88 ) LOVE THIS WAY 💕

403 9 0
                                    

Chapter Sixteen ( page 88 )
Title :  LOVE THIS WAY💕
#Dalaw

     UNANG LINGGONG Hindi magkasama sina Vice at Jacky..  Nandun parin ang coldness nilang dalawa.. 

     Two to three times nalang din silang nag-uusap a day..  Ang lungkot diba?

    Wala naman magawa si Vice kundi intindihin ang nobya..  Minsan sa subrang Bagot itinutuon na lamang nya ang kanyang atensyon sa TV 📺 o di kaya Sa computer 💻

VICE POV

     Nasa harap ako ngayon ng computer 💻 habang nagtitingin ng instagram ni Jacky.. Talagang nag stalk ako sa mga account nya sa facebook at instagram.. Wala lang.. Gusto ko lang..

   Gusto ko lang malaman ang mga ginagawa nya everyday..  Isa pa baka umaaligid-aligid na naman sa kanya si Tom.. Pag-uwi ko ng Davao babakoran ko na talaga ang girlfriend ko..  Total alam na naman ng lahat ang tungkol sa aming dalawa..   Napangiti naman ako dahil wala naman akong nakitang kakaiba sa mga post ni Jacky..  Napatitig ako sa last picture nyang na-scan ko..  Ang ganda talaga ng babe ko..  Namimiss ko na ang ngiti nya..  Ang cute nyang mga dimples. Mga nagnining-ning nyang mga mata.  At ang mapupula at malalambot nyang lips💋

   Namimiss ko na rin ang mga lambing nya sa akin..  Parang hindi ko tuloy maisip bakit ba nangyayari samin to ang ganitong tampohan.. 

    Tatawagan ko nalang sya.  Gusto ko syang nakausap..  I really miss my girlfriend!!!  Dinampot ko ang aking phone at nagdial..  Ring lang ng ring..  Wala namang sumasagot.   Nakadalawang dial na ako, pero wala eh..

    Text ko nalang..

   "Babe ko?  I miss you.. Please tawagan mo ako kapag wala ka ng ginagawa? 😢"

   Message sent... 

  Napalingon ako ng tawagin ako ni Mama sa Salas.. 

Vice : "Bakit po Ma? "

Mama Martha:  "Anak? May bisita ka... "

   Nagulat ako ng makita ko ang nakangiting si Bella..  Ang ganda nito sa simpleng pananamit.   White blouse at black pants na naka-white rubber shoe's .. Naka-high Pony ang hair at mild lang ang makeup..

Bella :  "Hi Vice? "

Vice :  "Ahmmm..  Hello...  "   na-starstruck ako bigla sa ganda ni Bella ah? Nawalan tuloy ako ng sasabihin..

Mama Martha :  "Oh sige.  Ipaghahanda ko muna ng meryenda tong bisita mo Anak.. "

Bella :  "Naku wag na ho Tita?  Nakakahiya naman ho. "

Mama Martha:  "Naku Iha..  Sige na maupo kana..  "

Bella:  "Salamat po "😂

     Pumanhik na ang Mama sa kusina upang magtimpla ng juice.  

   Sabay kaming naupo ni Bella sa sofa na naroon..

Vice :  "Talagang dinalaw mo ako?  Eh ang layo nitong sa amin. "

Bella :  " Ayaw mo bah?"

Vice :  "Hindi naman sa ganun.   Baka pagalitan ka ng kuya mo?  Ng ate mo? "

Bella:  "Hindi ah... Bumabawi lang ako kasi hindi ako nakadalaw sayo sa hospital..  Nasa field trip kasi kami nun "

Vice :  "OK lang Bella.. Baka kasi anu eh... Ahmmmm..... "

Bella :  "Baka magalit ang girlfriend mo? "

Vice :  "Alam mo na rin? "

Bella :  "Oo naman..  Usap-usapan sa buong university namin eh.  Talagang tumalon yung issues sa inyong dalawa hanggang sa school namin.. "

    Namangha ako?  Ang bilis naman kumalat ng tsismis..  Siguro nga kasi famous ang love team namin ni Jacky..  Because as far as they know..  I am gay.. 

Vice :  "Ganun bah?"

Bella :  "Anyway... Vice? Sorry about what happened to us.  ?

Vice :  "OK lang yun Bella..  Ako nga dapat maghingi ng sorry eh. "

    Ito yung unang pag-uusap namin pagkatapos ng mga nangyari...  Bigla ko tuloy naalala ang mga intense na nangyari sa aming dalawa..

   Haaaay... Magkakasala na naman ako kay Jacky nito..  Dapat ko bang sabihin sa kanya na nandito ngayon si Bella?  Feeling ko Hindi nya dapat malaman to.. Baka Kung anu na naman isipin nya eh... Lalo ng alam nya ang nangyari sa aming dalawa ni Bella..  Wooooo ang hirap naman pala ng ganito.. 

Mama Martha:   " Oh heto..  Magmeryenda muna kayo ha?  At kukuhanin ko lang ang mga sinampay ko at mukang uulan.  "

Bella :  "Sige po Tita.   Salamat poh.. "

      Huli ko namalayan na nakatitig pala ako sa umiinum ng juice na si Bella...

Vice :  "Magra-round trip kaba Mamaya? Baka kasi abotin kana ng hating gabi bago makauwi..  "

Bella :  "Hindi..  Magche-check in nalang ako..  Marami naman siguro dyan noh? "

Vice :  "Dito ka nalang magpalipas ng gabi. Malaki naman tong bahay eh. Tsaka delikado lalabas kapa mamaya.?"

Bella :  "OK lang ba sa parents mo?  At sa girlfriend mo?"

Vice :  "yun na nga eh. Pwede bang wag nalang natin ipaalam kay Jacky na  nandito ka?  Baka kasi....  "

Bella :  "OK Vice..  I understand...  Sorry huh?  Kung medyo nakakagulo ako sa nyong dalawa ni Jacky.. "

Vice :  "Wag mo na isipin yun.. Salamat pala sa pagbisita."  😊

To be continued....

LOVE THIS WAY 💕  #VicejackOnde histórias criam vida. Descubra agora