80 ) LOVE THIS WAY 💕

448 10 0
                                    

Chapter Fifteen ( Page 80 )
Title :  LOVE THIS WAY💕
#Fight

ANNE POV

     Hindi ko lubos akalain na mararamdaman ko ulit ang ganito sa taong matagal kong kinamuhian.  Ang buong akala ko habambuhay kong dadalhin ang masakit na nakaraan pinagdaanan ko sa taong ito pero bakit ganun?  Pakiramdam ko sya parin ang sinisigaw ng puso ko?  Tama bang pigilan ko ito?  O tuloyan na akong magpatianod sa pag-agos ng damdamin sa puso ko? 

Anne :  "Bakit mo ba to ginagawa? "

Vhong :  "Dahil hindi ko kayang ipagpatuloy ang buhay Kung wala ka Anne? "

Anne :  "Nahihirapan ako Vhong "

Vhong :  "Hindi na ako  mawawala pa sa tabi mo Anne? "

    Hindi ko napigilang bumagsak ang isang butil ng luha sa mga mata ko..

Anne :  "Huwag mo na pahirapan pa ang sarili mo Vhong..  ?"

Vhong :  "Ayaw mo bang Ligawan kita ulit?  Ayaw mo bang magsimula tayo ulit Anne?"

Anne :  "Hindi.."

    Saglit akong huminto sa pagsasalita habang pinapahiran ang mga luha ko sa mata..

Anne :  "Ayuko ng nakikita kang nahihirapang ibalik ang lahat kasi hindi ko na rin kayang pigilan ang nararamdaman ko.. Ikaw parin eh?  Gago ka?! Wag mo na ko iwan ulit ha!!!  Papa-salvage na talaga kita!!!! "

    Maluha-luhang gumuhit ang ngiti sa mga labi nya. At bigla akong niyakap..

   "hinding-hindi na.. Mahal na Mahal kita Anne ..Mahal na Mahal"💕

  Halos paulit-ulit nitong sambit..

   Ito na yata ang pinaka masayang bahagi ng buhay ko ang pakawalan ang lahat ng mga hinanakit sa puso ko at magbukas ulit ng pagkakataong magMahal muli..

VHONG POV

    Tears of Joy..  Ito ang nararamdaman ko sa mga panahong ito..  Ang sarap sa pakiramdam..para akong nabunotan ng tinik..  Sa ikalawang pagkakataon ibinigay sakin ni Anne..  Wala na akong sasayangin pang pagkakataon.. Ibubuhos ko lahat ang pagmamahal na kaya kong ibigay sa taong pinakatangi-tangi ng puso ko. 

   Thank you Lord!!  This time I will make sure na may happy ending ang love story naming dalawa ni Anne.. 

JACKY POV

     Pauwi na kami ni Vice..  Hinayaan naming bigyan ng pagkakataong mag-usap ng masinsinan sina Sir Vhong at ate Anne..  Kasalukoyan kaming naglalakad sa may eskinita ng may makasalubong kaming lasing.. 

   Napatago ako sa likod ng boyfriend ko kasi malayo palang naamoy ko na ang baho ng alak mula rito  ng makalagpas ito samin kinilabotan ako ng lingonin kami ng lalaki at tinuro ako.. 

     "WOW..  Chiks!!!  Girlpren mo to Pare?  Pede piram?  Saglit lang!! "

   Natakot ako bigla.. Nangatog yung mga tuhod ko.. 

Jacky :  "Babe? "    napakapit nako ng mahigpit sa mga braso ni Vice. 

Vice :  "Wag mong pansinin.. Calm down.. Maglakad ka lang.. "

     "Hoooy!!!  Pare!!  Bingi ka bah?  Sabing pahiram ng girlpren mo!!! Lintik nang!!!! Dammit nito ah!!! "   bumalik ito sa pinanggalingan at sinundan ang bawat hakbang namin.

   Kita kong napalunok ng laway si Vice.  Mukang mapapalaban yata kami nito. Huhuhuh..  Hindi sanay ang boyfriend ko sa pakikipagbuno kaya mas mabuti siguro Kung tumakbo nalang kami..

Vice :  "Kuya?  Umuwi na ho kayo. Baka hinahanap na po kayo ng asawa nyo.  Please ayaw po namin ng gulo.. "

   Tuloyan na itong nakalapit samin..

Lasing :  "Ipahiram mo sakin ang girlpren mo para sabay kaming uuwi.  "

Jacky :  "Babe please?  Tara na.. "    halos magmakaawa na ang boses ko.

Lasing :  "Iha?  Saglit lang tayo.. Hoy!!  Ikaw huh?  Wag kang madamot Kung ayaw mong masaktan!!!! "    baling nito sa boyfriend ko. 

Jacky :  "Babe please?  " naiiyak na ako..  Huhuhuh 😥

Lasing :  "halika na..!!! "   nagulat ako ng akma nito akong hablotin..  Buti nalang nakabig agad ako ni Vice sa likoran nya..

Vice :  "Wag mong mahawak-hawakan ang girlfriend ko!!! "

Lasing :  "Matigas Ka pala huh?  Gusto mong masaktan...?  Sige!!!

   Naglabas ito ng patalim.. Kitang-kita ko ang kademonyohang bumabalot sa pagkatao nito..

    "Babe!!  Takbo na!!!!" Nagulat ako sa pasigaw na utos ng Boyfriend ko. Pinapalayo Nya ako samantalang sya nanatili lang sa kinatatayuan..  Anung pinaplanu nya?  Pakikipagbuno sya sa taong lasing na ito?  MY GOD!!  NO WAY!!

Jacky :  "Babe?  Please Wag!! Please!!!! "

Vice :  "Jacky Takbo nah!!!! "

    Kasunod niyon ang pag-atake sa kanya ng Mamang lasing..  Salamat sa dyos dahil nakailag si Vice..

  Anung gagawin ko?  Kailangan kong maghanap ng tulong.. 

   Dali-dali akong tumakbo sa may liwanag baka sakaling may mahanap akong kakilalang mga tambay..

VICE POV

    Wala na akong choice kundi labanan ang Mukong nato..  Hindi naman kami pwedeng tumakbo dahil alam kong maabotan lang kami.  Mas lalo lang mapapahamak si Jacky..

    Nakailag ako sa una at ikalawang atake nito sakin..  Masyadong mahaba ang patalim na hawak nya kaya Hindi ko mapapangakong hindi ako nito matatamaan sa mga susunod na atake nya.. 

    Sa ikatlong atake nya nasalo ang mga braso nyang may hawak ng patalim..  Sinikmuraan nya ako habang pinag-aagawan namin yung patalim.  Kaya napabitaw ako sa kanya.. 

   Sa ikaapat nyang atake.   Masasabi kong swerte ko na talaga..  Lumagpas ito sakin at sinipa ko sya mula Sa kanyang likoran.. 

   Mala-hayop itong lumingon sakin matapos masubsob sa damuhan..

  "Talagang Matigas ka ha?? "

Marahas itong lumapit sakin habang sunod-sunod ang hagis nito sa ere ng panaksak nya..  Napahawak ako sa braso kong dugoan.. 


To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now