62) LOVE THIS WAY 💕

430 9 0
                                    

Chapter thirteen ( page 62 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#sinaktanmoangpusoko

JACKY POV

     NANGAKO ako kay Vice na pupuntahan ko sya kapag naglunch break..  Dinalhan ko sya ng paborito nyang ulam Sa canteen. Yung adobo..

     Habang palapit ako Sa kwarto ni Vice.   Di ko maiwasang magtaka..  May ririnig akong boses ng babae..  Boses yun ni Bella Kung hindi ako nagkakamali..  Nagdahan-dahan ako Sa paghakbang papalapit ng pinto..  Lihim kong pinakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa..  Nanggigil ako habang nakikinig..  Hanggang sa mga sumunod na salitang binitawan ni Bella hindi ko na napigilan ang sarili kong sumilip Sa bintana.  Iwinaksi ko ng kaunti ang kurtinang nakatabon sa babasaging bintana.  

    Lumaki ang mga mata ko ng makitang hinalikan ni Bella si Vice 😨😨... Napako ako Sa kinatatayuan ko..  Nakaramdam ako ng panhihina ng tuhod..  Lalo na nong mga ilang sandali pay hinawakan ni Vice ang mga bewang ni Bella.. Kitang-kita ko ang bawat gigil nila Sa ginagawa.. 

    Hindi ko na kinaya pang tingnan ang mga susunod na mangyayari..  Kahit mabigat ang mga paa..  Sinikap kong humakbang paalis..  Pahid-pahid ang mga luhang sunod-sunod na pumapatak Sa mga mata ko.

   Ang sakit-sakit..  Isa akong talonan.   Talonan kasi wala man lang akong ginawa para ipaglaban ang nararamdaman ko. 

   At ang taong tinatangi ng puso koy kasalukoyang May kahalikan? Kasalukoyang nakikipaglaban Sa kama?  Huhuhuhuh 😭😭😭😭😭

    Grabe ang sakit...  Randam ko ang hapdi Sa puso ko.  Bawat pitik nito'y masakit Sa pakiramdam..  Gusto kong sumigaw!!!!  Gusto kong magwala!!!!!  Gusto kong umiyak ng umiyak!!!  Huhuhuh 😭😭😭😭

   Ala una na at kailangan ko ng pumasok sa klase pero mas pinili kong maupo sa labas ng School.. 

Dun ako umiyak ng umiyak.  Di ko alintana ang hiya sa mga nakakakita sakin..  Nakasubsob ang mukha ko saking dalawang palad.

   Laking taka ko ng may humimas ng likod ko.. Pag angat ko ng mukha.  Nasilayan ko si Tom..  Napayakap ako bigla Sa kanya..

Jacky :  "Ang sakit-sakit Tom..  Ang sakit..... -sakit.............. "

   Yun lamang ang tanging namutawi Sa mga labi ko. 

Tom:  "Tahan na Jacky..  Nandito lang ako..  Tahan na  . "

Jacky :  "Ang sakit talaga Tom..  Parang tinutusok ang puso ko.  Bat ganun? "

😭😭😭😭😭😭😭

Tom:   "Sige.  Iiyak mo lang yan.. "

     Saad nito habang pinapahiran ang mga luha ko.

Jacky :  "Nakita ko silang naghahalikan Tom..  Ang sakit sakit talaga ..  "

Tom:  "Si Vice at Bella? "

   Nagulat ako kasi tama ang hula nito.. 

Pero hindi nako nag-usisa pa  . Dahil Sa sakit na nararamdaman ko ngayon..

  Tumango na lamang ako sa kanya..

Tom :  "Jacky?  Nandito lang ako.  Handa akong tulongan kang maghilum ang sugat jan sa puso mo..  Hindi kita pababayaan Jacky... ?.."

    Sincere nitong pahayag sakin..

Jacky :  "thank you Tom..  "

   At muli akong umiyak Sa kanyang mga bisig...

VICE POV

    MAG-AALA UNA na pero walang Jacky ang dumating Sa boarding house ko.  Nakaramdam Ako ng lungkot..  Kasi alam kong nangako sya.. Ngunit kailangan ko syang intindihin..  Baka busy lang ito Sa pagre-review.. 

   Pinilit kong bumangon kasi parang lalo lang sumasama ang pakiramdam ko Sa kakahiga..  Nag-stretch ako ng katawan bago lumabas ng kwarto... Mukang uulan kaya nagdisisyon akong kuhanin ang mga labahan Sa sinampay.. Medyo nakaramdam ako ng ginaw dahil Sa malamig na hanging dumampi saking mga balat.  Hawak-hawak ko na ang mga labahan ng may makita akong nakasupot Sa may labas ng gate pinuntahan ko ito upang itapon.. 

    "Haaay naku naman.   Ang kalat talaga ng mga tao Sa mundo.. "     pagsisintyemento ko.  Ngunit kumunot ang noo ko ng mapansing hindu ito basura..  Isa itong ulam..  Na talagang paborito ko pa huh?  Adobo..  Sayang naman nito..  Hindi ko naman makakain..  Tapos wala rin si moymoy na alaga Kong aso..  Inilapag ko muna Sa balkonahi ang mga damit na hawak ko at naghanap ako ng asong gala Sa labas.. 

    Agad naman akong nakakita..  Habang pinag-aagawan ng dalawang aso ang pagkain naisip ko...   Kung kanino kaya ang ulam na yun?  Baka nahulog lang siguro Sa mga dumaraan..

    Tinanaw ko ang kahabaan ng daan..  At Sa dulo ng eskinita ng papasok Sa boarding house nila Jacky..  Na-miss ko sya bigla ..

   Matamlay ang mukha kong pumasok Sa loob..  Dun ko nalang ipagpapatuloy ang pagiging senti ko.. 😢😢😢😢

   Nasa loob na ako ng biglang kumidlat at kumulog nang pagka-lakas lakas..  Si Jacky agad ang naalala ko..  Sigurado akong takot na takot ito ngayon.. Tapos wala Man lang ako sa tabi nya para yakapin sya?  Patakbo na sanang yumayakap yun sakin ngayon kung kasama ko sya..

  Mas lalo ko lang sya nami-Miss 😢

To be continued

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now