1) LOVE THIS WAY 💕

2.3K 53 3
                                    

Chapter one (page 1)
Title : LOVE THIS WAY 💕

    Ako c Jacky nag aaral sa unibersidad ng davao..
    Sa ngayun nasa ikalawang antas ako sa kursong business Administration..
   Kaklase ko ang kababata kong si jose Marie ..  Ang pinaka mabait, pinaka-understanding, pinaka-mapag-alaga kong kaibigan..  At higit sa lahat pinakamaganda sa lahat..  Hahah  😆😆.. Oo tama.  Bakla po ang bff ko.  Bata palang matalik na talaga kaming magkaibigan..  Tanda ko pa nung una ko syang nahalata na girly pala xa.  Hehe  😁😁
     Saksi ako sa pagdadalaga ng kaibigan ko. Madalas pa nga kaming pinapagalitan ng ate Amy nya kasi ginagamit namin ng walang paalam ang lipstick nito kapag naglalaro kami. yun tuloy mabilis mapudpod. Rampa dito rampa doon feeling miss universe kaming dalawa pero kahit ako yung tunay na babae daig parin ako ni jose este jessa pala sa pagkinding..  Hahaha..  Oo jessa ang gustong itawag sa kanya kapag naka ala-beauty queen xa.. 
     Tuwang-tuwa talaga kami kapag ginagawa namin ang kalokohan na yun..  Naalala ko pa nga nung hinabol kami ng ate nya ng walis tambo kasi naputol ang takong ng sapatos nito.  Hehe 😁
    Hingal na hingal kami nun makarating lang sa madalas naming tambayan..  Sa malaking punong mangga na malapit lang sa dam..  Doon namin gusto laging tumambay.  Kapag masaya kami.  Malungkot. Lalo na kapag isa samin ay pinalo ng mga tatay at nanay namin.  Hehe.  Kumbaga doon kmi nagdadamayan..  Sa hirap at ginhawa..  Oh diba?  Close kami ng subra?  Hehe..
       Ngunit natapos nalang bigla ang kaligayahan namin sa pagrampa noong nakabalik na ang papa ni jose mula sa trabaho nito..  Nadistino kasi ito sa malayo noong mga panahong iyon.   Meju nagkakaedad na kasi si uncle henry kaya nagpaplanu ng magretire sa mga sandaling iyon..  Maski ako tindig balahibo kapag nakikita ko si uncle henry.  Matapang matikas at higit sa lahat strikto..  Isa lang lang nmn kasi itong magiting na sundalo..  Heneral ang tawag sa kanya ng mga kabatos nya.   Sino ba namang anak ang hindi yuyuko sa magulang kung ganito ang magiging tatay mo diba?
    Ang nakakalungkot lang nun kasi hindi ito pabor xmpre sa pabakla2x ng bunsong anak nitong si jose Marie ..  Nais pa nitong sundan ang yapak nyang maging isang sundalo.. Alam yun ng nanay ni jose Marie si aling martha..  Kaya naman madalas nitong hinihimok ang anak na sundin nalang ang gusto ng kanyang ama upang hindi na masaktan ang anak.   Kung kay aling Martha lang tanggap nmn daw nito ang anak kung sakaling matuloyan ang unico iho nila.  Inaalala lang nito ay ang magiging reaksyon ng asawa nya..
     Paniguradong sakit lang sa katawan ang aabutin ng anak at baka umabot pa sa puntong itakwil ito. Ayaw nitong mapariwara ang anak kung kayat ginagawa nito ang lahat ng kanyang makakaya para sa ikabubuti ng kanyang anak na si Jose Marie..
       Madalas ako sa bahay nila noon..  Para na nga ring anak ang turing ng mag asawa sakin eh. Kung sa kabaitan lang wala talaga akong masabi. Mas gusto ko pa nga nun na dun na tumira sa bahay nila dati eh..  Boring kasi sa bahay namin lagi. C yaya lang lagi ang kasama ko at c lolo kaya lagi akong lumalakwatsa.  Hehe.. Abala kasi ang mama ko sa kakatarbaho.. Simula noong iwan kami ng papa ko at sumama sa ibang babae.  Oo iniwan at  Ipinagpalit nya ako at si mama sa isang sopistikadang babae..  😢 yan tuloy naiiyak na ako.. Balik na nga lang tayo sa buhay ng bff ko.
    Basta yun,  always kami magkasama ni Jose Marie hanggang sa gumraduate kami ng elementary,  high school at ngayun nasa college na kami..  Hindi talaga kmi mapaghiwa-hiwalay.. I cant live without my bestfriend. Except sa kilalang kilala na namin ang isat-isa maliban sa pamilya sya lang ang meron ako..

            To be continued:

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now