129) LOVE THIS WAY 💕

463 8 0
                                    

Chapter Twenty-one ( Page 129 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#11o'clock

KARYLLE POV

       Tawang-tawa talaga ako kay Vice kanina..  Ang sarap nyang asarin.. At biroin paminsan-minsan.  Nahahawa ako sa kakwelahan nyang magsalita.  Haha 😂..

     Na-enjoy ko masyado ang gabi kasama sya..  Dami Kong nainum pero parang wala naman akong Tama?  Haha..  Ang saya lang ganun.  Sarap nyang kasama..  Swerte naman ng babaeng minamahal nya..  Siguro masaya sila parati?  Siguro laging humahagikhik yong girlfriend nya dahil sa mga Havey na jokes ni Vice? 

   Pakiramdam ko rin Mahal na Mahal nila ang isat-isa?  Parang kami lang din ni Yael..  Kahit na seryosong tao sya naging kuntento naman ako sa kanya..  Kaya nga nong nag propose sya?  Syempre nagYES na ako..  Wala eh?  Tinamaan na ako ng matindi sa kanya.  Tsaka isa pa.  Parehas kaming nabubuhay sa musika..  Kaya naman kahit yung ibang kagustohan namin ay magkakaiba pinagdudugtong parin kami ng musika upang magkaintindihan..

     Oo..  Aaminin ko..  Attracted ako kay Vice..  Lalo na nong kumanta sya?  Ang lamig din pala ng boses nya?  Nakaka-inlove subra.  Pero syempre kailangan kong pigilan diba?  Bukod Sa taken kaming dalawa?  Ayuko namang masira ang relasyon nila ng girlfriend nya At lalong ayuko ring masira ang relasyon namin ni Yael...

  Wala naman sigurong masama Kung makikipag-kaibigan ako sa ibang tao diba?  Kahit pa sabihing Gusto ko sya?

    The important thing is we know our limits..

    After sumuka ni Vice..  Pumasok na uli ito ng kotse..  Binagalan ko na rin ang pagtakbo baka kasi maduwal na naman ito..

Karylle:  "Salamat nga pala kanina Vice huh? "

Vice :  "Saan? "

Karylle:  "Dahil Hindi mo ako pinahiya kanina Haha 😂 😂    ganda pala ng boses mo eh?  Pwedeng-pwede ka ng bumuo ng banda ah? "

Vice :  "Tsk.... Dyan na inlab sakin ang girlfriend ko eh.. Haha 😂 "

Karylle: "Wow huh?  Nakakatakot pala pakinggan yang boses mo? " haha 😂

Vice :  "Bakit?  Baka mainloved ka? Haha 😂 "

Karylle: "Haha..  Sira ulo to... "   itinuon ko nalang sa daan ang aking atensyon...

    Ilang minuto ang lumipas narating rin namin ang boarding house na sinasabi nya.

Karylle:  " Ito na ba yung kina Jacky? "

Vice :  "Yup!!  👉yung pulang Gate na yun oh? "

Karylle: "Aahh..  OK..  "

Lumabas ito ng kotse at sinirahan.. 

  Umikot sya sa kabilang side at dinungaw ako sa loob..

Vice :  "Salamat sa paghatid Miss K? "

Karylle:  "Your welcome Mister V?  Haha 😂 sige na?  Pumasok ka na..? "

Vice : "Ahm..  Ingat ka sa pagmamaneho ha?  Baka makikipag-karera kana naman sa daan?"

Karylle:  "OK Po Mister V? "  haha 😂

     Pupungay-pungay itong nakangiti sa akin..  Parehas kaming titig na titig sa isat-isa..

Vice :  "Hmm?  Sige na.. Pasok na ako ha? "

Karylle: "Sige? "

Vice :  "Ingat? "

Karylle:  "Bye? 👋 "

Vice :  "Bye 👋 "

     Parang ayaw ko pang tadyakan ang gasolinador upang mapaandar ang kotse..  Feeling ko kasi mamimiss ko sya.. 😢

    Kaya isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan..

Karylle :  "Sige na babye na.. "

Vice :  "Bye Miss K? "

    Halos di na matapos-tapos ang pagpapaalam namin sa isat-isa ah? 

Haaaayssss......

JACKY POV

11 o'clock na ng gabi Hindi ko parin alam Kung saan ngpunta si Vice.. Tinatawagan ko sya pero unattended..

  Ganito nalang ba talaga ang gagawin nya sa tuwing may Hindi kami pagkakaintindihan?  Ang aalis at babalik Kung kailan nya gusto?  Huhu 😢

   Pilit ko syang iniintindi pero bakit parang pakiramdam ko ako lang yung nagsasakripisyo sa relasyon naming dalawa?

   Bakit ganun?  Akala ko magiging ok na ang lahat?  Bakit parang mas lalo lang lumayo ang loob namin sa isat-isa? 

   Kasalanan ko ba Kung nagselos ako nong hinalikan sya ni Bella?  Kasalanan ko ba Kung nasaktan ako?  Dapat nga nasa tabi ko sya eh para suyoin ako..  Pero anu? Wala sya?  Nakakaiyak..  Halos nakatulogan ko na ang natuyong luha saking mga mata..

    NAGISING ako sa mahihinang katok sa pinto.. Narinig ko rin ang boses ng boyfriend ko.. Akala ko nanaginip Lang ako..

   Umungol si Dawn upang gisingin ako..

Dawn:  "Jacky?  Si Vice yata yan.. "

    Bumangon ako agad upang pagbuksan ang maingay kong nobyo.  hindi ko na sinindihan ang ilaw baka kasi mas lalo lang makadistorbo sa mga kasama ko..

   Bumungad agad sa akin ang lasing na si Vice..

Vice :  "Babe ko.....?"

    Niyakap nya ako ng mahigpit..

Vice : "Babe ko?  I miss you..  "

Jacky: "Babe?  Umayos ka nga?  Ang ingay mo..  Natutulog na sina Dawn? "
   Pabulong kong sabi sa kanya..

Vice :  "Sorry..  Sorry.. "

    Gusto ko syang pagalitan pero hindi ko ginawa..  Minabuti ko na lamang na pahigain sya sa kama..

Vice :  "Babe? Di mo ba ako na-miss? "

   Malambing nya akong niyakap at dinantayan..

Jacky : "Babe?  Wag ka nga makulit?  Nakakahiya kina Mika oh? "

Vice :  "Naglalambing lang eh... Hmmmmp"

     Grabe?!!  Ang kulit talaga!!

To be continued.. 

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now