Kabanata 4

9.9K 242 24
                                    

Kabanata 4
Last

----------

Tahimik naming pinanood ngayon ang cotillion dance sa gitna ng malawak na gymnasium dito sa school. Magkakapareho ang suot ng walong pares na nagsasayaw sa gitna. Naka puting suit ang mga lalaki at ang mga babae naman ay kulay pula ang mga gown, sabay-sabay ang mga galaw nila na halatang inensayo ng mabuti.

Nasa gilid kaming ibang estudyante at naaaliw na pinanonood sila. Nanakaw naman ang pansin ko ng itinayong stage sa harapan na may nakadikit na malalaking lettering na gawa sa makukulay na papel. May mga nakakalat din na ibat-ibang kulay ng lobo sa sahig at sa stage, may mga bulaklak din doon at naroon pa nga ang mga musical instruments na gagamitin ng Sacred Crown mamaya dahil nakatakda silang mag perform, request kasi ng marami sa amin iyon. Lalo na ng mga masugid nilang tagahanga. Ang Crowners.

Pagkatapos ng cotillion ay nagsalita ang principal namin.

"Ang dami pang sinasabi manong magsimula na agad." ani Felix na nasa likod ko at nakahalukipkip.

"Di ka naman sabik sumayaw no?" ani Joe na nasa tabi ni Felix. Katabi pa nga nito ang kanyang girlfriend na si Susan na opisyal niya ng ipinakilala sa akin kanina.

Muli akong napatingin sa stage kung saan patuloy parin sa pagsasalita ang principal namin.

"Syempre gusto kong makarami. Ano paramihan?" Dinig ko namang sabi ni Felix sa likuran ko.

"Wag mo kong ayain sa ganyan alam mo namang kasama ko ang girlfriend ko."

"Oo nga pala, takot ka sa girlfriend mo."

Narinig ko pa ang pagtawa ng malakas ni Felix.

"Tyron, tayo nalang."

"Anong tayo?"

"Tayo nalang ang magparamihan ng maisasayaw ngayong gabi. Ano deal?"

"Sige ba. Ako pa hinamon mo."

Pagkatapos ng mahabang speech ng principal ay nagsimula na nga ang sayawan sa saliw ng awiting mula sa isang sikat na boyband.

Nakita kong inilahad ni Code ang kamay niya kay Olivia na napakaganda sa suot nitong peach na gown na lampas talampakan din ang haba. Naka-bun ang buhok niya at may bulaklak sa tuktok non. Nakakainggit ang ganda niya, pero palagay ko naman ay may ibubuga ako sa kanya ngayon.

Inabot ni Olivia ang kamay ni Code at pagtayo ni Olivia sa upuan niya ay hinalikan ni Code ang kamay nito at saka iginaya nito si Olivia papunta sa dance floor.

Parang dinudurog na naman ang puso ko habang tinatanaw ko sila papalayo sa akin.

"Oops! Bawal ang malungkot ngayon, Persis Neshamah." Napalingon ako kay Robert na nasa harap ko ngayon. "May I have this dance?" nakangiting inilahad niya ang kamay niya sa akin. Napangiti naman ako at saka ko yon inabot.




"Dalawang beses lang mangyayari sa buong buhay mo'to, Persis. Kaya dapat enjoyin mo lang kasi hindi mo na'to mababalikan." ani Robert habang sinasabayan namin ng sayaw ang isang slow dance.

Napatingala kami ng may biglang bumagsak na mga confetti mula sa itaas. Kasing kukulay ng mga ito ang malilikot na ilaw na sumasakop sa buong gymnasium.

"Everything that is happening right now is a part of our history. At tandaan mo, ako ang first dance mo." Nakangiting sabi ni Robert.

Maya-maya'y may biglang tumikhim sa likod namin at paglingon ko ay nakita ko naman si Felix. "Pwede ko bang maisayaw ang pinakamagandang babae sa gabing 'to?"

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now