34) LOVE THIS WAY💕

444 8 0
                                    

Chapter Ten  ( page 34 )
Title : LOVE THIS WAY 💕
#nosetonose

      KINABUKASAN alas otso ng umaga ay nanatili paring nakahilata Sa kwarto si Vice..  Nakadapa sya Sa kama habang himbing parin ang tulog.
      Hindi nya napansin na kanina pala nagriring ang cellphone nya..
      Si Jacky ang tumatawag ang usapan kasi nila maaga sila luluwas ng Davao ang kaso mukang wala pa yata planung bumangon ni Vice kaya tinungo na lamang ni Jacky ang bahay nila Vice..
     Nadatnan ng dalaga ang Tito Henry nya na nagwawarm-up..  Kahit matanda na ito..  Conscious parin ito Sa health nya Kung kaya't kahit matanda na maskulado parin ang Tatay ni Vice..  Kabaliktaran ng anak nyang si Vice na walang kalutay-lutaym heheh..

Jacky: "  hello po Tito..  Magandang umaga po"

Henry :   "mas maganda kapa Sa umaga iha..  Anong oras kayong babyahe ni Utoy Mamaya iha?

Jacky:  "ngayon na po sana Tito.  Kaso mukang nakapako PA po yata Sa tulog ang anak nyo Tito ah?  "

Henry :  "Naku Jacky..  Ikaw na nga lang ang gumising Sa batang yon..  "

Jacky:  "sige po Tito.. Akyat muna ako Tito."

Henry:  "Ahm.. Iha? "

Jacky:  "Yes po Tito?  "

Henry:  "Alagaan mo ang anak ko Jacky ha?"

Jacky:  "Hoh?  Ah.  Eh.. Oo naman po Tito..  Consistent yan! Hehe " 

Henry:  "salamat iha..  Sige gisingin mo na si Utoy.. "  

     Habang tinatahak ni Jacky ang hagdan paakyat Sa kwarto ni Vice..  Hindi nya mapigilang mapaisip sa tinuran ng Papa ni Vice kanina.

    Pagbukas nya ng pintoan ng kwarto Bumungad sa kanya ang nakadapang si Vice..

    Agad nya itong nilapitan at pinitik sa ilong.. Umongol lang ito ng bahagya.. Natatawang tinabihan ito ng dalaga..  At sinuri ang mukha nito..

   JACKY POV..

    SANA ganito nalang lagi ang mukhang nakikita ko kay Vice..  Yong walang halong kabaklaan.  Kasi lalaking-lalaki talaga ang dating nya sakin pagtulog.. Napansin ko pa ang mga maliliit na hibla ng begote at balbas nya na Sa pagkakaalam ko sinadya nyang Hindi e-shave para naman mas lalong kapani-paniwala ang kanyang pagpapanggap Sa harap ng kanyang ama..

   Napangiti ako Habang pinagmamasdan sya.   Nandito ako para gisingin sya pero bakit parang gusto kong manatili syang tulog muna?  Hehe.  Ang loka ko talaga.. 

   Mahina kong iginuhit ang hintuturo ko sa matangos nyang ilong..  Nakakatulong rin talaga ang pagiging tulog mantika Nya minsan para makapagmoment ako.  Hehe..

   Napadako ang mga tingin ko sa mga labi ni Vice..  Naalala ko tuloy ang minsang pagkakataong dumampi ang mga labi nito Sa labi ko..  Mauulit pa kaya ang biro na yun?  Or what if kaya Kung nakawan ko sya ng Halik ngayon?  Mararamdaman kaya nya?  Magigising kaya sya? 

    Hahaha 😆  parang sleeping prince lang ang dating ah?  Natatawa ako Sa Kung anu-anung mga kahibangan tumatakbo Sa isip ko.. 
     Bahagya kong inilapit ang mukha ko Sa mukha nya.

     Bahagyang naglapat ang mga ilong namin ng biglang nagmulat ng mga mata si Vice!!!!

VICE POV

     Pagmulat ng mga mata ko.  Nagulat ako kay Jacky.  Napaupo kami parehas Sa kama.. Halos magkalapit na mga mukha namin..  Magkalapat pati mga ilong namin..
   Anu kaya napasok Sa isipan nito at bakit ako ni-nose to nose Habang natutulog.. Baliw talaga tong si Jacky..

Vice:  "Jacky naman?  Pinagpaplanuhan mo yata ako eh.. " biro ko Sa Kanya..

Jacky:   "Hoy hindi..  Anu ka?  Inaamoy ko lang kaya hininga mo ..."  dahilan nito..

Vice:  "Weeh?  Hindi nga? Sira ulo to..  Bat mo naman aamoyin ang hininga ko?  Ikaw Jacky huh?  Napaghahalata ka eh.  "

Jacky:  "hala?  Assuming lang sis?  Bumangon ka nga jan? Magmumog kana..  Anung petsa na oh?  Kala ko ba maaga tayong luluwas? "

Vice:  "oooyyy..  Si Jacky iniiba ang usapan.."

Jacky:  "Haaay naku..  Bala ka nga jan! "

    Tatayo na sana si Jacky ng hilahin ko Kamay nya. 

Vice:  " wag ka nga excited lumuwas ng Davao Jacky?  Lika nga muna dito?"

  Pinahiga ko sya Sa tabi ko at dinatayan..

Vice:  "Hindi mo ba ako mamimiss katabi sis? "

Jacky:  "Syempre mababagohan ako..  Dun ako nasanay eh.  Ikaw kasi pumayag ka..

Vice:  "Alangan naman sawayin ko ang tita mo noh?  Ikaw talaga.. "

Jacky:  "Pwede naman ah.. "

Vice:   "Pasaway ka kasi.. "

    Tumunog bigla ang message tone ko..  Tiningnan ko Kung sino..  Si Bella pala ang nag text..

Vice:  "sasabay pala si Bella satin Luluwas ng Davao sis huh?  Dun din pala sya nag-aaral..

Jacky:  "Ahhh..  Kaya pala tayo tinanghali kasi may hinihitay pa tayo? OK.. "

    Nakasimangot na tumayo si Jacky at umalis ng kwarto..

   Tinawag ko sya pero hindi na ito lumingon pa sakin..

   Anu kaya talaga ang problema nito kay Bella?  Haaay naku..  Kailangan ko silang pagbatiin..  Kailangan kong maging tulay para tuloyan na silang maging OK Sa isat-isa.. Alam kong meju natatarayan si Jacky kay Bella pero mabait naman talaga si Bella Kung kikilanin lang nya..  Haaay naku..  Mahihirapan talaga nitong pumagitna..

To be continued...

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackWhere stories live. Discover now