandali."

"Wag na." Umiiyak na saway sa akin ni inay na mas humigpit ang yakap sa akin.

"Sandali lang nay, bakit may...may nakikita akong kamay sa lapag?"

Hindi na maganda ang pumapasok sa isip ko. Ayokong isipin ito, pero hindi ko maiwasan.

"Aling Narcisa? Nakeisha?"

Pasigaw kong pagtawag sa mag-ina, pero wala akong narinig na sagot mula sa kanila.

Ilang saglit lang ay narinig ko naman si Code na humahagos sa pagtakbo papasok ng bahay nila. Nanginginig ang boses niya habang tinatawag niya si aling Narcisa at Nakeisha.

"This can't be happening." Napalingon ako kay Robert na nasa tabi ko na pala at tulalang nakatingin sa tapat ng bahay nila Code.

"Totoo ba? Diyos ko po!" Boses naman iyon ni Rufa na lumapit sa amin. "Tiya Rem, ano pong nangyari?" Bakas sa mukha ng pinsan ko na naiiyak narin ito.

"Rufa, pakialalayan muna nga si inay."

Ramdam ko ang pagpipigil sa akin ni inay na umalis sa tabi. "Nay, please."

Lumuwag ang pagkakahawak ni inay sa braso ko hanggang sa tuluyan na niya akong binitawan. Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob ng bahay nila Code.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt