Kabanata 1

16.9K 314 47
                                    

Kabanata 1
Partner

----------

Hindi pa man sumisikat ang araw at hindi pa tumitilaok ang mga alagang manok ng mga Realonda. Gising na gising na agad ang karamihan sa mga taga rito sa La Solimatra, Ashralka.

Kanya-kanyang raket at pagbabanat ng buto na ang ginagawa ng mga taga rito, kaya nga paggising ko ay wala na si inay sa tabi ko. Naroon na siya sa dalampasigan at hinihintay si itay Noel na namalaot para may maibentang isda sa palengke si inay.

Kaliligo ko lang at nakapagbihis narin ako ng uniporme ko sa school. Hindi pa nga lang ako nagsusuklay.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay naupo ako sa tapat ng bintana, sa maliit naming barong-barong na tinitirhan.

Kabitbahay namin ang mga Realonda na maraming alagang manok at maraming puno ng mangga. May mga alaga rin silang baboy at mga bibe na kung minsan ay nag oover the bakod sa amin na madalas hawiin ni inay gamit ang walis tingting.

Balak ko lang sanang magpahangin, pero natuon ang pansin ko kay Code na abala sa pagsisibak ng piraso ng punong kahoy na panggatong.

Napakagat ako ng labi ng makita ko siyang walang suot na pang-itaas, nakasuot lang siya ng itim na school pants.

Umuusok pa ang kapeng nasa tasa ko ng higupin ko yon, pero tila hindi iyon ang naging dahilan ng pag-init ng temperatura dito, kung di dahil sa nakahubad na si Code.

Tila bumagal ang pag-ikot ng mundo habang sinisibak niya ang piraso ng punong kahoy sa tapat ng kanilang bahay. Dahil wala nga siyang pang-itaas ay kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan na pantay na nasunog sa araw.

Katamtaman lang ang laki ng katawan ni Code na bumagay sa maliit, maamo at gwapo niyang mukha. Sa bawat galaw niya ay malikot din na gumagalaw ang nakalawit na krus sa hikaw niyang nasa kanyang tenga.

Tila naging magnifying glass ang mga mata ko dahil kahit di ganoon kalapit sa akin si Code ay nakikita ko ang mga butil ng pawis sa magkabilang gilid ng kanyang noo. Ang iba ay nagmula sa kanyang patilya at naglandas sa kanyang baba, hanggang sa tumulo ito hanggang sa kanyang leeg.

Napunta ang mga tingin ko sa kanyang brasong may malalaking muscles na kahit di mo hawakan, sa tingin palang ay malalaman mo ng matitigas ang mga yon. Sa tuwing gagalaw siya ay mas lalong nadedepina iyon. Lumikot pa ang tingin ko sa kanyang matipunong dibdib, pababa sa kanyang namumutok na mga muscles sa tyan.

His shining shimmering splendid abs na tila kay sarap punasan dahil sa dami ng butil ng pawis na naglalandas doon.

"Persis!"

Nagulat ako at tila nagising sa mababaw kong pagpapantasya kay Code ng huminto siya sa ginagawa niya at tawagin ang pangalan ko.

"C-Code, nandyan ka pala? Magandang umaga. Kape tayo." nahihiya kong bati sa kanya. Sana lang hindi niya ako nahuling nakatitig sa katawan niya.

Nginitian niya ako dahilan para tila humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan.

"Sige, tapos na. Papasok ka na?"

"Oo. Maya-maya."

"Sabay tayo. Sakay ka sa'kin."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Parang iba yata ang naging kahulugan sa'kin ng sinabi niya at mukhang nabasa niya naman sa mukha ko ang pagkalito.

"Ang ibig kong sabihin ay kay Bagwis." aniya habang nakalagay ang kanyang kamay sa likod ng kanyang batok at nakangiti parin sa akin.

Kung siya ba naman lagi ang sasalubong sa umaga ko ay talaga namang pagkaganda-ganda nito.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now