32) LOVE THIS WAY 💕

503 13 0
                                    

Chapter Ten ( page 32 )
Title: LOVE THIS WAY💕
#selosan

JACKY POV

      TULOY ang kwentuhan namin ni Tom sa Cellphone ng may biglang tumawag ng pangalan ko..  Si Vice..

Jacky:  "wait Lang soyti hUh? " sabi ko Sa kabilang linya.. .

Vice:    "andito ka lang pala?  Kanina pa kita hinahanap ah. Bat Bigla-bigla Ka nalang nawawala Sa tabi ko.. "

Jacky :   "Sinagot ko lang yung tawag ni Tom"

Vice:  "Si Tom? Gabi na ah nakikipag-telebabad pa.?

Jacky :  "kaysa naman wala akong kausap dun noh"

Vice :  "Bakit hindi ka maki-join samin ni Bella?  Para namang hindi natin sya naging kaklase ah.. "

Jacky :  "Ayuko nga "

     "Hello Jacky?  " biglang nagsalita ang Hawak kong cellphone..  Nakalimotan kong nasa linya pa pala si Tom..

Jacky:  "Hello Soyti?  Call me later nalang huh?  Bye.. "   sabay off..

Vice :  "Sabihin mo call me never.. "

Jacky:  "bakit ang sama mo na ngayon kay Tom? Sis wag ganun.. "

Vice :  "Basta.  Tara na uwi na tayo?  Nabobore na ako.. "

VICE POV

      PAGKATAPOS naming magpaalam sa mag-asawang bagong kasal ay nagpaalam narin ako kay Bella.  Habang nagkukwentuhan kami kanina hiningi Nya ang number ko..

   Ang Totoo..  Nag-enjoy naman ako kausap sya kanina.. Hindi parin sya nagbabago sya parin yung Bella na nakilala ko noon..

    Noong una ko syang nakita kanina..  Aaminin kong na-flattered talaga ako..  Pero nung nag-uusap na kami at magkakwentuhan muling gumaan ang loob ko sa kanya..

    Nawala nga Sa isip ko eh na Kasama ko pala si Jacky.. Pero nong napansin kong wala sya Sa tabi ko.  Nagpanic bigla ang puso ko..  Medyo OA ang dating diba? pero yun talaga ang naramdaman ko.. 

    Nakaramdam ako ng pag-aalala.. Ganitong-ganito rin yung naramdaman ko nong nasa palawan kami na pagbalik ko galing jet ski Hindi ko sya mahagilap..

  Yun pala..  Kasama nya si Tom..

  Galit na galit talaga ako nun..  Dahilan Kung bakit nagkasagotan kaming dalawa..

   Minsan may mga bagay talaga na mahirap ipaliwanag lalo na kung sarili mo nga mismo Hindi mo maintindihan.?

  Selos ba tong nararamdaman ko?  O baka selfish lang talaga ako?

   Ang Totoo hindi ko talaga alam..

   Nang makita ko Si Jacky sa May gilid ng garden may kausap Sa cellphone.. nakahinga ako ng maluwag..  Nilapitan ko sya..  Pero nong malaman ko na si Tom pala ang kausap nya..  Nakaramdam ako ng inis.. Yayain ko pa sana syang sumayaw kaso nawalan na ko ng gana at gusto ko ng umuwi..

      HABANG sakay sina Vice at Jacky ng taxi pauwi..  Hindi nagkikiboan ang dalawa.   Nakatingin lang ang dalaga sa labas ng side mirror..  Habang tutok na tutok naman si Vice Sa kanyang cellphone..  Halatang may katext.

Biglang nagring ang cellphone ni Vice.

"hello?  ......... Hindi pa nga eh....... Sige.......
I'll text you pagnasa bahay na ako........
OK........  Ikaw rin  ingat ka........  Bye... "

    Napailing lang ang dalaga at lihim na ikinubli ang busangot nyang mukha..  Muli nyang itinutok ang sarli Sa kawalan.. Sigurado kasi syang si Bella yung kausap ni Vice kani-kanina lang....

Nagulat si Jacky ng biglang Mag vibrate yung cellphone nya..   Naka on pa pala yung data nya at gusto yata makipag video call ni Tom.. 

   Marahil ay hindi na makapaghintay ng Linggo ang binata para makita si Jacky.  Kaya hito at sinusubokang makipag video call sa dalaga.. 

   Video call connecting.......

Tom:  "Hi Jacky? " bati nito na may pabebe wave pang nalalaman..

Jacky:  "Tulog kana oy "

Tom:  "Tutulog nako maya kasi nakita na kita "   

Jacky:  "Hasus?!! Puro ka biro "

Tom:  "Hindi ako nagbibiro ah"

Jacky:  "OK cge..  Nakita mo na ako Diba?  Kaya matulog kana.. "

Tom:   "OK. Masusunod po kamahalan.. " 

Jacky :   "Haha 😂..  Goodnight Soyti.  "

Tom:  "see you in my dreams my princess"0

Jacky : "Haaay naku..  Puro ka kalokohan.  Sige na babye na Soyti..  Lapit na kami sa bahay.. "

Tom:   "OK poh.." at nagflying kiss 😘

   Napailing tuloy si Jacky sa kinaroroonan ni Vice..  Nahuli nya itong Titig na titig Sa kanya.. Na agad namang binawi ang tingin ng magsalubong ang mga mata nila.

Vice :  "May tawagan na pala kayo huh?  Soyti? "

To be continued.....

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu