Kabanata 37

7.7K 174 19
                                    

Kabanata 37
Kweba
SPG!

----------
"Code, papunta na'to sa Aglipay cave, huh?"

"Uh-huh. Teka dyan ka muna, mauuna ko." iminuwestra niya pa ang kamay niya para pigilan ako sa paglalakad sa matarik na binabaybay namin ngayon, papunta sa Aglipay cave.

Ano kayang nasa isip nitong si Code at doon nito kami naisipang pumunta? Ano kayang surpresa niya?

"Persis, abutin mo ang kamay ko." Napatingala ako. Hindi ko namalayan na nakaakyat na pala si Code sa tuktok kung saan naroon ang kweba at inaabot niya sa akin ang kamay niya ngayon.


"Ops, dyan ka lang. Ipangako mo sa'kin na hindi ka sisilip." Bilin sa akin ni Code ng makaakyat na ako.

Nagtataka talaga ako sa inaakto niya at hindi ko maiwasang mapaisip kung anong meron sa loob ng kweba. Ipinag-krus ko nalang ang mga braso ko at tumango ako sa kanya bilang tugon.

Wala akong nagawa kung di ang sundan ng tingin si Code na mag-isang pumasok sa kweba. Hanggang sa tuluyan ng malawa sa paningin ko ang bulto niya.

Dahil maraming mga puno rito na masasanga at mga baging na naglipana. Hindi gaanong mararamdaman dito ang ulan, pero ramdam na ramdam ko ang malakas na hangin dahilan para yakapin ko ang sarili ko sa lamig.

"Code! Matagal ka pa ba dyan? Giniginaw na'ko!" sigaw ko buhat dito sa labas.

Gustong-gusto ko na talagang silipin si Code kung anong ginagawa niya, pero pinangungunahan ako ng kaba. Kinakabahan ako kasi baka kung ano pa ang makita ko, at saka nangako ako sa kanya na dito lang ako.

"Code..."

"Okay na." Ngiting-ngiti si Code ng lumabas siya sa kweba. Dumako pa ang paningin ko sa suot niyang t-shirt na hapit sa katawan niya, bumabakat tuloy ang malapad niyang dibdib.

"Sorry kung natagalan." aniya kasunod ng pagpulupot niya ng puting tuwalya sa akin.

Ang ibig sabihin ay may mga gamit pala siya sa loob ng kweba?

"Halika na. Nangangatog ka na."

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at iginaya papasok sa kweba.


Namilog ang mga mata ko at naitakip ko ang isa kong kamay sa aking bibig ng pagpasok namin ni Code ng kweba ay bumungad agad sa akin ang maliwanag na kweba. Ang daming puting kandilang nakatirik sa paligid nito at sa gitna ay may mesa na may pulang sapin, may kandila rin sa ibabaw ng mesa at maayos na nakahanda ang plato, kubyertos at baso, sa ibabaw nito. Sa gilid na bahagi naman ng kweba, di kalayuan sa mesa ay may foam bed, may maliit na kahon sa ibabaw nito na may pulang ribbon, naroon din ang gitara ni Code.

Nilingon ko siya para tanungin pero hindi na ako nakapagsalita ng pagharap ko ay bumulaga sa akin ang kumbol ng bulaklak na itinakip ni Code sa mukha niya. Dahan-dahan niya rin tinanggal iyon mula sa pagkakatakip niya sa kanyang mukha at abot tengang ngiti pa ang nakita ko sa kanyang mga labi ng alisin niya yon.

"Para sa babaeng nasa harap ko ngayon...at nagpapatibok ng puso ko." Inabot niya sa akin ang bulaklak, hindi naman ako nagpa-kyemeng kinuha iyon. "Sorry, hindi na fresh kasi kanina ko pa binili."

Inamoy ko ang mga bulaklak. "Okay lang, mabango parin naman sila. Salamat dito."

"Walang anuman."

Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong paligid ng kweba. "G-Ginawa mong lahat 'to?" namamangha kong tanong kay Code.

"Yup. Tatlong araw ko 'tong pinaghandaan. Kasi gusto ko, maging memorable 'tong first date natin."

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon