164) LOVE THIS WAY 💕

340 9 0
                                    

Chapter Twenty-seven ( Page 164 )
Tittle :  LOVE THIS WAY 💕
#TheTruthBehindtheLies

BELLA POV

     SA WAKAS..  Nakahanap rin ako ng matutuloyan.. Sa tulong ng aking tagapagligtas na si Zanjo..

   Napansin kong mas naging Hot ito tingnan..  Manila boy na Manila boy ang dating.  Hindi gaya nong una ko syang nakilala na parang Ewan..  Haha 😂 😂

Zanjo: "OK kana ba dito? "

Bella:  "Oh naman..  Thank you huh? "

Zanjo:  "So paanu?  Maiwan na kita? Para makapagpahinga ka? "

Bella:  "Ahm..  Sige..  Salamat ulit?  Ingat ka huh? "

Zanjo: "ahm..  Sige.. "

Bella : "Ahmm..  Zanjo? "

   Muli nya akong nilingon.. Kaya ginawa ko ang bagay na sumagi sa isip ko...

  Dinampian ko sya ng halik Sa pisnge.. Na sya namang ikinagulat nya.. 

Bella :  "Na-miss ko lang ang Savior ko.. Mula noon hanggang ngayon ikaw parin talaga ang Hero ko...😍"

ZANJO POV

    HINDI KO ALAM Kung anung mararamdaman ko..  Nang hinalikan nya ako sa pisnge..  Di parin maalis-alis Sa mga labi ko ang ngiti habang pauwi.. Sa hinaba-haba ng panahon ngayon ko lang sya ulit nakita..  Wala parin syang pinagbago..  Maganda at Sexy..  Mas lalo lang tuloy nabuhay ang nararamdaman ko para sa Kanya..  Ngunit batid kong baka masaktan ko ang pinsan ko kapag ipinagpatuloy ko ang damdamin ko para kay Bella.  Alam ko kasing hanggang ngayon si Bella parin ang nilalaman ng puso nya.. 

   Pero paanu ko nga ba lalabanan itong nararamdaman ko gayong alam kong may pag-asa sa pagitan naming dalawa ni Bella ..

     Basta ang alam ko lang..  Ngayong alam kong nandito sya sa maynila..  Wala akong sasayanging panahon at oras upang makasama sya.

   Papahingahin ko nalang muna sya ngayon kasi alam kong pagod sya sa byahe at talagang nagtatakbo pa dahil sa loko-lokong magnanakaw na yun..

KARYLLE POV

    NAKANGITI akong lumapit kay Jacky. 

  Agad nya akong binati ng makita ako.

Jacky :  "Hi Ate K?  Welcome to ViceJack? Kasama mo pa si Macoy? " hehe..

Macoy :  "Hello po? "  nahihiya nitong bati.

    Niyakap ko sya ng mahigpit.  Hmmmmmmpppp..

Karylle:  "Congrats Jacky?  I'm so happy for you?  Sa inyong dalawa ni Vice? "

Jacky :  "Hehe.  Thank you?"

    Dinama ko ang sarap ng yakap ng isang kapatid..  Yes!!  Finally I found out that she is my sister!!

   Confirmed..  Matapos kong paimbestigahan si Jacky..  Nalaman kong sya nga ang batang nasa picture..  Isa pa..  Iisang dugo lang ang nananalaytay saming mga katawan.  Ang totoo nyan. Gustong-Gusto ko ng sabihin Sa kanya ang totoo. Ngunit pinigilan ko..  This is not about the right time to tell the truth...  Hindi ko Kasi alam Kung anung magiging reaksyon nya kapag nalaman nya ang totoo.

   Siguro.. After nalang nitong celebration?  Baka kasi mahirap para sa kanyang tanggapin na matagal ng patay ang Dad namin... Ayukong masira ang magandang araw ng kapatid ko.

  Kaya naman nandito kami ni Macoy upang suportahan ang opening ng restaurant nila..  Hindi ko na rin muna sinabi kay Macoy ang mga nalaman ko..

   Basta...  Meron akong isang tao na gusto Kong tulongan akong ipaalam ang totoo kay Jacky..  Yun ay si Vice.. Ayaw ko kasing biglain ang kapatid ko..  Mahirap din naman kasing tanggapin na 2nd family lang pala sila ng Father namin..  Which is ang pagkakaalam nya Hindi..

    "Ang katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan.. "

JACKY POV

    DI KO MAIWASANG Wag magtaka sa mga ikinikilos ni Ate Karylle?   Ewan ko?  Masaya lang talaga siguro sya para sa amin ni Vice?  Hindi kasi mawala-wala ang mga tingin at ngiti nya sa akin...

  Nako-curious tuloy ako.

Vice : "Babe ko? "

   Inakbayan ako ng aking Asawa at ginawaran ng halik sa noo..

Jacky :  "I'm so happy... "

Vice : "I know...  This is it babe?  Ngayong unti-unti na nating nabubuo ang mga pangarap natin...ahm.  pwede na siguro tayo bumuo ng pamilya? "  seryoso nitong tanong..

   Napangiti ako sa mga narinig mula Sa kanya..

Jacky :  "Oo naman..  Soon? Hehe"

Vice :  "Sabi mo yan huh? "

Jacky :  "Haha..  Mamanhikan ka muna oi..  ?"

Vice :  "Haha..  Kailangan pa ba yun? " haha..  Biro nito.

Jacky :  "Oi.. Grabe sya?  De porke nakuha mo na lahat di mo na gagawin yun? "haha

Vice :  "Haha.  Joke lang..  Ito naman.. Hehe.. "

Jacky :  "Babe?  Gutom na ako?  Kumain na tayo? "

Vice :  "Sige..  Sabay na tayo kina K? "

Jacky :  "OK..  Sige..  Mangungusina Lang ako saglit babe?  Gusto ko ako magpe-prepare ng kakainin natin ok? "

Vice :  "Sige babe..  Gusto ko yun..  Hehe "

To be continued  .
  

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackМесто, где живут истории. Откройте их для себя