63) LOVE THIS WAY 💕

425 8 0
                                    

Chapter Thirteen ( page 63 )
Title :   LOVE THIS WAY 💕
#ican'tfightthisfeelinganymore

BELLA POV

       NASAKTAN ako ng subra sa mga nangyari sa pagitan namin ni Vice.  Wala naman akong ibang hinangad kundi ang mahalin sya.  Ngunit sakit sa kalooban lang ang natamo ko mula sa kanya..  Akala ko yun na yun eh?  Akala ko tuloyan nang mapapasakin ang taong pinakamamahal ko yun pala hindi..  Dahil may ibang laman pala ang puso nya..

    Wala akong ibang ginawa Sa buong maghapon kundi ang magmukmok Sa kwarto at umiyak ng umiyak...  Ayaw ko ring lumabas dahil sa paga kong mga mata.  Ayukong makita ni kuya ang mukha kong ganito...

     Dahil sa inis at galit na nararamdaman ko.  Pinunit-punit ko ang suot kong Damit kanina nang pumunta ako kina Vice.. Naiinis ako sa sarili..  Anung meron kay Jacky na wala ako? 😭😭😭😭

    Mula noon hanggang ngayon muuwi na naman ba sa wala ang lahat? Ganun-ganun nalang ba yun?  Mahal na mahal ko si Vice at hanggang ngayon lasap ko parin ang mga halik nya..  Ang mga haplos nya..  Mas lalo lang sumakit yung kirot sa puso ko kapag naalala ko ang mga eksinang yun.. 😭😭😭😭


        LUMIPAS ang isang araw na walang Jacky ang nagpunta sa boarding ni Vice.. 

    Tinetext nya pero Hindi naman nagrereply..   Nag-aalala na sya para rito..  Pinuntahan nya ito Sa boarding house nila ni mika ngunit maaga raw itong umalis.. 

VICE POV

   Tila nagproprotesta ang puso ko dahil Sa hindi ko mahagilap si Jacky..  Nasaan kaya yun nagpunta? Miss na miss ko na sya..

    Dahil sa magkahalong kaba at pag-aalala sa puso ko.  Minabuti kong pumunta ng simbahan.. 

    Kunti lang ang mga tao bagamat hindi naman araw ng linggo..

    Nag sign of cross ako pagpasok ko ng simbahan..  Umupo ako sa ikalimang upoan sa may likoran..

    Ilang sandali ay lumuhod ako habang nakatuon lang ang paningin  Sa nakapakong si Jesus na anak ng ating Amang Dios..

    Ipinikit ko ang aking mga mata..at Nagsimula akong magdasal..

"Lord... Heavenly Father..  Thank for all the blessings that you have given to me..  Salamat po dahil Hindi nyo po ako pinapabayaan pati ang mga mahal ko po Sa buhay Sa lahat ng pagkakataon..  Lord.. Patawarin po ninyo ako Sa mga nagawa kong kasalanan...maging saking mga kakulangan at kalabisan.."

    "Lord nandito rin po ako upang ilapit sa inyo ang kalituhan sa sarili ko..  Lord sukat nyo po ang aking puso at alam po ninyo ang nilalaman nito..  Bigyan nyo po sana ako ng lakas ng loob upang sabihin sa taong pinakamamahal ko ang nilalaman ng aking puso..  Lord?  Maari po ba akong humingi ng sign?  Nais ko pong malaman Kung dapat at nararapat po ba tong nararamdaman ko?  Please Lord..  Sana maalis na lahat ng kalituhan at pag-aalinlangan sa puso ko. Lahat po ng ito ay itinataas ko po sa nyo. Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo..  Amen"

    Pagmulat ko ng aking mga mata napanganga ako Sa aking Nakita..😨 Isang magandang babaeng naglalakad sa gitna ng simbahan..  Nagtama ang aming mga paningin... Ang nakangiting si Jacky... 

    "Lord?  Ito na ba yung sign? "  😍 sigaw ng isip ko.

Jacky :  "Oh?  Sis?  Nandito ka pala? "

     Sandaling nagloading ang isip ko..  Pakiramdam ko kasi biglang tumigil ang mundo ng makita ko sya eh..

Vice :   "Ahh eh.   Oo...  Pauwi Kana ba? Sabay na tayo Jacky😍? "

Jacky :  "Sige tara.. "   naramdaman kong parang cold ito Sa akin..  Pero hindi ko nalang yun pinansin..  Grabe.  Kailangan ko na talaga magtapat kay Jacky.. Totoo nato..  Wala ng dahilan para magpatumpik-tumpik pa.

JACKY POV

       LAHAT ng sakit na nararamdaman ko ay pilit kong ikinubli.. Hindi ko kayang ipakitang nasasaktan ako..  Gusto kong sa bibig mismo ni Vice ko marinig na sila na ni Bella.. Kasi syempre malamang sila na talaga!!  Nag kiss na sila at malamang may nangyari na Sa kanilang dalawa 😢

    Pilit kong nilabanan ang kirot sa puso ko habang magkasama kami ni Vice..  Buti nalang hindi na paga ang mga mata ko Sa kakaiyak..

Vice :  "Ahm.. Jacky?  Pwede ba tayong lumabas?    Mamaya? "

Jacky :  "Huh?  Bakit?  Hindi naba masakit yang ulo mo? "

Vice :  "May gusto lang sana akong sabihin eh.. Importante lang.. "

    Oh My God?!!!  Ito nga yung sasabihin nya? Huhuhuh😭😭  kailangan kong ihanda ang sarili ko sa mga maririnig..  Sigurado akong aamin na syang sila na ni Bella..  Ouch talaga...  Nagwawala ang puso ko.. Rinig ko ang bawat kabog ng dibdib ko sa kaba..

Jacky :   "ah.  Oh sige.. "   nauutal kong sagot..

To be continued...

  

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now