***WAKAS***

16.1K 337 56
                                    

Just want to say thank you to all of my readers who patiently waiting for the updates . This is it, we're down to the last part. Another story has been done.
Subaybayan niyo rin po sana ang susunod kong kwento. Ang book 2 ng If I Can trilogy which is the If I Can Hold On.

------------

Dumiretcho kami ni Code sa bahay namin dahil inaya ko siyang sa amin maghapunan. Iyon din kasi ang bilin ni inay, na ayain ko daw si Code ngayon na dito kumain sa bahay.

"Nay?"

Pagpasok namin ni Code ay sinalubong kami agad ng mabagong amoy ng paksiw.

"O, nariyan na pala kayo. Teka at tatapusin ko lang itong niluluto ko."

Inaya ko si Code na puntahan namin si inay sa kusina.

Pagdating namin don ay mas lalong nanuot ang amoy ng masarap naming uulamin mamaya.
"Hmm...mukhang masarap po ang niluluto niyo." ani Code.

"Ay!"

Gulat na humarap naman si inay sa amin.

"O, gutom na ba kayo?"

"Hindi pa naman po masyado."

Ako na ang kumuha ng plato at kubyertos habang abala pa sa pagluluto si inay. Tinulungan naman ako ni Code na ayusin ang mesa.

"Noel, pumarito ka na at kakain na." Sigaw ni inay habang dahan-dahan niyang inilalapag ang hawak niyang palayok sa gitna ng mesa.

"Rem, okay na yata yung mga pinatuyo mong galunggong." ani itay pagpasok niya ng bahay galing sa likod.

Tumayo ako at agad namang nagmano, ganoon rin si Code.

"O, anong nangyari sa mansyon? Wag niyong sabihing tutol ang don sa inyong dalawa dahil sa estado ng buhay namin, Nicodemus?"

Si itay talaga, kung anu-ano ng pumapasok sa isip dahil sa mga napapanood niya sa TV.

"Wala naman pong kaso kay dad ang relasyon namin ni Persis." sagot ni Code.

"Eh di, maganda."

"Ilang araw ka ba rito, Nicodemus?" tanong naman ni inay.

"Two weeks po ako dito."

"At anong plano mo pagkatapos ng dalawang linggo mo rito?" Tanong ulit ni itay Noel.

Napatingin ako kay Code.

Ano na nga kayang mangyayari pagkatapos ng dalawang linggo niya rito? Babalik na siya sa maynila at ano? Magiging busy siya ulit at bihira lang kaming makakapagkita.

"Pagbalik ko po ng maynila. Magsisimula naman po kaming gumawa at magrecord para sa susunod naming album. May mga naka-schedule narin po kasi kaming commercial at guesting."

"Sikat na sikat ka na talaga." mapait akong ngumiti.

"Kapag free time ko. Dadalaw-dalaw ako dito."

Hilaw ko siyang nginitian habang tumatango.

Kung pwede lang sana na wag na siyang bumalik sa Maynila, na dito nalang siya. Kaso hindi naman pwede kasi hindi na siya tulad ng dati na isang ordinaryong ashralkan. Sikat na siya ngayon at isa pa siyang heredero.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now