Kabanata 2

10.9K 251 9
                                    

Kabanata 2
Olivia

----------

"Inay, alis po muna ko." Paalam ko kay inay na nagpipili ng palay sa bilao habang nakaupo siya sa kawayan naming upuan dito sa sala.

"Saan ka na naman pupunta, Persis? Tanghaling tapat ay aalis ka?"

"Inay, maliligo lang po kami sa Dodiongan."

"At sino na naman ang kasama mo? Yung mga kaibigan mong lalaki? Persis naman. Dalaga ka na. Iwas-iwasan mo ang pagsama sa mga lalaki."

Napakamot ako ng ulo ko.

"Inay naman. Kasama ko naman po si Code. Pagkasama ko siya walang mangyayari sa'kin, 'tsaka alam niyo naman pong simula bata palang kaibigan ko na ang mga kaibigan kong lalaki. Kilala ko na sila, wala silang gagawing masama sa'kin. Wag niyo naman po sana silang husgaan."

"Hindi ko sila hinuhusgahan, Persis. Pinag-iingat lang kita at isa pa, kababaeng tao mo, eh puro lalaki ang kasama mo, hindi ka ba nahihiya sa mga tao?"

"Inay, wala po akong ginagawang masama. Wala kaming ginagawang masama ng mga kaibigan ko at wala akong pakialam sa kanila."

"Persis!" Napatingin ako sa bintana namin at nakita ko na kumakaway mula sa tapat ng bahay nila si Code, kasama sina Joe, Robert, Felix, Tyron at ang hindi ko inaasahang makakasama namin, si Olivia.

"Inay, alis na po ako."

"O siya, mag-ingat ka. Wag kang magpapagabi."

"Opo."

As usual. Ang lumang chevrolet pick up truck ni Robert na kulay pula ang sinakyan namin. Si Tyron sa harapan habang kaming tatlo naman nina Joe at Felix ay mas piniling maupo sa truck bed, si Felix nga ay nag gigitara pa, habang si Joe ay panay ang hampas ng kanyang drum stick at gumagawa ng kanyang sariling tunog.

"Ano ba, Joe? Wag mo nga akong sabayan. Nalilito ako." Reklamo ni Felix.

"Ikaw ang sumasabay sa'kin eh."

"Anong ako? Kanina pa ako naggigitara dito."

Napapailing nalang ako habang nakatukod ang mga braso ko sa tail gate at nakatanaw sa malayo.

"Bakit ang tahimik mo dyan, Persis?" Tanong ni Joe sa akin.

Kahit hindi ko siya harapin ay ramdam ko ang mga mapang-asar niyang ngisi. Sigurado naman akong alam niya kung bakit tahimik ako, tapos nagtatanong pa siya.

Syempre malungkot ako kasi hindi ako yung nakasakay kay Bagwis ngayon kung di si Olivia. Magkasama sila ni Code at doon sila dumaan sa shortcut kaya siguradong sila ang unang makakarating sa Dodiongan Falls na thirty minutes ang layo mula sa bahay namin, pero kung gagamit ng shortcut ay nasa twenty minutes lang.

"Kantahan mo nalang kami, Persis." ani Felix.

"Wala ako sa mood."

"Bakit ba?"

Hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Kung alam ko lang na sasama si Olivia, sana pala sinama ko rin si Susan my love." ani Joe.

Mag-iisang linggo palang yata si Joe at ang girlfriend niya at sa isang linggong yon ay ngayon ko lang narinig kay Joe na binanggit niya ang pangalan ng girlfriend niya, kaya ngayon ko lang nalaman na Susan pala ang pangalan nito.

Lumingon ako kay Joe. "Bakit nga ba hindi mo isinama?"

"Nahihiya kasi siya dahil puro daw tayo lalaki. Pati ikaw, lalaki narin ang turing sayo ng nobya ko, Persis." Sabay halakhak ni Joe.

Kahit Konting Pagtingin (Book 1 of Ashralka Heirs #2)Where stories live. Discover now