138 ) LOVE THIS WAY 💕

426 15 1
                                    

Chapter Twenty-three ( Page 138 )
Title :  LOVE THIS WAY 💕
#pinsan&Akinlangto

ZANJO POV

     Kahit na iika-ika ang aking paglalakad pinilit kong makarating ng bahay..  Siguradong magugulat ang aking Ina at Tiya kapag nakita nila ang sinapit Ko..  Sinadya ko ring wag na ipaalam sa kanila Habang nasa hospital pa ako kanina..  Sigurado kasing pagagalitan ng Inay si Bella na nakabundol Sa akin?  Eh kawawa naman..  Jojowain ko pa yun kaya dapat Hindi malaman ng Inay na ito ang nakabundol sa akin kapag naipakikilala ko na ito sa Kanya..

Nanay Gloria :   "Oh?  Dyos ko?!  Anung nangyari sayo Zanjo? "

Zanjo:  "Ahm.  Nabundol ho kasi ako kanina ng kotse Nay?  "

Nanay Gloria :  "Anu?  Hesusmaryusep! Santimaan!  Santisima!!! naman?!  At sino namang tatanga-tangang drayber ang bumundol sayo huh? Aba aba?!!!"

Zanjo:  "Nay?  OK na po ako..  Dinala na nila ako sa hospital..  Tsaka wala naman may nabali sa buto ko.. Namaga lang? "

     Hindi parin tumigil si Nanay sa kakatalak..  Woo-hoo..  Sakit sa Tenga.. 
  Dinagdagan pa ng Tiya ko... Nanay ng pinsan kong si Cardo.. 

   Speaking of Cardo..  Kakarating lang nito..  Galing basketball ball...

Cardo :  "Oi insan? Anu?  Hindi ka nakasali sa laro kanina ah?  Sayang laki pa naman ng pustahan..  Panalo pa naman Tayo? "

Zanjo:  "kakarating ko lang insan eh..  Tingnan mo nga tong sinapit ko? Matagal-tagal pa ako nito makakalaro ulit..

Cardo :  "Naku?  Napanu yan?  Pagang-paga ah?"

Zanjo:  "Kaya nga eh.  At alam mo ba Kung sino ang nakabangga Sa akin? "

Cardo : "Sino? "

Zanjo:  "Yung babaeng kinukwento ko sayong tumalon sa tulay!!! "

Cardo :  "Anu?  Hayop naman oh? Mukang destiny ah?  Haha 😂 "

Zanjo:  "Oo.  Destiny talagang balian nya ako?  Pero OK lang..  At least meron na akong contact number nya?  Haha 😂, "

Cardo :  "Talaga?  Buti kapa insan..  Samantala ako?  Kanina ko lang nakausap ang matagal ko ng crush...."

Zanjo:  "Talaga? Ayos ah? "

Cardo:  "Owo!!! Grabe!!  Kinapalan ko na talaga ang mukha ko insan..  Nakita ko kasi syang umiiyak eh?  Kaya ang ginawa ko nilapitan ko sya at inabotan ng panyo.  "

Zanjo:  "Haha..  Gentleman man ah?  Sure ako kinilig yun insan..? "

Cardo : "Ewan ko..  Halos matagal ko na rin syang inis-stalk kanina lang talaga ako nagkaroon ng lakas upang kausapin sya..  "

Zanjo:  "Insan?  Alam mo namang lahi tayo ng mga habolin ng babae kaya tiwala lang?  OK?"      🤜🤛

JACKY POV

     SA WAKAS.. Nakahinga na rin ng maluwag!!  Grabe si Mika malasing?  Daig pa ang kabayong nakawala sa hawla eh..

    Mas mabuti pa nga yong hindi sya nainum eh..  Nakakadala talaga.. 

   Kasalukoyan kong dinadama ang init ng hubo't-hubad na katawan ng aking nobyo..  Dito kasi ako natulog sa boarding house nya..  At gaya ng inaasahan. Ang mga bagay na pilit kong iniiwasan ay sya namang madalas mangyari? 

   Ewan ko ba..  Bakit Hindi ko sya kayang tanggihan?  Dahil ba?  Gusto ko rin ang mga nangyayari sa aming dalawa?  Haaays..  Bahala na talaga si Batman..  Sabi naman nya mag-iingat kami..  Kaya magta-trust nalang ako sa boyfriend ko..  Alam ko namang Hindi nya ako pababayaan...

    Alas tres na ng madaling araw pero gising na gising parin ang aking mga mata..  Tinamaan na naman yata ako ng insomnia... Haaays..  Gusto ko ng matulog..  Buti pa tong katabi ko..  Himbing na himbing na yung tulog nya. 

    Haha..😂 natawa ako bigla sa sumagi sa isip ko..  Paanu kasi parehas silang mahimbing ang tulog ng Jun2x nya.  Nakakatawa lang..  Sorry.  Haha 😂

    Haay naku Jacky..  Anu ba tong naiisip mo..  Hehe..  .

   Natigil ako saking kabaliwan ng marinig ko ang message tone ni Vice?

   Agad kong hinanap ang cellphone nya..  Kinapa ko ito sa kanyang ulohan....

Nang aking buksan? Miss K ang naka registered name. Si ate Karylle siguro ito?

  
      Miss K,
     09123456789

      Hello Vice?  Anung oras kayo umuwi kanina? Di ko na kasi kayo nakita eh?  Anyway..  Alam mo bang hanggang ngayon tawang-tawa parin ako sa kinanta mong 🎵Corny nalang sana? 🎵 jajaja..  Thank you for always making me happy Vice...  Miss you 😘   ...ingat kayo ni Jacky?

   Ang sweet naman nito?  May pa missyou pa?  Gusto kong magselos pero mukang wala namang point Kung paiiralin ko ang selos dahil lang sa simpleng message na ito?  Buti nalang nilagyan nito ang huling message na "Ingat kayo ni Jacky"   Kung walang ganito siguro high Temper na ako ngayon..

   Inilapag ko na lamang ang cellphone ng aking nobyo..  At hayaang mabasa nya ito bukas..  Pagkatapos ang ginawa ko muli kong niyakap ang hubad kong lablab na si Vice...

    Hmmmmmmpppppp....

   Akin lang to...  Akin lang sya..

To be continued ...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now