Kabanata 42

6.1K 147 10
                                    

Kabanata 42
Wala ng pag-asa

-------------
Kanina pa ako naiinip dito sa pwesto namin. Narito kaming lahat sa pool area at kanya-kanyang grupo kami ngayon.

Ang mga lalaki ay nasa kabilang side ng pool, nagkukwentuhan at nag-iinuman, pero hindi naman lahat sa kanila umiinom. Si Philip, Robert at yung mga pinsan lang ni Philip ang nakita kong may hawak na beer in can.

Humahalo sa tawanan at kwentuhan ng lahat ang malakas at nakakaindak na tugtuging nanggagaling sa mga speakers na nakaset sa gilid ng puting pader dito. Panay naman ang tawanan at sayawan ng grupo ni Carla na naka-two piece lang.

"Woah!"

Hiyaw ng mga lalaki ng mapatingin ang mga ito sa kanila. Nangibabaw pa ang hiyaw ni Felix na mukhang nakainom rin dahil namumula ang buong mukha nito.

Makauwi pa kaya ang mga 'to, mamaya? Hindi ko naman napansin ang sasakyan ni Robert kanina. Sana hindi nalang niya dinala dahil baka mapaano pa sila pag nag drive siya ng nakainom.

Tumingin ako kay Robert na panay ang tungga ng beer. Anong petsa pa ba siya makakahanap ng tyempo at ang tagal-tagal? O baka naman nakalimutan na niya ang pabor na hinihingi ko sa kanya? Hindi naman sana.

Naging mapagmatyag ang mga mata ko sa pwesto ng mga lalaki. Naghihintay ako ng senyales kay Robert. Ang ingay-ingay nila. Panay ang murahan, kung minsan pa nga ay kinakabahan ako kasi tumataas ang boses nila sa isat-isa na para bang nag-aaway, tapos napapabuntong hininga nalang ako kapag maririnig ko sila na biglang magtatawanan.

Ang weird talaga ng mga tao kapag nalalasing. Nagiging bipolar.

"Persis!"

Napalingon ako kay Philip na naglalakad palapit dito.

"Are you okay? Are you having fun?" Pasigaw niyang tanong sa akin habang nakangiti. Pagewang-gewang siyang maglakad at namumungay na ang kanyang mga mata. Muntik pa siyang malaglag sa pool at napamura pagkatapos niyang mabalanse ang katawan niya.

Tumango naman ako sa kanya tugon sa tanong niya.

"Good. Good.Good." aniya.

Akala ko ay lalapit talaga siya dito sa pwesto namin pero mabuti nalang at sa sliding door siya dumako. Binuksan niya yon at pumasok siya sa loob.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kinaroroonan ng mga lalaki. Nahuli ng mga mata ko ang paglingon ni Robert dito sa kinaroonan namin. Inginuso niya ang pintuan at sumenyas sa akin na pumasok daw ako sa loob.

Tumango naman ako sa kanya at tumayo sa inuupuan naming pool chair ni Rufa.

"Sandali lang ha, cr lang ako." Paalam ko kay Susan at Rufa na kanina parin ang kwentuhan, hindi naman ako makasali sa kanila kasi lutang na lutang ang isip. Ang nasa isip ko lang ay ang makausap si Code, maayos namin ang relationship namin kahit bilang kaibigan lang.


Pagpasok ko sa loob ay hindi ako mapakali. Kinakabahan ako, nanlalamig pa ang mga kamay ko.

"Persis, what are you doing-"

Mabilis akong tumakbo para daluhan si Philip na biglang natumba.

"Philip, lasing ka na." Inilagay ko sa balikat ko ang braso niya para alalayan siyang tumayo.

Habang itinatayo ko si Philip ay panay ang tawa niya.

"Ang bigat mo."

Tumigil siya sa pagtawa at ng lumingon ako sa kanya. Napapigil hining ako ng halos gahibla nalang ang lapit ng mukha naming dalawa. Tila nanlambot ang mga tuhod ko sa titig ni Philip. Nakita ko pa kung paano bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant