Kabanata 40

6.8K 136 2
                                    

Kabanata 40
Kutob

-------------
Ganito pala yung feeling ng broken hearted, yung kahit anong pilit mo na intindihin ang itinuturo ng teacher mo, hindi parin maiiwasang pumasok sa isip mo, yung taong mahal na mahal mo...pero ngayon, hindi na sayo. Ang hirap pilitin ng sarili na maging okay.

  
"Persis! Finally at nagkasabay-sabay din tayong mag-recess." ani Felix na inakbayan ako.

Kagagaling ko lang sa cr at papunta na sana ako sa table kung saan naroon si Rufa at Yza, kaso nasalubong ko nga itong sina Felix.

"Alam mo ikaw, lumipat ka lang ng apricot, bihira ka ng sumama sa amin." Sabi pa ni Tyron.

"Masyado lang talagang maraming ginagawa, alam niyo namang higher section ang nalipatan ko. Paliwanag ko sa kanila.

Si Robert, Felix, Tyron at Joe lang ang magkakasama ngayon. Hindi ko pa nakikita si Code, wala rin akong makitang bakas ng kung sino mang mga kaklase ko noon, siguro hindi pa sila pinalalabas.

"Dahil ilang araw ka naming hindi nakasama, ililibre ka namin. Anong gusto mo?" Tanong ni Robert na nakapamulsa.

"Salamat nalang pero hindi ako makakasabay sa inyo, may kasabay na kasi ako."

Inginuso ko ang pwesto ni Rufa at Yza na nagtatawanan doon.

Umangat naman sulok ng labi ni Robert. "Eh di, sasabay nalang kami sa inyo."

Napataas ang kilay ko. "Huh?"

"Let's go." Nagpatiuna ng maglakad si Robert na sinundan naman nila Tyron.

Gusto ko silang pigilan pero hindi ko na nagawa yon.

"Hey, beautiful ladies. Can we join?" untag ni Tyron na may malalapad na ngiti kay Rufa at Yza.

Nahihiyang tumango naman si Yza at Rufa sa kanila. Sino nga ba ang makakatanggi sa myembro ng Sacred Crown?

Naupo ako sa left side na upuan sa tabi ni Rufa. Si Yza naman ay nasa tapat ni Rufa, katabi ni Yza sa left side niya si Felix at sa right side naman niya si Tyron, katabi naman ni Tyron si Joe.

Napataas ang isa kong kilay ng makita kong may isang upuan sa tabi ko dahil sa dulo naupo ai Robert. Pinagigitnaan namin ang upuan.

Nakangisi si Robert sa akin ng mapansin niyang napatingin ako sa upuang nasa tabi ko.

"I'm saving it for Code." Ngingiti-ngiti niya pang sabi.

"Tinatanong ba kita?" Pataray ko namang anas sa kanya.

"Because you look confused."

Ipinaikot ko nalang ang mga mata ko at ibinaling ang tingin ko kay Rufa at Yza. "Tara bili na tayo ng makakain." anyaya ko sa kanila.

Akmang tatayo na kami sa kinauupuan namin ng awatin kami ni Felix.

"Hep, hep, hep. Kami ng bahala sa pagkain niyo. Right guys?"

Nag thumbs up lang si Robert habang ang iba naman ay nagsitango.

"O, Felix. Etong ipambili mo ng mabaryahan."

Inabot ni Robert kay Felix ang malutong na limang daan. Agad na kinuha ni Felix ang perang inabot sa kanya ni Robert.

"Anong gusto niyo at ako na ang bibili." Tanong ni Felix sa amin ni Rufa at Yza.

"Kami nalang ang bibili ng pagkain namin, nakakahiya naman." ani Yza.

"Wag na kayong mahiya, sige na sabihin niyo na ang gusto niyo." ani Robert na humalukipkip mula sa kanyang kinauupuan. Prenteng-prente ang upo niya, naka-dekwatro pa nga siya.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now